Ilang linggo na din yung lumipas simula nung araw na yun. Pero, sariwa pa din sa alaala ko ang lahat. Ilang linggo ko na din siyang iniiwasan. Wala na akong pakialam kung nahahalata niya yun, ang tanging gusto ko lang ay ang mawala tong bigat na nararamdam ko.
"Bes! Una na ako ha?" Paalam ko sa Bestfriend ko.
"Ha? Sge Bes." Di niya alam yung nangyare pero for sure nakakahalata na to. "Ingat ka ha?" Sabay beso sakin.
"Oo salamat!" Umalis nko. Nauna na akong umuwi, hindi pa naman talaga ako uuwi e. As usual dinadaanan ko pa yung Favorite place ko.
"C." Narinig kong may tumawag sakin. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, kahit di ko pa nakikita kung sino yun alam ko na siya yun. Hindi ko maamin sa sarili ko, kasi hindi ko matanggap. Pagkakamali ang lahat!
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Umupo sya sa tabi ko. Ang sarap imaginin na katabi mo yung taong mahal mo at pinag mamasdan ang paglubog ng araw. Kagaya ngayon katabi ko siya, pero ang kaibahan lang hindi mutual ang feelings namin sa isa't isa. <//3
"May problema ka ba?" Tanong niya.
"Wala" tipid kong sagot.
"Galit ka ba sakin?" Napatingin naman ako sa kanya. Ang amo talaga ng mukha niya, na lalong nagiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Bat naman ako magagalit sayo?" Tanong ko.
"Di ko alam. Pero yun ang nararamdaman ko" Kung alam mo lang kung anong dahilan Keyls :(
"Ano ka ba. Hindi nu! Bat naman ako magagalit sayo ng walang dahilan di ba?" Pagpapaliwanag ko. Please wag ka nang magsalita pa!
"Sana nga." At naghari na naman ang katahimikan sa aming dalawa. Ganto naman simula pa nung una e! Ngayon pa ba ako maninibago?
"Sige, una na ako. Salamat!" Pag papaalam ko. Di ko na kasi mapigilan sarili ko, naiiyak na naman ako at natatakot na baka magkita sila ng GF niya at hindi ko na mapigilan yung luha ko.
"Sige ingat." Ang sakit nung marinig ko yung Sige ingat niya. Umasa ako! Umasa ako napipigilan niya ulit ako pero hindi. ANO BA C! ITIGIL MO NA YANG DRAMA MO!!
Months ago.
"Okey! 1 . 2 . 3 Pose!" Masaya ang lahat dahil itong araw na to ang huling araw ng pagiging Senior HS namin. At makukuha na din namin ang diploma namen.
Simple lang ang graduation ko, hindi gaya ng iba wala ako sa Honorable Mention. Hindi naman kasi ako ganun ka talino e.
Pagkatapos ng graduation ay nagpaalam na kami sa bawat isa. Pero pilit kong umiwas sa kanya, ok na din naman ako. At hindi gaya dati, di na kami nag uusap ni Keyls kahit isang beses. Ok lang para makapag move on na ako ng tuluyan kahit hindi naman naging kami.
"Ma. Dad? Salamat po. I LOVE YOU!" Sabay kiniss at niyakap ko sila. Naiiyak na naman ako, napaka ko kasi talaga e -.- "College na ako Ma, Dad. Salamat sa pag susuporta ha? Parang kailan lang nung iniisip ko mangyayari sa araw na to ngayon matatapos na sya :("
"Tungkulin namin yun anak." Sabi ni mama. Kahit minsan ko lang makasama si Mama, andoon pa din yung feeling na iba talaga kapag nagsalita siya e. Nakakagaan ng pakiramdam.
"Magpaalam ka na sa mga kaklase mo Nak" sabi ni Daddy. Sinunod ko naman sya at nagpa alam ako ulit sa mga kaklase ko. Nahuli ko siyang nakatingin na parang nahihintay na lapitan ko siya. Sa di ko alam na dahilan e parang may tumulak sakin papalapit sa kanya.
"Uhm. Bye!" Yan lang ang tanging nasabe ko at tumalikod na agad ako. Wala na akong pakialam kung pansinin niya man ako o hindi basta ang mahalaga nakapag paalam ako sa kanya.
Masyado pa akong bata para makaramdam ng ganito at ayokong kunsintihin ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Darating din tayo sa ganyan sa tamang araw at oras.
Siguro hanggang dito na lang muna ang lahat. Mahal ko siya! Kahit alam kong kakaiba at hindi natural. Pero alam kong lahat ng ito may reason, naniniwala ako sa Tadhana.
- Ceone.
-----
