Isang Linggo na ang nakalipas matapos yung nangyari. Nabibwisit parin ako sa kanila hanggang ngayon
Nakahiga lang ako ngayon dito sa kama nakatulala sa kisame at hindi alam ang gagawin hanggang sa may kumatok sa pinto
"WHAT?!" Naiinis kong sabi
"Kath open the door!"
Nandito nanaman tong Butiki na toh para buwisitin ako akala ko ba eh galit toh sakin?!
"Ikaw magbukas ikaw may gusto pumasok eh" mataray kong tugon umirap pa ako na parang nakikita niya ako
"Kuya ito na po ang susi" agad akong naupo sa pagkakahiga pagkarinig ko nun
"What the?! Dylan bakit mo binigay?! You traitor!" Naiinis kong sigaw sa kapatid kong traydor agad akong tumayo sa kama ng padabog at ako na mismo ang nagbukas sa pinto dahil sa pagkabwisit ko
"Ano ba kailangan mong butiki ka ha? Ang aga aga nambibwisit ka?! Seryoso tinamaan ka nanaman ba ng kahibangan mo at ako nanaman akong pinagtitripan mo?! Alam mo---"
"Alam mo kath wag kang OA wala pa nga akong sinasabi binubunganga mo na agad ako!" Natatawa niyang sabi sakin
Napatingin na lamang ako sa kanya ng parang di makapinawala at agad siyang hinampas sa balikat
"Bwisit ka! Kita ng nagsasalita pa ako! Bwisit ka talagang butiki ka!"
"Ate ang ingay mo ang aga aga! Ikaw na nga binisita ni Kuya DJ aarte ka pa? Pasalamat ka nga may bumisita sayo palibhasa TOMBOY ka!" Agad nag tawanan ang dalawang lalaking toh sa harap ko na lalong nagpakulo ng dugo ko
"Argh! Shut up!" Naiinis kong sigaw kaya agad silang napatingin sakin
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa tong butiki si DJ
"Ano ba kailangan mo? At tsaka bakit ba ang porma mo ha?" Naiinis kong tanong
"Wala pake mo?"
Feeling ko sasabog na ako dahil sa inis
"Sira ulo ka lumayas ka na nga dito!"
Tinulak tulak ko siya hanggang sa makarating siya sa may pinto
"Sandali lang! Magpapasama lang naman ako eh!"
Napatigil ako sa sinabi niya
"Makikipagdate ka nanaman?! Tapos ano? Maghihintay tayo sa wala?! Tapos ako nanaman ang pagbubuntungan mo niyang pangaasar mo?! Hindi! Lumayas ka!"
Tinulak tulak ko na ulit siya palabas ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko at pinako ako sa pader
"Hoy tumigil ka! Alam ko susunod na mangyayari dito! Hahalikan mo ko!"
Tinawanan niya lamang ako sa sinabi ko
Aba ganyan naman sa mga nababasa ko ah! Kocornerin ka ng lalaki tapos hahalikan! Yang mga lalaki kasi pare parehas lang yan mga manloloko at paasa"Ano ka chicks? Hahaha"
"Bwisit ka ano ba kailangan mo?!" Konting konti nalang talaga bi-bingo na toh sakin eh
"Samahan mo lang ako sa Mall. Promise hindi ako makikipagkita sa kahit sino. Tsaka pambawi mo narin sakin sa nangyari lastweek" ngumiti siya sakin ng nakakaloko leche ang gwapo niya pwe!
"Ako pa talaga ang may Utang?! Ako pa?! Ako na kasama mo maghintay sa wala ang nagkautang sayo?! Leche ka lumayas ka na nga!" Nagpumiglas ulit ako pero ang lakas lakas ng butiki na toh! Bwisit
"Sige na please last na hindi na kita guguluhin Promiseee!"
Aba ang bait bait ata ng lokong toh ngayon ah! Pero kailangan ko munang magpaBebe
"Ayoko ngaaaa" mapangasar kong sabi sabay pacute ng mukha pero mas nagulat ako ng bigla siyang ngumiti ng nakakaloko at nagsexy dance sa harap ko habang hawak hwak parin ang dalawang kamay ko
"Wag kang pabebe wa- wag kang pabebe wag kang pabebe wa-wag kang pabebe"
"ARGH! Tumigil ka leche! Oo na sasama naaa!"
Nakita ko siyang napangiti at potek ang gwapo niya leche wag kang pafall enebe kenekeleg eke
-GIRLONSTRIPES16
BINABASA MO ANG
I Think I'm Falling InLove With You ( KathNiel Fanfic )
RomanceTHIS STORY IS BEING EDITED :)))