Written By Kuya_yhel
ELLA POV:
Ang panget naman ng crush mo!
Yan ang kadalasang linya ni joshua sa tuwing nagkakasalubong kaming dalawa o di kaya naman sa tuwing inaasar niya ako.
Minsan nga nakakabwisit na siya dahil akala mo naman kung sinong gwapo.
Eh isa lang naman siya sa mga hamak na number 1 na pasaway at basagulero sa klase.Isa lang siya sa mga kinabubuwisitan ko sa klase.
Gwapo rin naman kasi talaga si joshua. Nakakaturn-off nga lang talaga siya dahil sa napakapasaway niya at napakamapang-asar niya.
Ang panget naman ng crush mo!
Yan ang linyang sobrang kinabwibwisitan ko sakanya.
Sa araw-araw ba naman na inaasar niya ako eh palagi niyang kinukumpara yung gwapong mukha ng prince charming kong si Nathan sa mabaho niyang sapatos.
Minsan, ikukumpara pa niya yung Prince charming ko kay boots na kaibigan ni dora ang negrang galaera.
At kung hindi naman, ikukumpara niya yung Prince charming ko sa tambutso ng sasakyan.
Inggit lang siguro siya sa katalinuhan at kagwapuhan ni Nathan na aking Prince charming kaya ganun nalang siya mang-asar.
Actually ako nalang ang palaging inaasar ni Joshua.
Iniinis niya ako palagi.
Kaya nakakaasar at nakakabwisit na siya.
And I hate those kind of a person anymore.
Kulang nalang eh, i-chainsaw ko bibig niya para matigilan na siya sa panlalait niya sa Prince Charming ko.
Kulang nalang eh, hampasin ko siya ng cactus sa mukha at ipagulong-gulong sa asin na may calamansi at toyo.
Dahil sa pesteng tanang buhay ko eh, palagi siyang epal.
Kupal siya sa buhay ko.
"Hoy ella, Ang panget naman ng crush mo! Mukhang unggoy na aso. Bwahaha! Baka nga mas guwapo pa alaga kong siyokoy sakanya."
Urgh! Ayan na naman si kupal. Bubungad na naman para asarin ako.
Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwede kong maging classmate, siya pa?!
Siya pa na kupal sa buhay ko?!
Yang Joshua na salot sa buhay ko. Actually sumusobra na nga siya eh.
Gustong-gusto kong ilublob mukha niya sa inidoro para makita niya kung sino yung panget na sinasabi niya.
Gusto ko siyang hagisan ng granada para mawala na siya sa buhay ko.
Naku! Kung totoo man yang pitong dragonball na yan hindi na ako hihiling na mabuhay pa siya. Never! Never! Never!
"Hoy joshua! Baka naman nakakalimutan mong Prince charming si Nathan sa klase natin huh?!" Asar ko naman.
"Prince charming ng mga siyokoy? Bwahaha!" Pang-aasar na naman niya tiyaka niya ako nginitian ng sobrang nakakaloko.
Wala ako sa mood makipag-argumento pa sakanya kaya hindi ko nalang siya pinansin kahit na sobrang naiinis na ako.
Sa dinami-dami naman kasi ng babae sa klase namin bakit ako pa?!
Ano bang nagawa ko sa Joshua na yan kung ba't ganun nalang siya manlait kay Nathan.
Araw-araw nalang siyang nang-aasar sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Panget Naman Ng Crush Mo! (One Shot)
Humor★☆★ Bali-baliktarin man natin ang mundo. Mas maiinlove ka talaga sa isang taong walang ibang ginawa kundi guluhin ang araw mo. Do not copy as your own. Do not revised this story. And do not Published without the author's consent. ONE SHOT STORY ★★★...