Chapter II

29 1 0
                                    

Chapter II

Nami

Kinakabahan ako na, na e-excite. Mahigpit kong hinawakan ang isang supot ng cookies na ginawa ko para kay Randall, nagtungo ako sa gubat kung saan naroon ang makapal na lubid.

Ngunit nanlumo ako ng hindi ko makita si Randall roon, nangingilid ang mga luha sa mata ko kaya tatalikod sana ako upang umalis na.

"Nami." Narinig kong muli ang banayad na boses naiyon na akala ko'y di ko na madidinig pa, nilingon ko siya at nakitang nakatayo malapit sa makapal na lubid.

Napangiti ako at agad na lumapit sakanya.

"Akala ko hindi ka na magpapakita sakin eh." Sambit ko atsaka pinunasan ang nangingilid na luha saking mata.

"Pwede ba naman iyon." Sagot niya atsaka ikinampas ang kanyang mga daliri sa ere na tila nag-utos sa sinulid saking kaliwang pulso na pumulupot rin sankanyang kanang pulso.

Ang galing talaga gumagamit ng mahika si Randall, hindi parin ako makapaniwala.

Naglalakad na kami papasok sa gubat atsaka ko inabot sakanya ang dala ko.

"Oo nga pala, para sayo." Sabi ko at inabot sakanya ang supot ng cookies, kinuha niya naman ito.

"Ano to?"

"Cookies, ako mismo ang gumawa, salamat ulit sa pagligtas saakin" Nakangiti kong sambit, tumango naman siya atsaka binuksan ang supot.

Nakarating kami sa isang malawak na damuhan na may malapit na ilog, napakaganda ng tanawin, ngayon ko lamang nakita ang ganitong klaseng obra ng maykapal, punong-puno ng buhay at pag-asa, ibang iba sa syudad na kinalakihan ko.

Napalingon ako kay Randall, bahagya niyang itinaas ang maskara niya, sapat upang masilayan ko ang kanyang labi.

Napatitig ako habang kumakain siya, ngayon kolamang nakita ang labi niya, parang  ang lambot tignan, napailing nalang ako at napaiwas ng tingin.

"Ang sarap naman nito." Puri niya sa bigay kong cookies, napangiti ako sa narinig.

"Bakit ka nga pala nagsusuot ng maskara?" Tanong ko ng hindi siya tinitignan.

"Wala naman." Matipid niyang sagot, tumango nalang ako at pinagmasdan ang tanawin.

"Nagtataka kasi ako sa itsura mo." Mahinang sambit ko, di ko alam kung narinig niya ba 'yon, ilang sandali pa ay di ko narinig ang sagot ni Randall kaya't nilingon ko siya sakanyang pwesto, nakahiga na siya sa damuhan at tila tulog.

Ganoon siya kabilis makatulog?

"Randall? Tulog ka?" Wala akong natanggap na sagot, bumuntong hininga ako at bahagyang lumapit sakanya.

Ok lang naman siguro kong hahawakan ko ang maskara niya diba?

Dahan-dahan kong hinawakan ang maskara ni Randall atsaka ito marahang tinanggal, napakabigat ng paghinga ko dahil sa sobrang kaba, ingat na ingat upang hindi magtama ang aming balat.

Ilang saglit pa'y natanggal ko na ng tuluyan ang maskara niya, bahagyang umihip ang hangin kaya't sumasabay ang buhok niya sa ihip nito.

Para akong naparalisa, hindi ako makapagsalita, dahil ang mukha ni Randall...

maihahalintulad ito sa isang normal na tao.

May matangos na ilong, singkitang mata, medyo makapal ang kilay, at ang labi niyang nakita ko kanina, napakakinis ng mukha niya, tila alagang-alaga ito .

Hindi ko inasahan ang pagmulat niya, at doon nasilayan ko kung gaano nakakabighani ang mga matang iyon, sobrang kakaiba, His left eye's color were Blue as deep as the ocean and his right eye has a golden yellow glow, it was so magical. 

My Fox SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon