Pangalawang Pagkakataon

31 2 0
                                    

Pangalawang Pagkakataon
tula ni: tatalina
(2016)

Sabi mo, ang pag-iibaga'y walang katapusan,
Naniwala ako't salita'y pinanghawakan.
Isang araw, pagmulat ng mata, ika'y lumisan,
Iniwan akong luhaan, ika'y kinamuhian.

Lumipas ang mga linggo, hindi ka nagpaparamdam,
Paliwanag sa pagsuko mo pa ri'y inaasam.
Sa iba itinuon, pagmamahal pinaramdam,
Sumaya sa piling, sa isip ko ito'y mainam.

Gumulo ang mundo ko't isip nang ika'y bumalik,
Nakaramdam ng takot kahit sa'yo ay nasabik.
Nangakong muli, yumakap at sa labi'y humalik,
Pilit ibinabalik ang pagmamahal na hitik.

Winaksi ko ang pangambang iiwan akong muli,
Dahil ang ligaya ko'y ikaw ang siyang pinili.
Pag-iibigan nati'y sana hindi na mabali,
'Pagkat ikaw lang nais makapiling hanggang huli.

Compiled PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon