Chapter Two

11 0 0
                                    

----Ysabelle Garcia----

Kakauwi ko lang galing school,hinatid ako pauwi ni Nicolo wala namang bago doon simula pagkabata lagi na kami magkasama hanggang sa mag-aral na kami siya ang lagi kong kasama,hatid sundo ako pag maylakad kami at kung papuntang school.Ewan ko ba kay Nico ano na lang ang silbi ng driver namin?

Haist! pero okay lang naman atleast pag siya ang kasama ko alam kung safe ako na walang mangyayari sa aking masama.Napaka caring at gentle ng Bestfriend ko kaya nga love na love ko yan eh,huwag niyong mamasamain ah mahal ko siya as Kuya or Bestfriend.

Napakabuti niyang tao pero asahan mong may pagka mahangin din yan kaya wag kang pakampante.

Hayy! isang buong araw na puno ng activity,seatwork,quiz at marami pang mga school papers na dapat ipasa bukas pero sangayon matutulog muna ako,nakakapagod eh.

*********

---Nicolo Santos----

On the way na ako papunta sa bahay nina Ysabelle susunduin ko muna siya para sabay na kaming pupunta sa school.

Pagdating ko sa bahay nila pumasok na ako at agad naman akong pinagbuksan ng guard ng gate.Naabutan ko si Tita Joanne,mommy ni Ysabelle pagkakita niya sa akin agad niyang inutusan ang isa sa mga kasambahay nila upang puntahan si Ysabelle sa kwarto niya.

Maya maya palang nakita ko na siyang pababa ng hagdan,tapos na itong nagbihis at sukbit niya na rin ang bag niya sa kaliwang balikat niya.

"Good Morning."bati ko sa kanya ng makalapit siya sa akin.

"Good Morning din."bati niya rin sa akin ng may kasama pang ngiti.

"Halika na baka malate na tayo."kinuha ko na ang bag at ang librong dala niya.Matapos nun nagpaalam na kami kay Tita Joanne at pumunta na sa school.

Habang nagdadrive di ko maiwasang hindi siya lingunin,kahit nakauniform siya ang ganda niya parin kahit simpleng damit lang ang suot niya kaya niyang dalhin ng walang kaeffort-effort.

"Baka matunaw ako niyan."sita niya sa akin,naabutan niya kasi akong nakatingin sa kanya.

"Pinapatawag pala tayo ng Student Org.may meeting daw tayo."pag iiba ko ng topic baka kung saan pa mapunta yung usapan namin.

Isa kasi kami sa mga Officer ng Student Org,simula noong 2nd year kami at hanggang ngayon na 4th year na kami.

Malapit na kasi ang Intrams at kailangan na namin ng ideya para sa naturang event,siguro mga 3 weeks from now ay intrams na namin.

"Ang galing mag change ng topic."pabulong niyang sabi ngunit hindi yun nakaligtas sa pandingin ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Bakit ano naman ba ang kailangan ng Org. sa atin."tanong niya sa akin,ganyan talaga yan pagtinatamad buti nga hindi siya yung na elect sa higher position kung hindi baka mangapa ang school namin sa mga events.

"Alam mo hindi ko talaga alam kung bat ka na elect eh ang tamad-tamad mo naman,para sabihin ko sayo mahal na prinsesa malapit na po ang intrams kaya kailangan natin ng plano sa mga event na gaganapin at sa mga booths."mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Okay! sabay na lang tayo."

doon na natatapos ang conversation namin,pagkarating namin sa school agad akong nagpark sa parking area at nagtuloy-tuloy na kami sa classroom,mga 3 minutes bago dumating ang teacher namin.

----Ysabelle Garcia----

Pagkatapos ng klase pumunta na kami  sa Office ng Student Org.naabutan namin si Myca ang president ng Org.na nagdidicuss na about sa Event.

"Good Morning!"bati ni Nikko sa mga ka Org. namin.

"Good Morning din,maupo na kayo at ng maumpisahan na ang meeting."

Nagpatuloy ang meeting hanggang sa nakabuo kami ng idea na lahat ng Year level ay gagawa ng mga booths at pipili kami ng isang booth na magcocompete sa ibang year level.For instance sa buong 1st year level ay nanalo ang 1st section,ang first section ang lalaban sa ibang Year level.

Isang buong linggo gaganapin ang Intrams namin,may games din Basketball,Volleyball sa bawat year level at Battle of the bands.Lahat ng premyong mapapanalunan at idodonate sa isang orphanage na matagal ng tinutulungan ng School namin.

Pagkatapos ng meeting namin lumabas na ako ng office hihintayin ko na lang si Nico sa labas, nag-uusap pa kasi sila ni Myca Sandoval ang president ng student org. namin.

Kaclose lahat ni Nico ang mga ka org. namin lalo na si Myca,sobrang close nga nilang dalawa.May mga friends din naman ako sa Org. pero karamihan sa kanila ay babae.Nakikipag kaibigan din naman ako sa mga boys pero napakailap nila,I mean napaka distance nila yung tipong papansinin ka nila ngayon taops kinabukasan hindi na.

Nagsimula yan nung 2nd year kami pero hindi ko na lang pinapansin.

Nakita kong bumukas na ang pinto ng Office namin at lumabas na sina Niko at Myca nagtatawanan pa nga sila.Ni minsan hindi ko nakita si Niko na hindi tumatawa lalo na pag si Myca ang kasama niya.

Bigla akong nainggit.....

Erase..Erase...!!

Hindi ako dapat mainggit kasi Bestfriend ko naman si Niko.

Pero hindi ko talagang maiwasan ang hindi makaramdam ng ganito.

Iba yung feeling eh!

nakakainis.

Nang makita niya akong nakaupong mag-isa sa bench,nag paalam na siya kay Myca at lumapit na sa akin.

Nginitian ko lang siya,isinawalang bahala ko na lang yung nararamdaman ko.Baka masira pa friendship namin Niko at yun ang ayaw kung mangyari.

------Nicolo Santos-----

Pagkatapos ng meeting pinatawag ako ni Myca,magpapatuloy siya sa paggawa ng Theme para sa intrams namin.

Kailangan kasi nun para masubmit na namin sa head Org. ang plano namin para maaprubahan na ito at masimulan na ang mga preparations.

Matapos kami mag-usap sabay na kami lumabas,lumingon-lingon ako para hanapin si Ysabelle,hindi man lang nag paalam sa akin yung babaeng yun.

Ang akala kung nauna na siya ay hindi pala nakita ko siyang nakaupo sa bench,lumapit na ako sa kanya at agad niya akong sinalubong ng matamis niyang ngiti.

"Akala ko nauna kana."nang makalapit ako sa kanya agad akong umupo sa tabi niya.

"Hindi,hinintay kita eh,so..anong napag-usapan niyo ni Myca?"tanong niya sa akin.

"Ayun,nagpapatulong sa paggawa ng Theme para sa Intrams natin."

tumango lang siya sa sinabi ko.

Makaraan ang ilang minuto napag pasyahan namin na bumalik na sa classroom.

Nagbigay lang ng seatwork at assignment ang teacher namin.

Nagring na ang bell hudyat na uwian na.

Pagkatapos kung ayusin ang mga gamit ko tinulungan ko na si Ysabelle sa mga librong dala niya.

Dumaan muna kami sa locker para iwanan ang iba naming gamit at pagkatapos ay dumiretso na kami sa parking lot para makauwi na.Hinatid ko na si Ysabelle pagkatos ay dumiretso na rin ako sa bahay at ng makapag pahinga na.Para makapag handa sa bagong bukas na puno ng mga gawain.

------------------------------------------------------------------------

Tomy Tailer

Thank you^__^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I ♡ My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon