Laking pasasalamat ko
Dahil nagka-ayos na tayo
Ang mga ngiti sa labi mo
Ay siyang nagpagaan ng pakiramdam koNawa ay malulungkot na pangyayari
Sa buhay natin na di mawari
Ay atin nang iwaksi
Upang tayo ay makapagsimula muliIwanan natin magagandang aral
Na siyang magpapatibay ng ating pagmamahal
At hindi na tayo muli pang magigimbal
Sa mga pagsubok, kundi gawin natin itong aralTayong dalawa ang dapat lumaban
At hanggang sa huli ay walang iwanan
Sapagkat itong ating pagmamahalan
Ay kayang abutin ang walang hanggan
BINABASA MO ANG
BaeYayang Tula
PoetryMga orihinal na tula na aking likha. Ang mga tulang ito ay nagawa ko dahil sa ALDUB/MAIDEN/MAICHARD na siyang naging inspirasyon ko upang bumalik sa pagsusulat. Sana magustuhan niyo ang mga tula ko kahit simpleng mga salita lamang ang mga ginamit k...