Chapter One

6 1 0
                                    

Ilang taon na ba kaming magkasama? 9 years? 10 years?.Ah basta mula pagkabata magkasama na kami,simula ng magkaisip kami palagi na kaming magkasama,sa lungkot at saya pati narin sa kalokohan hindi kami mapaghiwalay.

Akala nga ng iba magkapatid kami,kung nasaan siya nandoon din ako para kaming kambal tuko di mapaghiwalay at asahan mong sa lahat ng bagay kami ang mag 'Partners in Crime'.

Walang iwanan,Bestfriend's Forever ika nga nila pero lahat ng yun ay nagbago ng tumuntong kami ng 2nd year high school.

Kasama niya ako sa lahat ng bagay,nandoon ako sa lahat ng mga importanteng araw ng buhay niya.Nandun din ako noong nagdadalaga na siya,ng magcrush siya ultimo noong may nangligaw sa kanya nandoon din ako.

Lahat kaya kong ibigay sa kanya,poprotektahan ko siya sa lahat ng makakasakit at makakasama sa kanya ibibigay ko lahat para sa BESTFRIEND ko,pero huwag niya lang hingin o hilingin sa akin na layuan siya at huwag siyang mahalin dahil yun na ang pinakamasakit na bagay na ipapagawa niya sa akin.

Sana pag nalaman niya huwag siyang magalit sa akin, sana huwag niya akong layuan pero alam ko sa sarili ko imposibleng hindi yun mangyari pero hindi na magbabago yung nararamdaman ko para sa kanya.

I ♡ My Bestfriend,

I ♡ Ysabelle Garcia

----------------------------------------------------------------------

A/N: halatang hindi pinag isipan ang  Plot ng story basta yan na lang ang pumasok sa utak ko.Sorry po! ^___^

Tomy Tailer

I ♡ My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon