Chapter I

71 1 0
                                    

Chapter 1

Nami

Huminto ang bus na aking sinasakyan, atsaka ako bumaba dahil nakarating na ako sa destinasyong patutunguhan--Surigao del sur.

Isinukbit ko ang backpack saking balikat at nilanghap ang sariwang hangin, gumaan ang pakiramdam ko dahil nakabalik na ako saking matatawag na tahanan.

Summer ngayon at excited ako dahil makikita ko na naman Siya. Nagbalik na ako kung saan nagsimula ang lahat.

Patakbo akong nagtungo sa paradahan ng tricycle atsaka nagpahatid sa butuan, kung saan nakatira ang lolo ko, tuwing summer ay lagi akong nagpupunta rito dahil itinataboy ako ng mga magulang ko, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil ampon ako? tanging si Lolo alfonso lang yata ang tumuring saaking pamilya kaya naman gustong gusto kong mag bakasyon sa kanila para narin mabawasan ang lungkot na nadarama.

Naaalala ko na naman ang mga panahong nagkakilala kami ng Fox Spirit na iyon, labing anim na taong gulang ako noon, mahigit dalawang taon narin ang nakakalipas.

-FLASHBACK-

Ipinag bawal ng aking lolo ang paglagpas sa taling naghihiwalay sa masukal na gubat at sa bayan kapag ako'y naglalaro, ayon sa mga nakakatanda ang kung sino ma'ng papasok sa gubat na iyon ay hindi na makakabalik pa, may mga naninirahan daw roon na mga maligno at espirito, ngunit dahil sa katigasan ng ulo, hindi ako nakinig sa sinabi ni lolo, pumunta ako sa gubat na iyon at nakita ang makapal na tali na sinasabi ng matatanda.

Dahil sa murang edad at puno ng kuryusidad, pumasok ako sa gubat na iyon at naglibot sa paligid, di alintana ang panganib, wala namang kakaiba, patuloy lang ako sa paglalakad at pagmamasid sa gubat, ang hindi ko inaasahan ay noong lumingon ako sa aking likuran upang sana'y umalis na ay hindi ko na maaninag ang makapal na tali kung saan ako pumasok, para bang bigla itong naglaho, sinubukan kong hagilaping muli ang lubid ngunit bigla na lamang akong may narinig, sobrang lalim ng boses, para bang hinugot pa mula sa kailaliman ng lupa.

"Lapastangang mortal! Anong ginagawa mo sa teritoryo namin!" Nagtindigan ang balahibo saking katawan ng marinig iyon, hindi ako makasigaw dahil sa sobrang takot at gulat, nanlalaki ang mga mata ko at panay ang pag agos ng luha rito nang hindi ko namamalayan, bigla-biglang nanginig at nanlamig ang buo kong katawan.

Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin sana ang boses na iyon ngunit hindi ko maaninag, muli ay sumigaw ang halimaw na boses.

"Lisanin mo ang gubat na ito ngayon din kung ayaw mong pag pi-pira-pirasuhin ko ang maliit mong katawan!!" Dito na ako nakakuha ng lakas upang sumigaw at humagulgol sa sobrang takot.

Sana nakinig ako kay lolo, sana hindi ako pumasok sa masukal na kagubatang 'to, ngunit huli na para magsisi.

Tumakbo ako kahit hindi ko alam ang pupuntahan, tumakbo ako na para bang katapusan ko na, ang gusto ko lang ay makalayo.

Naramdaman kong parang may humahabol sakin kaya't mas lalo akong naiyak, ngunit hindi ko napansin ang isang ugat ng puno kaya't napasalampak ako sa damuhan at patuloy lamang sa pag hagulgol.

My Fox SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon