Chapter 1: First Day of School

125 10 10
                                    

*Angela's POV*

Hi I am Angela Mae Mendoza. Maganda, Mabait, Matalino, Mayaman and Sweet pero minsan may pagkataray din at pagkabitter... Hangin ko noh.. Ganoon talaga pag maganda ^. ~

Anyways I am 14 years old, Grade 8. I am studying at St. Patrick's Academy. I am a dancer there and also a singer. May band kami ng mga besties ko. Ako guitarist. Ang daming gwapo sa school na yun pero may isang lalaking nakabihag ng puso ko. You'll find out later kung sino siya.. ^_^

Uhmm... Ano pa ba.. Wala na noh. So yun lang naman..

"Angelaaaaa baba na magbreakfast ka naa!!!" Sabi ni mama

Ay oo nga pala first day of school ngayon at excited na koo..

"Opo mama bababa na po." I comb my hair and pack my things at bumaba na.

"Oh anak andyan kana pala umupo kana" sabi ni mama. Syempre umupo ako.

"Nasan po si Papa?" tanong ko

"Nauna na, may meeting siya ngayon." tumango nalang ako sa sinabi ni mama.

Napansin ko si kuya na lamon lang ng lamon -_-

Siya si Marky Angelo Mendoza. Grade 10 na si kuya so 2 years ang age gap namin.

"Goodmorning kuyaa!" still di pa din tumigil sa paglamon. Tinanguan lang ako. Snobber yan ehh. Bahala nga siya hmp.

Kaya ayun tuloy na ko sa pagkain.

Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako. Nauna na si kuya sa car. Yes may sarili siyang car. Papa bought it last year lang nung grade 9 siya.

"Oh bakit ang tagal mo" sabi ni kuya

"Eh sa nasarapan ako sa pagkain ehh. "

"Tss. Takaw kase." -_- ako pa sabihan niya ng matakaw

"parang ikaw hindi ah" sabi ko ng pabulong.

"Anong sabi mo?! " ayan pikon na siya

"Sabi ko bilisan na natin kase malelate na tayo. " sabi ko kaya pinaandar na niya yung kotse.

School***

Hayyy eto naaa. Super duper excited na talaga akoo!!

"Baba na andito na tayo. Bilis!!" sabi ni kuyang epal. Ang sunget naman makaalis na nga dito.

Bumaba na ako at naglakad lakad. Tinatanong niyo ba mga kaibigan ko? Mamaya pa mga yun darating.

"Gelaaaaa!!!!!!!" speaking of my bestfriend. (A/N: Gela from the word anGELA)

"Chantaaaaall!!!" sigaw ko naman.

At naghug kami..

"Gelaa miss na kita!" sabi niya with a sweet voice

"Yeah me too. By the way bakit ang aga mo?" tanong ko.

"Ahh wala lang napaaaga kase gising ko you know excited haha. " sabi niya

That's Chantal Faye Lopez. Maganda, Mayaman, at May pagkanerd type siya. Mas matanda siya sa aming tatlo, 1 year yung tanda niya samin bale 15 na siya kaya siya yung pinakamatangkad/matanda samin sunod ako tapos sila Ariane at Rheanne. She also likes books like me. Dun kami nagkakasundo. Siya yung drummer sa band namin.

"Tara gala muna tayo maaga pa naman eh we still have... 45 minutes." sabi ko.

Maglalakad na sana kami ng biglang dumating yung dalawa ko pang bestie. Si Ariane Elyssa Cruz saka si Rheanne Ranelle Santiago. Matalino, Mayaman, Bitter, Man hater, Maputi silang dalawa. Mas bata naman sila ng 1 year so 13 palang sila. Silang dalawa naman yung singer. Pero minsan si Chantal.

"Hello mga bestie!!" sabay nilang sabi. Mukhang kambal yang dalawang yan ehh kase parehas silang May pinanganak.

"Hello/Hi" sabi ko naman saka ni Chantal

"Oh saan punta niyo?" Tanong ni Rheanne

"Sa may garden gagala lang." sabi ni Chantal

"Ohhh" sabi ni Rheanne habang tumatango

"Tara na." sabi ko naman at nagsimulang maglakad

"Ok." sabi nilang lahat

Naglalakad ako ng napansin kong wala na yung mga besties ko...nasalikod kase ako busy.

Ay baka nagutom.Tsk di manlang nagpaalam. Hmp. Bahala nga sila.

Maglalakad na sana ako nang biglang may nagtakip sakin ng mata..

"Hoyyy!! Sino to?? Anong gagawin mo sakin??! Pakawalan mo nga ako!" Huhu first day of school ganito na agad yung nagyari sakin. Wow talaga. π_π

"Sabing bitawan ehh!!!" sigaw ko at nagpumiglas with full force.

Ayan binitawan na ako.... Sa wakas

"Chill ka lang gela. Firstday na first day nagsusungit ka kaagad diyan."

0_______0

Sabi ni.......

"Patrick?!?" I didn't expect that

~~~~~~~~~~//~~~~~~~~~~//~~~~~~~~~//~~~~~~~~~//~~~~~~~~~//~~~~~~~~~

A/N: Hi there guys! First time ko lang magwrite ng story. And sana magustuhan niyo. 😊

Sino kaya si Patrick????

Pasensiya na kung hindi ako masyadong magaling. First time lang kase. Hahaha

So... Sana ivote niyo rin kung magustuhan niyo ito.

Thanksssss very much!!

-jhocelmarie18

Its A Complicated Love Triangle! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon