Unexpected visitor

1.6K 19 4
                                    

"Pare! Buksan mo na tong pinto, nandito na kami! "

Sigaw ng kaibigan ko. Inimbitahan ko sila para tumambay sa aming bahay, bakasyon noon kaya gala at tambay ang lagi naming inaatupag. Dahil sa 4th year na kami sa darating na pasukan, lage kaming nagkikita kita at pinaguusapan ang buhay college. Oo, excited kmi mag college kahit may 1 taon pa kami s high school , ganun nalang talga kmi mag plano kapag excited kami sa mga bagay bagay.

"Ok! Sandali lang, lilinisin ko lang kwarto ko saglit! "- sabi ko sa knila. Pano ba naman kasi usapan 3pm sila darating, ala una palang nandyan na kagad sila, kaya nataranta din akong maglinis ng kwarto lalo na bagong gising lang ako nun. (Tanghali talga ako nagigising :) bakasyon eh)

Nagulat ako ng makita kong may dala silang sandamakmak na pancit canton! Himala, kasi kadalasan nagaambagan kami dahil s sobrang kuripot namin magtotropa. Dahil bahay ko ang taambayan namin sagot ko na ang softdrinks at tinapay na kapares ng dala nila. Lumabas ako at bumili habang sila naman binuksan ang pc ko para makapili ng panonooring movie na dinownload ko.

Nang nakabili na ko ng maiinum at ng tinapay nagpakulo na kaagad ako ng tubig, habang nagpapakulo dumeretso ako sa kwarto at tinignan kung nakapili na sila ng panonoorin , Insidious ang napili nilang panonoorin( horror movie) di na sila nagdalawang isip na piliin yon dahil s trailer palang nagustuhan nanamin.

"Buti nadownload mo kagad yan kagabi?" Sabi ni chris.

"Oo ah, mabilis internet ko eh" sabi ko naman sa kanya.

"Mabuti kung ganun, dati parang makalumang pc tong pc mo eh! 5mins kung mag refresh hahah! Pangaasar na sabi ni albert.

"Haha loko! Nilinis ko na kasi yung cpu binabahayan n eh haha!" Pabiro ko namang sagot.

"Buti naman naisipan mong linisin haha! Ok dahil mabilis n net mo pa fb muna ako" sabi ni albert.

Habang nagfefacebook si albert, nagpasama naman ako kay chris para tulungan sa pag hahanda ng kakainin namin, sa sobrang kulo ng tubig agad ko ng nilagay ang noodles habang xa naman ay kumukuha ng plato, tinidor at baso, sa sobrang init ng tubig mabilis naluto ang noodles at habang sinasala ko na ang noodles nagtanung si chris:

"Jo, buti di ka natatakot umuwi dito sa inyo pag madaling araw? Madalas p naman tayo inuumaga sa pag gagala at pag tambay?"

" hindi naman, sanay na ko eh since birth dito na kami nalatira at halos kamaganak namin dito na s street namin lumaki" sagot ko sa kanya.

"Ahh.. Sabagay." Sabi ni chris.

Nakatira kasi kami malapit sa sementeryo kung san makikita ang pinaka malawak n sementeryo s buong olongapo. Bakod lang ang pagitan ng bahay namin at ng sementeryo, sa likod ng bahay namin makikita ung bakod paglabas ng pinto ng kwarto ko kung san kumatok ang mga tropa ko. Walang 2nd floor yung bahay namin pahaba ito hanggang sa bakante lote namin sa likod ng bahay, kung saan madalas kami nakatambay ng mga tropa ko tuwing November 1 ng gabi, kaya pag fiestang patay at naboring ang mga tropa ko sa kani kanilang dalaw sa mga yumao nilang kamaganak ay sa bahay namin sila dumederetso, samin sila nagiinuman kasi bawal sa sementeryo ang alak eh, isa ang bahay namin ang madalas nilang pagtambayan pag tinamad gumala kaya di rin sila natatakot pag ginagabi sila , nasanay n din kasi sila. Ang kwarto ko ang dating kwarto ng ate kong panganay na nasa abroad na, dati pinapaupahan namin ang kwarto na yun nung nasa elem palang ako nung nag highschool na ko ako na ang nag may ari ng kwartong yon. Kaya pag may bisita ako s kwarto ko kami tumatambay o kaya minsan dun sa may terrace sa labas ng kwarto ko, presko kasi at perfect spot kapag trip nilang uminum.

(Back to the story) nang natapos na naming ihanda yung kakainin namin bumalik na kagad kami s kwarto ko at agad sinimulan ang pagkain, di muna namin inumpisahan ang panonood.

"Teka! Nasan na nga pala si Rommel? Hindi ba sya susunod dito? Tanong ko sa kanila.

"Ewan ko ba dun! Sabi nya susunod siya bago mag 6pm eh, sabi nya may dadaanan lang daw siya" sagot ni albert.

"Teka itetext ko" sabi ni chris.

3minutes nagreply si Rommel

Rommel message: "Mga chong, pasensya na hindi na ko makakasunod diyan, dito ako sa bahay ng gf ko eh , galit nanaman sakin kaya baka matagalan ako dito. Enjoy nalang kayo dyan. Bawi nalang ako next time."

"Kahit kelan talga yan, late na kung magsabi kung susunud o hindi kung di pa ittext di pa siya magttext tsk" sabi ni albert.

"Hahaha! Parang di nyo naman kilala yang tropa natin, problemado lage, last week kakaresolba lang nila ng problema nila tapos ngayon meron nanaman haha kumokota n yan eh no" sabi ko.

"Pustahan pag nanlibre yan bukas at biglaan nagaya, di nila naayus problema nila." Sabi naman ni chris.

"Hayyy.. Ano pa nga ba, masasayang nanaman ang laway natin kakaadvice sa martyr n tropa natin, pero ok lang sagot naman nya inuman eh hahaha." Sabi ko.

As usual tatlo lang kami nila chris at albert ang magdamagang tatambay sa bahay namin, yung iba kasi kanya kanyang bakasyon sa probinya. Kaya madalas kaming 3 lang ang laging magkakasama pag tatambay s mga bahay bahay. At madalas nagoovernight kami sa bahay kung san kami nakatambay, at dahil sa bahay namin sila nakatambay for sure magoovernight sila samin. Ganun ang gawain namin para sulit talga ang pagtatamabay masaya kasi magmovie marathon at kumain kung ano ang maisipan naming bilhin. Madalas din ako lang lage ang natitirang gising kaya madalas kung ano ano ang pumapasok ko isip ko kapag kasagsagan na ng gabi at tahimik na ang paligid. Hindi naman ako takot sa multo, wala rin naman akong third eye para makakita ng kung ano anong elemento. Pero madalas ako makarinig ng kaluskos at ng kung ano ano pa lalong lalo na kapag nagiisa ako s kwarto ko, pero hindi ko na ikinukwento sa kanila kapag nasa bahay namin sila, dahil baka hindi nila ako paniwalaan dahil ako rin mismo di ako naniniwala at wala akong kasiguraduhan dahil nga sa di ko naman nakikita yung mga naririnig ko.

12:00 na ng gabi ng matapos namin yung 2 movie na horror, dahil gising pa kaming 3 naisipan naming mag soundtrip muna at magkwentuhan, hyper pa kaming 3 dahil sa sariwa pa sa isipan namin ang napanood naming movie. Dinaan namin sa biro ang mga napanood namin kung kayat wala sa amin ang takot nung gabing yon. Naisipan naming bumili na muna ng yosi ni albert s 24hrs. Sa tindahan di kalayuan sa amin.

"Albert, tara bili muna tayu yosi nauta ako dun sa pancit canton eh" sabi ko.

Ok sige ako din eh kanina pa kong yosing yosi na ko kanina pa, o chris sama kaba?" Sabi ni albert.

"Sige kayo nalang mag facebook muna ko tagal ko na di nakakapagopen eh" sagot namn ni chris.

"Ok sige kaw bahala" sabi ko

Nang nakaalis na kami ni albert, agad namin napagusapan ang tungkol sa napanood namin.

Itutuloy....

Unexpected visitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon