Unexpected visitor (part 2)

577 10 13
                                    

"Grabe yung Insidious no! Nakakagulat lalo na dun sa part na nagpakita yung dimonyo! Nagulat talaga ako dun." Sabi ni albert

"Hahaha oo nga eh, natawa ako nga ako sa mga reaksyon nyo eh hahahaha!" Sabi ko.

"Loko ka eh talgang nilakasan mo pa yung volume , sino ba di magugulat dun! Sabi ni albert.

"Haha..masyado kasi kayong seryoso sa panonood eh" agad akong sinabi.

"Nga pala jo? Bakit may rosary sa kisame ng kwarto mo? Tanong ni albert

"Ah eh, proteksyon :)" agad kong sinabi sa kania na may ngiti,para di na siya magtaka.

Nakarating na kami sa pagbibilhan namin ng sigarilyo, ngunit wala dito yung bibilhin namin kaya naghanap pa kami ng ibang tindahan, at dahil napalayo kami at wala na rin masyadong mapagusapan, hindi na ko nagdalawang isip na ikwento sa kanya ang naranasan ko sa sarili ko mismong kwarto , inisip ko na rin baka matakot siya at baka di makatulog lalo nat sa amin sila magoovernight, pero dahil dirediretso ako sa pagsasalita nasabi ko na sa kania kung ano ang nangyari noong pebrero, gabi na hindi ako makatulog kaya naghanap ako ng makakatxt hanggang sa makatulog. Hindi ko namalayan na alas 3 na pala ng madaling araw, nang nararamdaman ko na ang antok, may kumatok sa pintuan ng 2 beses , nawala bgla antok ko dahil sa pag aakalang may tropa akong dumating sa oras na yun.

"!!?? Sino nanaman kaya to? Alas 3 na ng madaling araw? Sabi ko sa isip ko.

Naisip ko kaagad na kaibigan ko yun. At gusto siguro mag labas ng problema, halos lahat kasi ng mga kaibigan ko sa akin sila humihingi ng payo ganun din ako sa kanila, pero naisip ko dapt magttext muna yung kaibigan ko bago pumunta ng bahay namin, kaya hinintay kong kumatok ulit bago ko pagbuksan , di ako nakuntento dahil may takot na rin akong nararamdaman kaya naglakas loob akong silipin sa bintana kung sino ang kumatok. Pero laking gulat ko ng wala akong nakitang tao na nakatayo sa harapan ng pintuan ng kwarto ko. Mabilis akong nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot, hindi mawala sa isip ko yung pagkatok na yon, inisip ko na guni guni ko lang yon , pero sumunod ng gabi nauulit nanaman ang pagkatok sa pintuan kagaya ng unang pagkatok, 2 beses lang at dun ko naisip na di naman ata normal na katok yun ng isang tao, dahi kung may tao din paulit ulit na kakatok yun at mabilis. Kaya naisip ko na ilagay yung rosary na binili ko noong nagpilgrimage sa gitna ng kisame ng kwarto ko at nagdasal ako.

Matapos ko maikwento kay albert sa kanya ko nalaman na tama lang pala na hindi ko pinagbuksan yung kumatok sa kwarto ko. Dahil ayon sa kania paraan daw ito ng mga kaluluwang hindi makatawid sa kabilang buhay , oras na mapgbuksan mo ito ng pinto hindi kana tatantanan ng espirito para lang matulungan mo siya, at kapag hindi mo siya nagawang tulungan , hudyat ito ng pang gugulo nya sa buhay mo, maaring saniban ka o mas madalas siyang magpakita. Ngunit di nawala ang kaba ko dahil naalala ko sinilip ko sa bintana kung sino ang kumakatok kaya natakot ako na baka pumasok na sya ng kwarto ko, kaya gabi gabi nalang ako nagdadasal sa rosaryo na isinabit ko , matapos yun hindi na ulit naulit yung pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

Pauwi na kami ni albert sa bahay dahil sa wakas nakabili na kami ng sigarilyo, naiba na ang paguusap naming dalawa kaya agad naming nalimutan yung naging karanasan ko at masaya ako na hindi siya natakot dahil hindi masiyadong nagpapaniwala sa mga ganung usapain kaya nagbiro nalang siya ng nagbiro hanggang sa pati ako ay nakalimot na sa pangyayaring iyon. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay at ng bigla kaming sinigawan ni chris:

"Mga loko kayu ah! Nagawa nyo pa ako takutin! Alam niyo namang matatakutin ako , magisa lang ako dito oh!" Sigaw ni chris.

"Ha???? Anong pananakot pinagsasabi mo diyan?? Sabi ni albert.

"Ano ba nangyari sayo? Aning kanaba? Kararating lang namin oh,, o magyosi ka muna , kulang ka lang sa usok panigurado." Sabi ko.

"Wag na nga kayo magkunwari diyan pinagtitripan nyo nanaman ako eh, kanina pa siguro kayo jan sa may pintuan!" Sabi ni chris

"Ha? Aning kana nga talga no, di ka namain pinagtitripan kararating lang talga namin, wala kami nabilhan ng sigarilyo diyan sa malapit na tindahan kaya napalayo pa kami." Sabi ko.

Owwsss! Mamatay man kayong dalawa? Eh sino yung kumakatok diyan sa pintuan at nag pa "psssst" pa! Sabi ni chris.

Agad kaming nagkatinginan ni albert at hindi ko maipaliwanah ung takot na naramdaman ko dahil sa sinabi ni ni chris, kinalibutan agad si albert dahil kanina lang ay pinakukwentuhan namin ang karanasan ko noon at ngayon ay naulit nanaman hindi man sa akin kundi sa kaibigan naming si chris. Minabuti ko nalang na wag sabihin kay chris ang mga napagusapan namin dahil baka isipin nya lang magdamag na yung eapiritong nangungulit sa akin noon ay siya naman ang napagdiskitahan.

Agad nalang inako ni albert ang inaakala ni chris na pananakot namin sa kania para lang hindi na maisip pa ni chris na eapirito ang nangtitrip sa kania. Alas 2 ng madaling araw nakatulog na rin kami kaagad , at kinabukasan ay parang walang nangyaring kababalaghan kay chris.

Nang makaalis na sila ng bahay pagkatapos mananghalian, nakausap ko ang pinsan ko sa labas ng bahay , pamilyado na yong pinsn kong yun at mas matanda sa akin ng 12 taon, tinanung ko kung may naging karanasan ba siya tulad ng naranasan ko noon , dahil magkatabi lang naman ang mga bahay namin, naikwento nya na noong papasok ang pebrero ay may pinatay na graduating student doon mismo tapat ng bahay namin na kpag sinilip mo mula sa itaas ng bakuran at may makikitang isang maliit na kwarto sa isang museleyo kung saan inilagay ang katawan ng nasabing biktima, hindi ko alam ang pangyayaring yon dahil sa umaga nadiskubre ang bangkay at kasalukuyang nasa paaralan ako, kaya dun ko lang nalaman sa pinsan ko na kung bakit may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko , nagtaasan bigla ang balahibo ko na sa nalaman ko, at nagpapasalamat ako na hindi ako nakakakita ng multo, dahil sabi ng pinsan ko basag daw ang bungo ng lalaking pinatay dahil sa lakas ng pagkakahampas ng bato sa ulo nito at halos maligo na sa sariling dugo. Sa kwento palang ng pinsan ko halos matakot na ko sa nangyari , dahil kung makikita ko pa ang esperito nung taong pinatay ay baka magpasahanggang ngayon ay di ko malilimutan ang itsura nya. At kung pinagbuksan ko siya ng pinto ay baka buhay ko na ang ginulo niya dahil magpasahanggang ngayon ay di parin nya nakakamit ang hustisiya....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected visitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon