Pinilit kong magpakamanhid
Pinilit kong lumayo
Ito lang ang alam kong paraan
Upang ako'y hindi masaktan
Tinago ko ang aking nararamdaman
Para sa aking kapakananHindi ko magawang ipaglaban
Kung anu man ang akin nararamdaman
Dahil ako'y nangangamba
Na mawala lahat ng pinagsamahan
Na baka ako lang ang nagmahalHindi ko kayang sumagal
Ayokong umasa
Ayokong mag-isip
Na may mas hihigit pa
Kung anu pang meron tayoAyokong lumayo ka
Ayokong iwan mo ako
Pero kahit na anung pag-iwas
Sa aking nararamdaman
Ako'y nalunod ng tuluyanSana'y mapansin mo
Na andito lang ako
Hindi kita iiwan
Dadamayan ka kahit ano, kahit saan
Kahit na hindi mo ako inintindi
Kahit na walang kang pakialam
Kung ako man ay masaktanPinipilit kong baliwalain
Lahat ng bagay na yon
Dahil ganon katindi
Ang nararamdaman ko para sayo
Pero hindi ko pala kayaMasyado na akong nahulog
Hindi mo man lang napansin
Sana naman ikaw ay masaya na
Hindi na kita hahabulin
Dahil ikaw din naman ang kusang lumalayoPinamumukha mo sa akin
Na wala akong halaga sayo
Sobrang sakit nun
Kung alam mo lang
Pero pinilit kong ipakita sayo
Na wala lang, na hindi ako nasasaktanDahil ito lang ang magagawa ko
Para sa aking sarili
Para hindi ako magmukhang tanga
Para di ako magmukhang kaawa-awa
Sa ngayon pag-iwas at pagbalewala
Muna sa nararamdam ko
Ang aking kayang gawinHindi pa akong handang kalimutan ka
Kahit ang mga ala-ala na lang
Ang aking panghahawakan
Hanggang sa kaya ko nang pakawalan
Ang nararamdaman ko para sayoSalamat sa mga ala-ala
Salamat sa lahat
Nawa'y maging masaya tayo parehas
Sa kung anu man kakahinatnan
Nang ating piniling daan.