ChapteR 18

17 0 0
                                    


"Akala ko ba aalagaan ko ang papa mo eh bakit pinapauwi mo na ko?" hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad.


"It's alright.. uuwi naman si mama ngayon mas maaalagaan niya si dad" So ano tingin niya sakin? hindi marunong magalaga?


Sabagay si Shanel lang naman ang alam kong alaagaan. 


"So? where are you dragging me now? Hindi mo naman ako kailangan hatakin palabas ng bahay nyo, may sarili akong paa remember?" huminto siya. Dyan naman sya magaling eh sa paghatak, puro pasa na nga yata yung braso ko kakahawak niya.  


"Oh, I'm sorry nasanay lang ako na hatakin ang mga kaibigan ko since ang babagal nilang maglakad." ganon na ba ko kabagal maglakad at saka hindi naman kami friends no.


Binitawan na nya ang braso ko. Napansin ko nga na medyo mabilis siya maglakad. Saan kaya siya nagmana? 


"Pwede na ba kong umuwi?" tanong ko sakanya. Kumunot ang noo niya.


"Not yet.. hindi pa tapos ang kontrata mo sakin"


"At kailan pa tayo nagpirmahan ng kontrata?" huminto siya sa tapat ng sasakyan niya. 


"Kanina? By the time that you agreed to what I said?" pumayag ba ko? sapilitan niya nga kong dinala dito ng walang paa-paalam e'.


"Just get in" hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa sasakyan niya.


"Saan nga?! hindi ako papasok hanggang hindi mo sinasabi." tinaasan niya ko ng kilay. Bakla yata to e'. Ako nga hindi marunong magtaas ng kilay kasi pag tinataas ko yung isa sumasama yung isa kaya tinatawanan ako lagi ni Yveth.


"Bakit ba ang dami mong tanong? "


"Sinisigurado ko lang syempre baka mamaya mapahamak pa ko dahil sayo, for sure kakatayin ka ng buhay ng kuya ko" lalo na at maraming source yon. Kapag gabi na nga ko umuuwi at dinadahilan ko kela mama na may group work kami, kahit wala naman, pinapagalitan niya ko dahil alam niyang naggala lang ako at alam nya kung saan talaga ako galing.


Amazing right. Pero atleast nakakaproud na may kuya akong responsible na tulad niya.


"Pinahamak ba kita nung pumunta tayo dito?" ganon pa din ang set up namin nakasilip sya sa bintana at ako naman nakatayo sa labas ng pintuan.


"Ah? hindi?." sagot ko. 


"That's it. Let's go." hindi na sya bumaba nang sasakyan. Binuksan na nya ang pinto gamit ang mahaba niyang kamay at hinatak ako pa papaupo sa shot gun seat. Sya na din naglagay ng seat belt ko.


Muntik na kong kiligin kasi yung pabango niya naamoy ko.. kaso bigla kong naalala na ganon din ang pabango ng ex ko na regalo ko pa sakanya. Hindi ko nalang pinansin dahil mawawala nanaman ako sa mood.

I PULLED HIS PANTS (under construction)Where stories live. Discover now