DJ POV.
Nakakairita talaga yung babaeng yun. Napaka pangit ng yellow tapos yun pa yung paborito nya. Uwian na at naisipan namin nila james na mag basketball muna. Dumiretso na kami sa bahay may court kasi na pinagawa si kuya doon para kapag wala kaming magawa maglalaro lang kami.
Pagkatapos kong magpalit na kita ko sila james na hinihintay na ako sa sala. Nakita ko naman si manang parang wala pa kasi si kuya eh sa pagkakaalam ko naka leave sya ng 1 week ngayon siguro stress na sya sa trabaho nya.
DJ: Manang si kuya po hindi pa ba nakauwi?
Manang: Dumaan sya kanina dito kasama nya yung magandang dalaga Kath yata yung pangalan.
DJ: Kath? Bakit nya kasama yun ano pong ginawa nila dito?
Manang: Kinuha lang nila yung damit na pinagawa ng kuya mo noon.
James: Yung pinagawa ni Kuya El noong nasa Palawan kami?
Manang: Oo yun nga, yung may nakalagay na Our Princess.
Quen: pano ba yan DJ? Mukhang may kahati ka ngayon sa kuya mo ah at ang masaklap yung babaeng kinaiinisan mo pa. Natatawa tawa nila sabi. Kaya nga ako dito tumira para buong atensyon ni kuya nasa akin at sa trabaho lang nya. Kasi hindi ko naramdaman ang atensyon na binigay ni papa kay kuya noong nabubuhay pa sya. Ngayon sabi ni kuya gusto nyang iparamdam sakin yung pagmamahal ng isang ama kaya sya nalang daw yung tatayong tatay ko ang saya saya ko nga noon dahil hindi na kailangan na umalis ni kuya sa bahay at lagi na kaming makakapag laro pero parang nagkaroon pa yata ako ng kaagaw sa atensyon nya ng dahil sa prinsesa na yun. Nakakairita yun. Diko malaman kung type ba nya ako o hindi.
Quen: hoi baka malunod si kath. Sabi nya sabay nag apir sila.
James: Tol tinamaan ka na yata!
DJ: sa babaeng yon? A. S. A alam nyo naman na ayaw ko sa mga babaeng napakahilig sa yellow at higit sa lahat parang reporter kung magtanong. Sabay bato ko ng bola sa kanila. Medyo dumidilim na rin naman pero wala pa kaming balak itigil ang paglalaro namin.
James: Kuya El nandito ka na pala sali ka! Sabay hagis nya ng bola kay kuya.
Quen: kuya yang kapatid mo pala nagseselos sa prinsesa mo. Sabay tawa ulit nila ni james.
DJ: mga ulol. Kelan nga pala yang pageant na yan? Tanong ko kay kuya habang nagdridrible sya.
EL: Siguro sa Foundation ng school.
Quen: sa foundation? Oo nga pala malapit na yun.
James: Judge kami?
EL: malamang.
Konting kwentuhan at asaran lang hanggang sa mag 6:30 na rin at naisipan ng umalis ng mga mokong na ito. Dito na rin pala sila kumain ng dinner. Mga feel at home nga kung makapag request ng ulam kala manang akala mo naman sila yung nagpapa sweldo.
Magkasama na kami ni kuya ngayon. Naglalaro kami ngayon ng tekken sa kwarto nya. Ganto ang libangan namin kapag wala kaming magawa.
EL: Ganda ni Kath noh?
DJ: Type mo?
EL: Hindi para sa akin. Type ko sya para sa isang taong mahalaga sa akin. Sabi nya sabay nginisaan ako sabay K. O na pala ako. Nadaya yata ako.
EL: Dimo ba sya type?
DJ: ako? A. S. A ka naman kuya lahat ng taong mahilig sa yellow ayaw ko ok? At daig pa ng babaeng yun ang reporter kung magtanong kanina nga ang dami nyang tanong sayo.
EL: paano mo naman nalaman yun?
DJ: sa gwapo kong ito malamang marami akong mata sa room kanina.
EL: anong connection nun sa itsura mo?
DJ: Wala lang.
EL: Basta kung ako sayo kikilalanin ko si Kath malay mo sya na pala ang magpapatino sa gagong tulad mo!
DJ: ewan ko sayo! Para kang sira ulo! Sabi ko sa kanya sabay hagis ng unan na hawak ko. Iniwan ko na sya dun sa kwarto nya. Ang dami nyang pinag sasasabi bahala sya sa buhay nya.
KEVIN ENGEL POV.
Bagay talaga si kath at si dj. Natatawa nalang ako sa mga sagot ni DJ kanina sa akin. Natulog na lang ako kasi bukas susunduin ko pa si Kath. Oo susunduin ko si kath. Hoy wag kayong mag- isip ng kung ano- ano. Wala akong gusto kay kath noh!. Hindi naman ako makikipag agawan sa kapatid ko kahit na alam ko na sa ngayong lagay ay ayaw pa ni DJ kay Kath. Mabuti ng ngayon pa lang magka mabutihan na sila para hindi na sila mahirapan sa mga susunod na pagkakataon. At gusto ko rin masigurado na ligtas si Kath araw- araw. Pinakiusapan kasi ako nila Mr. At Mrs. Bernardo kung maaari daw bantayan ko ang anak nila. Kaya sa ganitong paraan ko sya babantayan malaki rin kasi ang utang na loob ko sa mga Bernardo.
Kasalukuyan na akong kumakain ng bumaba si DJ at sinabayan na rin ako.
DJ: sabay na tayo?
EL: wag na susunduin ko pa kasi yung reyna mo! Sabi ko sa kanya sa tonong ng aasar.
DJ: Sira- ulo hindi ko magiging reyna ang reporter na tulad non.
Pagkahatid ko kay Kath sa room nila rinig ko yung mga pinag tsistsismisan ng mga estudyante na tungkol sa pageant for campus queen. Ipinatawag ko si Kiel presidente ng buong school para kausapin sya na simulan na ang paghahanda sa foundation.
Kiel: Kuya El pinatawag nyo daw po ako? Malapit din ang loob ko sa batang toh dahil kapatid sya ni Mack bestfriend ko.
EL: ah oo, maupo ka muna.
Kiel: Tungkol san po ba yun Kuya?
EL: Sa foundation gusto ko sana na simulan mo na ang pag plaplano at bibigyan kita ng taong makakatulong sayo para sa pag- aayos sa foundation.
Kiel: Ah oo nga po pala malapit na iyon. Sabagay kuya sino ba ang magiging kasama ko sa pagplaplano sa foundation?
EL: Si Kath.
Kiel: Si Kathryn Chandria Manuel?
EL: Exactly. Si kath talaga ang unang pumasok sa isip ko na tumulong kay Kiel mahilig kasi sya sa mga pag plaplano at alam kong smart si Kath pag dating sa ganyan. At hindi lang yan ang dahilan kung bakit si kath ang naisipan ko. Gusto ko lang makita ang reaksyon ni DJ kung makita nya na may kasamang babseng may beauty at brain si Kiel. Kung kami kasi ni Mack ay mag bestfriend si Kiel at DJ naman ay mag best enemy. Gusto ni DJ na nakakalamang sya sa lahat ng bagay pero hindi rin naman nagpapatalo si Kiel. Feeling ko kasi may gusto si Kiel kay Kath nakita ko kasi kahapon yung pag tingin ni Kiel kay Kath ng kinausap ko si Kath kahapon. I'll like to play my pieces.
EL: Gusto ko bago nyo iayos ang lahat ipresent nyo muna sa akin ang plano na gagawin nyo for our foundation.
Kiel: Opo Kuya, at sisiguraduhin ko na eto na ang magiging pinaka masaya at bonggang foundation sa kasaysayan.
Umalis na rin si Kiel at halata ko na masayang masaya sya sa nalaman nya ngayon. Magsisimula na ang tunay na kwento.
[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_[]_
Magsisimula na. Ano ba talagang balak ni Kuya El? Hindi ko rin alam. Hahaha. Kung anong pumasok sa isip ko isusulat ko na lang..... Vote and Comments....