"Maliwanag ang aking paningin sa gabi. Tumatakbo ako sa gitna ng gubat na parang wala sa sarili. Bakit ganito? Bakit parang tigre akong umuungol ang lumalabas sa bibig ko imbes na salita? Teka.. Ang braso ko. Puro balahibo. Na para ngang tigre. Anong gnagawa ko bt tumatakbo ako? M-may hinahabol ako. Lalaki.. Kitang kita ko ang itsura nya.. Takot na takot sya. Ano tong nararamdaman ko? Gutom ako.. At.. At.. Sya ang gusto kong kainin! Malapit nako sa lalaki.. Hmmm!! Ginilitan ko sya sa leeg gamit ang mahahaba kong kuko.. Nauuhaw ako. Nagugutom. Naglalaway. Ininom ko ang dugo nya. Ang sarap. Kinain ko ang lamanloob nya.. Walang kasing sarap. Bawat subo ko ay ninanamnam ko ang mga ito. Haay.. Busog nako. Makauwi na at makapagpahinga."
Nagising si elmer na masakit ang katawan lalo na ang mga binti nya. Manginat nginat sya bago sya bumangon at nagpunta sa kusina para maghilamos. Sumulyap sya sa bintana at napansin nyang nagkakagulo sa labas ng bahay nya.. Nag iisa nalang sa buhay c elmer. Namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Iniwan sya ng kanyang itay sa kanyang tiyo na kapatid ng kanyang ina at umalis sa kanilang lugar. Ng mag labinlimang taon na c elmer ay nakipag sapalaran sya sa maynila upang tulungan ang kanyang tiyo na nagpalaki sa kanya. Kargador sya sa palengke ng isang malaking grocery store. Pero simula nung sya'y mag labing walong taong gulang, madalas syang managinip, hindi, bangungutin na sya'y tumatakbo at mayroon syang hinahabol na tao at kanyang kakainin. Nagigising na lamang sya kapag sa panaginip nya na sya ay tapos ng kumain ng lamanloob ng tao.
"May pinatay nanaman ang halimaw sa lugar natin!! Sigaw ng matandang lalaki na kilala sa lugar na pinagtitirhan ni elmer.
"Oo nga eh! Pero parang mas pabor pako sa halimaw na pumapatay ng tao. Kasi halos lahat ng napapabalitang namatay sa lugar natin ay mga kriminal na hindi mahuli huli ng pulis". Sagot naman ng isang lalaki.
"Oo nga tatang. Kaya ako ay hindi naman natatakot sa halimaw na yan dahil parang mas kinakampihan ko sya dahil masasamang tao lang ang pinapatay nya". Sabi ng matandang babae..
"Sino naman kaya ang halimaw na sinasabi nilang pumapatay sa mga kriminal? Nung isang araw ay c berto na syang tulak ng droga ang nakitang palutang lutang sa ilog wakwak ang tiyan. Buti nga sa kanila". Sabi ni elmer sa sarili.
Matapos magkape ay naligo na c elmer at nag ayos para pumasok sa pinagtatrabahuhan.. Likas na masipag at mabait c elmer. Tapat dn ito sa trabaho kaya naman madalas syang bgyan ng bonus ng kanyang amo. Galit c elmer sa mga masasamang tao. Binugbog nya ang mga kalalakihan na sinubukang mang holdap sa grocery na kanyang pinagtatrabahuhan. Kaya naman tuwang tuwa sya kapag may nabalitaan syang pinatay na masamang loob ang halimaw sa kanilang lugar.
Kinagabihan pag uwi ni elmer sa kanyang tinutuluyan ay nakakaramdam nanaman sya ng ibang init sa katawan. Pagtapos nyang maghapunan at naghugas ng katawan ay humiga na sya upang magpahinga. Pinagpapawisan ng malamig c elmer at nanginginig ang kanyang laman.
"Ito nanaman ang pakiramdam ko.. Para ang lalagnatin. Itulog ko nalang ulit ito.." Sa loob loob ni elmer..Paglipas ng ilang minuto...
"Ano nanaman to? Tumatakbo nanaman ako. Umaakyat sa mga bahay. Mabalahibo nanaman ang mga braso ko.. Nananaginip nanaman ako. Haaaa! Katatapos ko lang mag hapunan pero bat nagugutom ako. Iba ang gusto ko. Dugo at lamanloob ng tao. Kelangang maghanap ako ng tao."
Maya maya pa'y....
"Walanghiyang mga adik to. D na naawa sa matandang babae! Hinoldap pa! Humanda kayo sakin!!"
"Pre, a-a-aswang!!!!! Aaahhhhhhhh!!!" Sigaw ng isang lalaking holdaper.
Sinakmal ng halimaw ang kanyang leeg na kinamatay kaagad nito. Natakot ang dalawa pang holdaper kaya nagsimula na silang tumakbo. Naiwang nakapako sa kanyang kinalalagyan ang matandang babaeng kanilang hinoholdap kani kanila lang. Ang buong akala ng babae'y katapusan na nya ngunit tinitigan lamang sya ng halimaw. Nagawa pang pulutin ng halimaw ang shoulder ng matanda at iniabot ng halimaw sa kanya..
"S-salamat." Ang tanging nasabi ng matandang babae.
Agad namang tumalon ng sobrang taas ang halimaw upang habulin ang natitirang dalawang holdaper. Nang maabutan nya ang mga ito'y walang awa ang halimaw na pinagkakalmot ang mga ito hanggang sa bawian ng buhay at pagkatapos ay kinain nya ang mga lamanloob nito. Ng matapos nyang pagpyestahan ang mga holdaper, sa d inaasahang pagkakataon ay biglang nagising c elmer.. Duguan ang buong katawan.. Gulat na gulat c elmer sa natuklasan. D nya alam kung papano sya makakauwi dahil nakita nya na may mga tanod na paparating. Takot na takot c elmer baka patayin sya ng mga tanod. Nasalubong pala ng matandang babae ang mga tanod at na nakita nya ang halimaw at nasabi pa nito na iniligtas sya ng halimaw..
D nakapagtago c elmer kung kayat nakita sya ng mga tanod.
"E-elmer?!! I-ikaw ang...." Sabi ng isang tanod..
"Oo kuya." Takot na sumagot c elmer. "Patawarin nyo po ako. D ko po alam na ako ang halimaw na nababalita sa lugar na ito. Handa akong panagutan ang lahat. Kahit patayin nyo nako." Mangiyak ngiyak na sabi ni elmer.
"Hindi elmer. Maraming salamat. Dahil binawasan mo ang mga masasamang loob dito sa lugar natin. Hindi namin ipagsasabi ang nakita namin. Kaya pala. Kaya pala mga masasamang tao lamang ang pinapatay ng halimaw. Sa kadahilanang ikaw ang halimaw. Kilala ka namin na galit na galit sa mga taong masasama. Umalis ka nalang sa lugar na to elmer bago pa malaman ng ibang tao dito na ikaw ang halimaw." Sabi ng isa pang tanod.
"Elmer, maraming salamat sa pagligtas mo sa akin iho." Sabat ng matandang babae.
"Maraming salamat po manong.. Salamat at hinayaan nyo akong mabuhay. Opo, babalik nako sa probinsya. Uuwi nako sa tiyo ko para na dn malaman ko kung ano talaga ang katauhan ko at saan ito nagmula." Sabi ni elmer. "Manang, wala pong anuman. D ko dn po alam na niligtas ko po pala kayo." Dugtong nya.
Kinabukasan ay naghakot na sya ng kanyang gamit at nilisan na nya ang lugar. May lungkot syang nararamdaman dahil 15y/o pa lang sya nung sya ay napadpad dito. Ngayon ay 23y/o na sya at iiwanan na nya ang lugar na napamahal na sa kanya. Ang lugar kung saan masaya sya at nakakapamuhay ng mag isa habang tinutulungan ang kanyang tiyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera. Sa mga taong mabait sa kanya dahil na dn sa kabutihang ugali nya.
Pagtapos ng limang oras na byahe, narating na nya ang kanyang probinsya. Sariwang hangin.. Walang halos pinagbago ang lugar maliban nalang sa mas dumami ang mga tindahan at mga ilaw sa kalye. Mga sampung minutong paglalakad dn ng marating nya ang bahay ng kanyang tiyo. Medyo maayos na un dahil na dn sa pagpapadala nya ng pera. Natuwa sya dahil hindi lang kung san san ginastos ng kanyang tiyo ang perang pinadala nya.
Kumatok sya sa pintuan..
"Tsong!? C elmer po ito. Tsong!? Anjan po b kayo?" Sabi ni elmer habang kumakatok.Maya maya ay pinagbuksan sya ng kanyang tiyo. D nya napigilan umiyak at ikinuwento ang lahat sa kanyang tiyo.
"Oras na para malaman mo ang lahat elmer." Ang tiyo nya. "Aswang ang iyong ama. Namatay ang iyong ina nung pinanganak ka dahil sa pagkabigla nung iba ang itsura mo noong inuluwal ka nya. May sakt sa puso ang iyong ina kaya ito ang ikinamatay nya. Umalis ang iyong ama at iniwan sakin upang wag kang matulad sa kanya at upang lumaki ka ng normal sa piling ko. Mga hayop lamang ang kinakain ng iyong ama. D nya kayang kumain ng tao. Nagulat nalang ako sayo nung sinabi mo na kumakain ka ng tao. Pero napamangha ako sayo dahil sa sinabi mong masasamang tao lamang ang iyong pinapatay." Dagdag nito.
"Salamat po sa pagsabi ng katotohanan tsong. Kung sakaling magbagong anyo ako at sugurin ko kayo. Wag po kayong mag alinlangan na bawian ako ng buhay. Ayoko pong mapahamak ang mga tao sa lugar na ito." C elmer.
"Elmer, may maganda akong balita sayo." Nakangiting sabi ng kanyang tiyo.. "Maraming kriminal dito."
---- the end ----
Ok po ba ang kwento ko? Comment nalang po kung baduy d po sasama ang loob ko. Maraming salamat po. :) vote na dn po kung gagawan ko to ng kwento. 2017 ko pa nagawa to pero pinag isipan ko talaga kung ipupublish ko. Hehe. Salamat po.
BINABASA MO ANG
My Short Stories
HorrorAng mga istoryang mababasa nyo ay mga gawa ko lamang dala ng matinding imahinasyon at pagkahilig sa mga nakakatakot na istorya. Sana magustuhan nyo.. :) Pa vote nalang po pag nagustuhan nyo mga gawa kong story.. Maraming salamat po.. :)