Chapter 3

7 0 0
                                    

Ang bilis ng araw. 2 weeks na din ang lumipas. Sana March na agad. Hahahaha. Andito pala ako ngayon sa UC inaantay yung loka lokang bestfriend ko. Hays. Ang boring naman.
"Miss!"
"Miss!"
"Aish. Hello. Miss?"
"Uhm. Ako ba?" Natawa bigla yung guy. In fairness pogi. Aish! Ano ba wends. Tumigil ka nga! He he he.
"Yep. Itatanong ko lang sana kung pwedeng makiupo? Wala na kasing vacant."
"Yun lang pala. Sigesige!" Ang tagal naman ni Pau. Damn. Gusto ko ng umalis dito, kasi naman hindi ko maiwasang di mapatingin dito sa lalaking nasa harap ko. Kasi naman. Jeeez.
"Thank You Miss! Una na ako. Btw, William nga pala."  Sabi nya habang patayo. Ano ba yan, ang bilis naman.
"Welcome. Wendy nga pala, but you can call me Wends."
"Okay wends. Thank You ulit. Bye!"
Sana makita ko ulit sya. Kyaaaa! Ang tagal naman ni Pau. Naku naman. Tapos na akong kumain lahat lahat wala pa din sya.
"Wendssssss. Wendssssssss."
"Tsk. Oh? Bat antagal mo?"
"Kasi naman traffic, bwisit nga e. Teka teka, bat parang iba yang mukha mo ngayon?"
"Luh. Anong iba? Ako pa din to, ang maganda mong bestfriend. Haha"
"Sabagay libre mangarap. Ano ba kasing meron?" Sabi nya sabay irap sa akin. Naku tong babaeng to talaga.
"Oo na! Ikkwento na nga e." Habang knikwento ko sa kanya yung nangyari kanina, hinahampas ako ng loka loka. Mas kinikilig pa ata to kesa sakin. Hahaha.
"Tama na nga yan. Tara na nga!"
"Sabi ko nga. Pero grabe Pau, ampogi talaga ni William. Haaaay."
"Naku. Magtigil ka nga. Yung tenga mo lumalaki. Hahaha."
"Ewan ko sayo!"
Habang hinihintay namin yung prof namin, nag facebook muna ako. Ooops. Himala may nag add sakin. OMG! Grabe naman to! Bag ang bilis? Nahanap nya agad ako sa facebook? Whooooa. Gusto ko yan. Hahahahajk. Landi landi ko na naman e. Pero grabe talaga. So ayun, accept agad.
"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo dyan?"
"Wala."
"Wag na kasing pabebe wends. Ano nga?"
"Kasi naman! Inadd ako ni William!!! Grabe bes! Grabe talaga!!!!"
"Ang OA. Tyaka in fairness nahanap ka nya agad. Whoooa. For sure lalandiin ka nyan. Hahaha."
"Che! Yan ka na naman ha. Crush ko na syaaaaa!"
"Edi ikaw na magkaka love life. Iiwan ka din nyan." Sabi nya sakin sabay irap. Naku naman. Ang complicated kasi nila ni Jayar ngayon. Hays. Pag bigyan nyo na bestfriend ko. Hahaha.
"Bitter mo talaga."
Kakatapos lang ng klase. At otw kami papauntang SM. Kelangan kasi bumili ng isusuot para sa Acquaintance, next week na kasi yun. Nakakainis naman, puro puno yung mga jeep na dumadaan. Kainis!
"Bes. Bukas na lang kaya tayo bumili? Oy bes. Pau?"
"Ha? Ano yun bes"
"Tsk. Kako bukas na lang tayo bumili. Puno kasi mga jeep. Maaga na lang tayo pumunta. 1 naman pasok natin bukas e."
"Sige bes. Tara na sa dorm. Gusto ko na din namang matulog."
Tumawid kami tas diretso na agad sa dorm. May pinagdadaanan na naman kasi tong si Pau at alam kong si Jayar na naman yun. Hays. Mga lalaki kasi manloloko.

Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon