Lapis

39 3 3
                                    


Naalala ko nung bata pa ako, napakarami kong lapis. May mataba, may payat, may itim, dilaw at iba-iba pa. Kapag kalahati na ang lapis ko, nagpapalit kaagad ako.

'Ma! "Pasigaw kong sinabi habang tinatawag si mama.

"O ano 'yon?" Malambing na bigkas niya.

"Ma, gusto ko po itong mga lapis na ito!"

"O sige basta iingatan mo ang lahat ng 'yan ha!" Sabi ni mama habang papunta kami ng counter.

Dahil sa sobrang tuwa ko sa mga lapis na nabili, ginamit ko na kaagad ang mga iyon. Dumating ang araw ng pasukan at ako'y naging mayabang.

"Alam niyo ba dude marami akong bagong mga lapis! At ang mahal ng bili namin ni mama." Pagmamayabang kong sabi sa mga kaibigan.

"Talaga!" Tuwang-tuwang sinabi ni Mark.

"Hoy! Ikaw pulubi. Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Pananakot na bigkas ko.

"Ah wala." Takot na bigkas ni Simon.

Isa sa mga kamag-aral naming minsan halos wala.

"Siguraduhin mong wala kasi kung meron, makakatikim ka sa'kin." Sabi ko. Lahat ng mga kaklase ko mataas ang tingin sa'kin kaya ako ang boss nilang lahat. Ngunit isang pagkakataon ang biglang umusbong.

"Hoy pulubi! Bakit nasa 'yo ang lapis ko!" Pagalit na sabi ko habang aakmang susugod sa kanya.

"Sa'yo ba to?, nanginginig na sabi ni Simon, "Napulot ko kasi ito sa basurahan."

"Wala akong pakialam! Akina nga 'yan." Ani ko habang sapilitang hinablot sa kanya ang lapis na iyon.

Nang minsan, nakita namin siya ni mama na nangangalakal sa may basurahan ng isang kainan.

"Joemar! Diba kaklase mo yun?" Patanong na sabi ni mama na may halong pagkaawa. (Di ko nga alam kung bakit di ako naaawa sa kanya pero malay mo! Malay ko.)

 "O bakit ganyan ang tono mo ma?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Opo, kaklase ko po siya. Pero alam mo ma, nung minsan kamo nakita ko sa kanya yung lapis ko." Nagpapaawang sabi ko kay mama.?

"Baka, naman tinapon mo na yun." Parang patanong at pangungumbinsing sabi ni mama.

"Ay basta ma kinuha niya yun!"

"Alam kong di niya kayang gawin ang binibintang mo sa kanya."

"Sige na ma ako na ang mali! Kampihan mo na yang pulubing yan! Mauna na po akong umuwi!" Pagalit na sabi ko kay mama habang papalayong naglalakad.

Habang pauwi ako, di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni mama. Dahil sa sobrang galit ko, nabundol ko ang isang ale na naglalako ng mga lapis at tuluyang bumuhos ang lahat ng lapis sa kalsada. Maraming nadulas na naglalakad, may nagbibisikletang nadulas at nakabunggo ng sasakyan at lahat na ay nagkagulo. Sa sobrang takot ko sa mga nangyari, tumakbo na lang ang tanging paraan na ginawa ko.

Pagdating ko sa bahay, pinagpapawisan ako ng malagkit. Di ko alam sa bata kong ito kasankot na ako sa isang gulo. Talagang balisang-balisa ako sa oras na ito. Matapos maligo ay ginusto kong buksan ang TV upang mawala ang takot ko ngunit sa di inaasahang pagkakataon, mabilis na rin ang balita at sa lahat ng free tv channel ay kasalukuyang nakaere ang aksidente dahil sa lapis.

(Lapis, lapis, lapis, lapis,......) Waaaaah uhuhu....

Sa bawat pagpatak ng luha sa aking mga mata, nabubuo ang imahe ng trahedya. Idinaan ko na lang sa iyak ang lahat. Lumipas ang ilang araw, kinausap ako ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LapisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon