48

42 7 17
                                    

»eric's POV«

Papunta ako ngayon kina wendy. 1 week na din kasi ang nakalipas na hindi ko siya nakakachat, nakakausap o nakikita man lang, kahit anino niya hindi ko makita.

Sana naman ayos lang si wendy ngayon. Kinakabahan ako. Baka ano ng nangyari sakanya. Kaya naman naisipan ko na siyang puntahan sakanila.

Hindi ko namalayan na nadito na pala ako sa tapat ng bahay nina wendy. Hininto ko na ang kotse at bumaba na. Magdo-door bell sana ako kaso nakita kong nakabukas ang gate. Kaya naman pumasok na ako ng walang paalam. Ayos lang naman sa mommy and daddy ni wendy na pumasok ako ng bahay nila e. Kaya ayon.

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila pero nakita kong walang tao. Anong meron bakit walang tao dito? Nasaan ang mga maids? Ayun! Teka nakita ko si Manang Selia.

"Manang magandang umaga po. Uhm. Nasaan po si wendy? Bakit parang wala po sila?" Mahinhin na tanong ko kay manang. Kilala na ako ni manang kaya naman hindi na siya nagulat pa na nandito ako.

"Ah. Eh. Eric iho, pasensya na wala sina wendy dito pati sina sir at ma'am wala din. Kakaalis lang nila iho" umalis? Saan naman punta nila? Bakit wala man lang sinasabi sakin si baby? Naku naman nadoble tuloy ang kaba ko.

"Saan daw po ang punta nila manang?" Tanong ko.

"Ayaw pasabi ni wendy iho e. Kung gusto mo puntahan mo yung kwarto niya, alam mo naman kung saan diba? Tapos tignan mo doon yung sulat na sinabi niya sakin na basahin mo daw. Sige una na ako iho ha? Madami pa akong gagawin---" naglakad na paalis si manang pero ilang habang palang ay humarap siya muli saakin.

"---mahal na mahal ka ni wendy iho, alagaan mo siya habang nandito pa siya" ha? Ano daw? Anong pinagsasasabi ni manang? Manang naman e. Pinapakaba mo tuloy ako lalo.

Tumango nalang ako kay manang at tumakbo na papunta sa kwarto ni wendy. Ano naman sulat ang sinasabi ni manang? Bakit?

Nakarating na ako sa second floor mg bahay at nakapasok nadin ako ng kwarto ni wendy. Pagkapasok ko sa kwarto niya bigla kong natanaw ang isang maaliwalas na kwarto ni baby. Naaamoy ko ang amoy niya, nakakamiss siya. I miss her....so much.

Inilibot ko ang tingin ko at linibot ang kwarto. Saan ko naman mahahanap yung sulat na 'yon?

Napatingin ako sa side table sa tabi ng kama. May nakita akong puting sobre. Siguro, ito na yung sulat na sinasabi ni manang.

Kinuha ko ang sobre at binuksan. Kinakabahan ako. Ayokong buksan dahil parang kapag binuksan ko may masamang mangyayari. Natatakot ako.

Finally. Nabuksan ko na ang sobre. Binasa ko ang nakasulat sa isang puting papel---dahilan kung bakit naginit bigla ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pangingilid ng mga maiinit na luha ko. Ayokong umiyak pero...p-pero....

"Dear Eric baby,

Hii baby! Miss na kita sobra. Ako miss mo na ba ako? Siguro oo no? Paano kaya kung wala na ako dito sa mundo. Hayy. Hindi ko ginusto na magkasakit ako ng ganito. Ayokong mawala ka saakin, at alam kong ganoon kadin naman saakin diba? I know you cant live without me. Hindi nman sa makapal pero baby, i'm sorry. Siguro kapag kinuha na ako ni God, magiging mapayapa na buhay ko, hindi na ako masasaktan. Sasabihin ko kay God na wag ka niyang papabayaan. Nandito lang ako sa tabi mo baby, lagi mong tatandaan yan ha? Kapag wala na ako dito sa mundo, ako magiging guardian angel mo :) kaya wag kang sad baby ha? Mahal na mahal na mahal na mahaaaaaal kita baby. Hala, naiiyak na ako haha ikaw baby wag kang iiyak ha? Ayokong umiiyak ka :( ingat ka palagi diyan baby. Iloveyou....so much. Goodbye.

Love,
Wendy your baby"

Tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko. Nanlambot ang mga tuhod ko. Parang anytime matotomba na ako.

"No. No. Baby, wag mo akong iwan. Please. Baby. Iloveyou" halos pabulong kong sabi, para na akong baliw na kinakausap ang papel dito.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Bumaba na ako at lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Hanggang ngayon, iyak parin ako ng iyak.

Hindi pa naman patay si baby diba? Diba? Hindi pa naman diba? Lord. Please tell me hindi pa siya mawawala diba? Hindi niyo pa naman po siya kukunin samin diba?

Natatawa nalang ako sa sarili ko. Kinakausap ko sarili ko na parang baliw habang umiiyak. Hindi ko kaya. H-Hindi ko kayang mawala siya sakin.

Baby...please dont leave me...

***

Waaaaah!! Wendy bakitt!! Huhu oki stop. I decided na tapusin na ito as soon as possible maybe hanggang 50 chap or 55? Basta malapit ng matapos to hehe.

Nga pala. HAPPY BIRTHDAY WENDY BABYYYYYYY!!!!! WOO BIRTHDAY MO NA NGAYON JUSME LABYU SOBRA 😘😘😘 SORRY KUNG PINAPATAY NA KITA DITO SA STORY KO WANDI AH HEHEHE SARANGHAE WENDYYYY 😘

OKAY BYE.

wendy »rvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon