nari
kung may kaputa-putahan pa sa lahat ng puta, siguro yun na yung taong kaharap ko ngayon.
"elle. harapin mo nga ako." eh kung tumalikod ako?
"ano na naman ba?" pinatili kong walang emosyon iyong boses ko kahit na gusto ko na siyang sigawan hanggang sa tumalsik yung malalapot at golden laway ko sakanya.
"ano bang mahalaga dyan sa cellphone mo at yan pa lagi ang kaharap mo?"
"ano bang pake mo? mas gusto ko pang ito ang nakakaharap ko kesa sa makaharap yang mukha mo!"
mabigla ako nung sinampal niya ako na para bang may karapatan siyang gawin saakin yun.
oo masakit. pero hindi ko pinapakita dahil gusto kong magmukhang malakas sa kabila ng pangiiwan niya saakin. pero dahil hindi ako yung tipo ng tao na magpapadala nalang sa ginawa niya, sinampal ko rin siya.
Lumapit siya saakin saka ako niyakap.
"elle, sorry! di ko sinasadya i'm sorry..." humiwalay ako sa yakap niya saka ko siya sinuntok sa dibdib.
"ang lakas ng loob mong iwan ako. tapos ngayon makikipag-balikan ka? para ano? may maiharap ka sa mga magulang mo?"
"clyron, hindi ako gamit para gamit gamitin at paglaruan mo lang."
hindi ko na napigilan yung bigat ng pakiramdam ko kaya napaiyak na ako. hay shet naman pati luha ko hindi marunong makisama.
"nari, please give me one last chance, please."
napayuko ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"ano ba! baliw ka ba? tumayo ka dyan." sabi ko at pilit siyang tinatayo pero para siyang batang yagit na umiiwas sa mga kamay ko.
"clyron, tumayo ka na dyan." sabi ko ulit pero nagmamatigas talaga siya.
isang buntong-hininga ang inilabas niya bago tumayo at mata sa mata akong tinignan na para bang may kompetisyon na namamagitan sa mga mata namin.
pag ganito ang atmosphere ibig sabihin... seryoso siya.
"elle, pag-isipan mong mabuti... tatanggapin ko kung ano man ang maging desisyon mo." hinalikan niya muna ako sa noo bago siya lumabas ng bahay.
"lord, minsan lang ako manalangin pero tulungan mo naman po ako oh. alam ko pong napaka-drama ko na pero nahihirapan talaga ako e.
para akong nababaliw sa kaka-over think ng mga nangyayari. simple lang naman siguro kung sasabihin ko kay clyron na hindi na pwede maging kami ulit. kasi nasaktan na ako. ayaw ko ng umulit yun. takot ako eh. naduduwag.
pero kung isang chance lang naman ang hinihingi niya bakit hindi ko pagbigyan?
pero kasi binabagabag ako ng nararamdaman ko para kay henzer eh.
kapag wala siya, hinahanap ko. kapag nandyan siya, gusto kong lagi siyang nasusulyapan. kapag hindi ko siya kausap, ang boring. kapag kausap ko siya, sana hindi na kami tumigil.
long story short, naiinlove na ako kay henzer.