A Letter to YOU

6 0 0
                                    

Hi..

Ako nga pala si Cheska. More than three times na kitang nakakasabay sa jeep. Pareho tayong galing Central. You don't look like a student from our school, neither an employee. So I assume taga tapat ka.

Siguro di mo na'ko naaalala. This is the 4th time na kasabay kitang sumakay sa jeep.

I still remember the first 3.

****

The first one is nauna kang makasakay, sa tapat mo kasi huminto yung jeep pa-Francisco. Mapapayuko na sana ako sana ako sa lungkot, kasi ang hirap sumakay galing Central, pero sabi ni Kuyang drayber na may isa pa sa kanan. Napangiti ako, dahil, ang galing! Makakauwi ako agad.

Medyo siniksik ko sarili ko dun sa upuan, dahil mukhang pilit nalang yung isa eh. Nang maayos na'kong nakaupo, nagkataon na katapat pala kita.

Nginitian mo'ko, ngumiti din ako pabalik sayo, sabay hawak sa hawakan, dahil ''stop'' sa Tandang Sora. Yumuko ako, sumandal sa kamay ko at ngumiti ng mas malawak.

'' Sumakay ako sa jeepney, ikaw ang nakatabi...''

mali, ikaw ang katapat,. kontra ko sa liriko ng kantang mula sa pinakikinggan ko.

And at that moment, I realize... Ang ganda ng ngiti mo. :)

And that was the first.

****

The second one was, tatlo naman tayong tayong nag-uunahan na makasakay, kaso nauna satin si Nanay. Sabay pa tayong napahawak sa akyatan ng jeep, nagkatinginan pa nga tayo eh.

''Ne, isa nalang.'' imporma ni Kuyang Drayber.

Magbibigay na sana ako, kaso.

''Sige, ikaw na. Kuya, sabit nalang ako.''

Naupo na'ko, malapit sa babaan yung pwesto ko. ''Gentleman,.'' mahina kong sambit.

May bumaba sa bandang Loyola, kaya naman tumingin ako sa gawi mo, nagkataong sa tabi ko ang nabakante. At ayun, ngumiti ka nanaman at ako? Ayun, ngumiti muli pabalik sayo.

Nakatingin ka sa labas at ganun din ako.

''Iaabot ang bayad, kamay mo na palang nakaabang.''

''Bayad po,'' sabi mo, kaso walang may paki. Kaya ako na ang nagkusa. Kinuha ko mula sayo ang bayad.

''Bayad daw po,'' sabi ko nang mas malakas, and Thank God, merong may paki.

''Pecson," sabi mo pagkatapos maiabot kay Kuyang Drayber ang bayad mo.

Lihim ko lang na pinakinggan kung saan ka, dahil kunwaring tumitingin ako sa labas, nakasalpak ang earphone, pero hininaan ko yung volume.

''Salamat,'' mahinang bulong mo.

Deadma, kunwari di ko narinig.

'' Stay with me.. this is what I need please..''

Mahina kong sabay sa tugtog, with matching headbang pa. Feeling ko naman nakatitig ka sakin.

Nakita kong nasa Lagro na tayo.

''Bayad po, Francisco.. Estudyante,'' sabi ko.

Aware akong, malapit na tayo sa skul nya. I always prefer na sa kanan umupo. So, I can take a glance or maybe just a glimpse.

Ayan, nasa skul na nya tayo. Kahit alam kong puno at hindi hihinto, di ko mapigilang hindi tumingin sa labas, nagbabakasakaling andun sya. Paparahin ang sinasakyan natin.

A Letter to YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon