"Sandali!!!! hahaha ang daya mo naman eh! ang bilis mong tumakbo"
"eh kasalanan ko ba yun? mabagal ka lang talaga isa pa sa liit mo ba namang yan malamang maliit din yang biyas mo hahaha"
"ang sama mo talaga!!" kung kanina ako yung hinahabol at tumatakbo palayo sakanya ngayon ako naman ang tumatakbo para habulin sya "Mavieeee!!! ang sama mo panget ka!"
"hahaha ako panget? tong gwapong to?"
"ang yabang mo! lumapit ka dito"
"may maipagyayabang naman eh..wait wag mo namang ipahalatang patay na patay ka sakin hahaha habol bilis bilisan mo pandak!"
hinubad ko yung tsinelas na suot ko sabay hagis sakanya "Aray naman Stracey! ang sakit nun ah" sya habang naghihimas ng likod ng ulo nya.. Oo shooter ako eh ^___^V
"haha gantihan lang yan, ayaw mong lumapit eh,, edi tsinelas ko na lang lumapit sayo haha taya ka na Mavie'tot mabantot"
"ayoko na madaya ka" umupo sya sabay higa sa buhanginan lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya..
"Oy galit ka ba?" dedma.."hoy!!" sigaw ko sakanya pero pumikit lang sya "uy sorry na, sorry na, sorry na please bati na tayo" kulit ko sakanya habang tinutusok tusok ko yung pisngi nya
nagdaan ang ilang minuto pero ganun pa din sya nakapikit habang ako eto nakaupo sa tabi nya...
"tulog ka ba?" tanong ko sakanya habang inilalapit yung mukha ko sa mukha nya
napangiti ako habang pinagmamasdan yung maamo nyang mukha....Sino ba naman ang mag-aakala na mamahalin ko sya? amg mayabang at malokong taong to?? dalawang taon, dalawang taon na alam kong ako lang ang babaeng mahal nya bukod sa Nanay nya...sa edad naming 16 naging kami, maaga man para sa iba di naman malabong mangyari yun dahil magkasabay naman kaming lumaki
napangiti na naman ako ng mapakla habang sinasariwa yung mga ala-ala naming magkasama
"Sa isang araw na yung alis ko, namin...sana naman mahantay mo ko hanggang sa pagbabalik ko" di ko namalayang may pumatak na mga luha sa pisngi ko at pumatak sa pisngi nya, bigla syang nagmulat ng mga mata.. Ngumiti ako sakanya habang sya naman ay umupo at pinunasan yung mga luhang patuloy na pumapatak galing sa mata ko
"mag-iiyakan na naman ba tayo?" biro nya sakin..alam naman nya yung tungkol sa pag-alis namin ng pamilya ko.."napag-usapan na natin to di ba?"
tumango ako sabay yakap sakanya "mahal mo ba talaga ko?" inilayo nya ko sakanya pagkatanong ko nun
pinitik nya yung noo ko sabay sabing "ilang beses ko bang dapat sabihin? Oo mahal kita kaya tatandaan mo to, mag-aantay ako, hihintayin kita at tatayo tayong magkasama sa harap ng altar"
mula don sa mga sinabi nya napahagulgol ako ng iyak habang yakap nya "Babalik ako, pangako"
Dumating yung araw ng pag-alis namin mas pinili na naming di magkita nung araw na yun dahil baka di ko mapigilan yung sarili ko at di na ko tumuloy....pero alam ko at nakita ko na habang abala ang lahat sa pag-alis namin nasa malayo sya.....
nakatingin...nanunuod
may mga luhang pumatak mula sa mata ko na mabilis kong tinuyo....sa pagsakay ko at pagsarado ng pinto ng sasakyan alam kong wala ng atrasan to..madiin kong pinikit yung mga mata ko habang paulit-ulit na lumalabas sa ala-ala ko yung mukha ng taong mahal at minamahal ko....
The first two years was a suicidal and the following years is a survival
totoo pala yung pag malungkot ang isang tao yung unang taong mag-approach sayo lalo na sa ganitong sitwasyon di malabong mapalapit sayo dahil sa ganung pagkakataon dumating at pumasok sa buhay ko si Brix
![](https://img.wattpad.com/cover/7333823-288-k620761.jpg)
BINABASA MO ANG
THE PROMISES OF FOREVER
Teen FictionMay mga pangyayari talaga na mahirap iwasan mga tagpong di na sana naumpisahan dahil alam mong pagdating ng araw siya mong babalik-balikan. Mahirap ang umasa at maghintay sa isang tao lalo na't walang kasiguraduhan kung gaano katagal. Kung ikaw ang...