Warning: I wrote this story way back 2016 and this is my first ever story. Hehe. You'll encounter a lot of 'kajejehan' here but enjoy reading, tho. 🌻
©️2016 MilaaiiiTheFeeler
All Rights Reserved.•••
HER POV
They lived happily ever after.
The end.
Agad-agad? Psh. Hindi pa nga nagsisimula 'yong kwento ko eh. Well, kaya may the end kasi isang kwento ulit ang natapos ko. Ewan ko ba super fan ako ng fairy tales. Pero 'wag ka hindi ako naniniwala sa forever thingy na yan. Kasi wala naman talaga. Lahat kasi ng bagay may katapusan. Siyempre pag naniwala ka diyan. Aasa ka at masasaktan.
What a piece of shit!
'Pag tungkol naman sakin ang masasabi ko lang ay ordinaryong tao lang ako. As-in ordinaryo talaga. Hindi kami mayaman pero hindi kami mahirap. Like, nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw.
Pero maihahalintulad ko kay Cinderella ang buhay ko. Ang pinagkaiba nga lang wala akong mga bruhildang stepsisters pero meron akong witch stepmother. At higit sa lahat wala akong prince charming na magliligtas sakin. Pero hindi ko kailangan ang prince charming na yan. Hindi naman ako lumaki para sa wala. Hanggat kaya ko, sarili ko ang aasahan ko.
"Helaena!"
Well, guess who? Dumating na ang witch. Tapos na siguro sa mahjong session niya. At ang pinakamasakit aminin ay ang witch na yan, mahal na mahal ko. Wala eh, gano'n talaga.
"Helaena! Ano ba! Kelan ka pa naging bingi? Tinatawag ka pero hindi ka sumasagot. Bumaba ka nga dito!"
"Andiyan na po!" ganting sigaw ko sa kanya. Nakakainis 'e. Pwede naman kasing magsalita in a good way 'di ba? Hindi yung sigaw nang sigaw.
Hindi pa ako lubusang nakakababa ay sinalubong na agad ako ng malakas na sampal. As-in malakas. Yung tipong napaharap ka talaga sa kabilang side. Lihim akong napadaing sa sakit na naramdaman.
At siyempre hindi lang yan. May kasama pang isang katerbang sermon. Nakakasawa ang ganitong buhay pero wala akong magawa. Para sa ikakaunlad ng Pilipinas. Magtiis ako. Tikom ang bibig ko palagi.
"Anong pumasok diyan sa kukute mo at hindi ka nagluto? Ang tanda-tanda mo na pero hindi ka marunong magkusa? Saan napunta yang utak mo? Sa paa? O baka naman wala ka talagang utak?"
Nanatili akong nakayuko. Pero hindi ako umiiyak. Manhid na 'e. Parati na lang ganito. Nasasaktan ako hindi lang physically but emotionally at pagod na pagod na din ako.
Gusto ko ng tumakas at pumasok na lang sa mga kwentong nabasa ko.
"Kasi ma-"
"Ilang bese ko ba sasabihin sayo na wag mo kong tatawaging 'mama'. Hindi kita anak. Tandaan mo yan," sabi niya sakin habang dinuro ako sa ulo.
"Opo, m-tita"
"Ano? Tatayo ka lang diyan? Hala magluto ka at gutom na ako. Lintek na buhay to!" Padabog siyang umalis sa harapan ko.
Napabuntong hininga ako. Buraot. Wala kayang laman yung ref. Nakakainis, mababawasan na naman yung ipon ko.
"Palagi na lang," bulong ko.
Agad akong kumilos para bumili sa labasan. Mabuti na lang kilala ako ng mga tao dito, isama na din ang mga tambay diyan sa tabi-tabi kaya kahit gabihin ako ay okay lang.
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story (ONE SHOT)
Teen FictionForever do exist, that's what they say. But for me-kalokohan yan 'e. Sa libro lang nangyayari ang mga ganiyang bagay. Pero, what if meron talaga? Yung katulad sa mga fairy tales na biglang dadating ang prince charming mo at ililigtas ka sa masasaman...