Chapter Twenty- Nine

911 12 0
                                    

Nang matapos ako tumulong kay Manang Rosa naglakad lakad muna ako. Sa di kalayuan nakita ko sila Manong David na hawak ang tali nang kabayo niya. Kasama niya ang iba pa trabahador dito.

"Oh asan si Gerald?" Tanong sakin ni Manong David.

"Ewan ko po. Umalis po bigla e" sagot ko.

"Ganun ba? O sge. Josh? Samahan mo nga muna ang magandang dalaga ito para makapaglibot libot muna dito" sabi ni Manong David kay Josh, isa ito sa trabahador na parang anak na rin turing niya dito.

"Sge po" masiglang sagot ni Josh. Saka niya hininto ang ginagawa niya.
"Tara na po Miss Dhepira?" Dagdag pa niya.

Napangisi naman ako "sure."

"Ako na sasama sakanya" sabat nang lalaking familiar. Pagtalikod ko si Gerald ang bumungad sakin.

Nakasando lang ito at nakajeans na pantalon. Halatang halat na may abs siya kahit natatakpan pa ito nang black na sando niya.

"Sge po" sagot naman ni Josh rumihistro naman agad sa mukha nito ang pagkadismaya.

Kumuha nang isang kabayo si Gerald at sumakay.

"Come" sabi ni Gerald at nilahad ang kamay niya sakin.

Inabot ko naman ang kamay niya agad agad naman niya ako inupo sa harap niya.

Nakakulong naman ako sa mga bisig niya kasi dalawang kamay niya ang nakahawak sa tali.

Paano ang pwesto namin? Nakaside ako paupo sa kabayo sa harap niya tapos siya nakalikod ko nakakulong ako sa mga braso niya ay nakasandal sa abs niya.

Oxyyygeeeen please xD

"Okey kalang ba?" Mahinag tanong niya.

Kinilabutan naman ako kasi ang lapit lang nang bibig niya sa tenga ko. At amoy na amoy ko pa ang bango nang hininga niya.

"Yeah" pormal na sagot ko. Ayoko naman makahalata siya.

Dahan dahan lang ang lakad nang kabayo. Kaya di ako malalaglag saka pano ako malalaglag e sabi ko nga kanina nakakulong ako sa mga bisig ni Gerald.

Tahimik lang kami , wala ako balak magtanong kung saan kami pupunta nahihiya ako e.

Maya maya pa bumaba na siya sa kabayo at inalalayan ako bumaba kaso sobrang bigat ko ata kaya natumba ako sakanya.

Nakapatong ako sakanya at nagkakatitigan.

Please lord help mee! 

Agad agad naman ako tumayo at pinagpag ang damit ko. Kahit naman alam ko di ako nadumihan dahil napapatong ako kay Gerald.

Gerald's POV

Kanina pa kabog nang kabog ang puso ko. Nakasakay palang kami sa kabayo. Tapos ngayon nakapatong siya sakin.

"S-sorry" paumanhin niya sakin habang pinapagpag ang damit niya.

Pinagpag ko din ang damit ko saka tinali ang kabayo sa puno.

"Tara" mahinang sabi ko saka ako naglakad papasok sa gubat.

"Nakakatakot naman dito" sabi niya habang nakasabay na siya nang paglakad sakin.

Di ko nalang siya pinansin. Naglakad nalang ako.

"Waaah!" Sigaw niya nang may narinig siya kaluskos bigla naman siya napakapit sa braso ko.

Bigla huminto ang mundo ko feeling ko naubusan ako nang hangin.

"Sorry" sabi niya saka bumitaw sa braso ko.

Nang makarating na kami sa paruruonan di naman maiwasan mamangha siya sa nakita niya.

"Wow. Ang ganda naman" sabi niya habang nakatingin sa taas.

Ano tinitignan niya sa taa? Tree house lang naman nakatayo sa isang malaking puno.

"Tara umakyat" sabi ko.

Pinauna ko na siya umakyat saka ako sumunod.

Sa loob nang tree house may single bed saka isang table.

Sa ilalim nito dun ko tinago ang isang kumot at isang unan.

Nilatag ko ang kumot sa kama para makaupo si Dhepira.

Pero nakatayo lang ito sa bintana. Tanaw kasi dun ang Taal Volcano.

"Wow" manghang sabi ni Dhepira.

"Tama ako magusgustuhan mo nga dito" sabi ko.

"Sino nagtayo nito?" Tanong niya.

Napayuko nalang ako pag naaalala ko.

"Kami ni dad. 14 years old palang ako yun na naisipan namin gawin ito para isurprise si mommy para sa Anniversary nila-- kaso namatay si mommy-- dahil sa car accident" paliwanag ko sakanya.

"I-I'm sorry" mahinang paumanhin niya sakin.

Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko saka ako niyakap.

"Kung asan man ang mommy mo ngayon masayang masaya siya dahil naging isang mabuting anak ka." Sabi nito sakin habang hinahagod ang likod ko.

Lalo ako nahumaling sakanya.

Lalo ako naiinlove sakanya.

At lalo ako naiinis dahil wala ako magawa para malaman niya matagal ko  na siya gusto.

Napadiin naman ang pagyakap ko sakanya. Di naman niya ito minasama.

------------------

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon