087

1.1K 86 68
                                    

04:24 pm

Kian: Daylight

Daylight: Ano?

Daylight: Di ka pa ba nakuntento sa panununtok mo sakin?

Daylight: Gusto mo pa ng round 2?

Kian: Ang gago mo kasi!

Kian: Ayokong may nakikitang umiiyak na babae, lalo na at si Maevel pa!

Kian: Itong totoo, Day. Kahit na nung hindi ka na nagpakatorpe at niligawan mo na siya, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya

Kian: Pero nung makita ko siyang masaya kasama ka? Ayon, tanggap ko na, na hanggang kaibigan lang talaga ako.

Kian: Tapos ngayon lolokohin mo siya?

Kian: Aba ulol ka pala e

Kian: Daylight bumabalik yung pagmamahal ko kay Maevel na higit pa para sa isang kaibigan.

Kian: Pero alam ko namang hindi agad mawawala ang pagmamahal niya sayo. Hinding-hindi kaya hindi na ako umaasa

Daylight: Putangina naman pre

Daylight: Sinuntok mo na nga ako kaya pigilan mo naman yang bayag mo diyan sa sinasabi mong pagmamahal na yan

Kian: Aba wag mong idamay ang bayag ko rito

Kian: Nangako ako kay Maevel na kapag may ginawa ka sa kanyang hindi maganda ako ang unang-unang reresbak sayo kaya sinapak kita gago

Kian: Tsk

Kian: Ang gusto ko lang namang sabihin, ayusin mo tong ginawa mo

Kian: Pero ikaw nga mismo hindi sigurado kung may nangyari ba sainyo nung babae nung gabing yon

Daylight: Ang kulit ng lahi niyo wala nga!

Daylight: At paano ko kakausapin si Maevel kung papalapit palang ako sakanya kamao mo na yung sasalubong sakin?

Kian: Harapin mo si Maevel kapag handa ka na. Kapag alam mo na talaga ang nangyari nung gabing yon

Daylight: Hindi ko nga kilala yung babae e!

Kian: Edi hanapin mo!

Kian: Kailangan ng mga sagot sa tanong para malinawan ang lahat at para hindi na madagdagan yung sakit

Kian: Mahal mo si Maevel diba?

Daylight: Sobra

Kian: Ako rin.

Daylight: Pakyu

Kian: Pakyu ka rin

Kian: Mahal ko rin siya kaya ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Kakasabi mo palang na mahal mo siya nang sobra, kaya higit sakin dapat ikaw ang ayaw siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan

Kian: Hindi ako masaya sa nangyayari at nakikita ko pati yung mga tao sa paligid hindi

Kian: Ikaw lang yung nakakapagpangiti kay Mae ng abot tenga atyaka sayang naman yung mga efforts mo tangina nakakabakla pero oo nga yun na yun

Kian: Mahal na mahal ka niya

Kian: Kaya sana ayusin mo to

JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon