Medyo sequel to nung YO-SI pero haha ikaw pa rin bahala kung ano gusto mong unang basahin. :)
-
Nabuhayan ako ng loob ng may pumasok sa loob ng kwarto ko. Finally!
"Hay bwisit ikaw lang pala!" Masigla kong bati sakanya.
Napakamot naman siya sa ulo niya, "Pasensya na ngayon lang ako nakadalaw." Sinimangutan ko siya pero agad din akong bumungisngis.
"Tanga ka po. Okay lang! Umupo ka nga! Mukha kang tuod diyan!" Nilibot muna niya ang buong kwarto at tinignan saka umupo.
Nagulat ako nang bigla siyang tumungo at humikbi. Teka? Umiiyak ba siya?
"Hannah—sorry. Sorry. Patawarin mo ko." Iyak niya kaya naawa rin ako at tinabihan siya. Hinagod ko ang likod niya. Lalo naman siyang napaiyak kaya napangiwi na lang ako. Naalala ko nga pala dati, ayaw na ayaw niyang hinahagod ko ang likod niya pag naiyak siya kasi mas lalo daw siyang naiiyak. Ew po.
"Baliw! Ano nanaman yan?" sabi ko na lang para gumaan gaan naman pakiramdam nito. Kakaawa eh.
"Nu—nung gabing sinabi kong hindi ikaw ang mahal ko kundi Calculus. Sorry Hannah." Iyak pa rin siya ng iyak kaya napaface palm na lang ako. Adik. Adik sa math.
Oo nga pala! Yun yung sinabi niya sa tropa niyang si Yohan
"Baliw ka? Wala yon! Hi—" Hindi niya ako pinatapos at nagsalita ulit siya. Bastos to ah.
"Ang totoo kasi nahihiya ako. Nahihiya akong umamin kasi kalalaki kong tao tomboy ang crush ko. Na ikaw ang crush ko. Ugh bwisit! Yosi ako ng yosi pero heto di man lang masabi nararamdaman ko sayo. Mahal kasi kita, okay? Kahit ang ligalig mo! Kahit ang hilig mong kunin ang sigarilyo ko at itapon. Kahit mas magaling ka pa sakin sa soccer. Kahit ang hilig mo kong barahin sa chemistry. Pero okay lang kasi nababara naman kita sa calculus. Kahit ang hilig mo manabunot at kasama kitang maghanap ng chix. Mahal na mahal kita. At ang duwag ko kasi di ko agad nasabi sayo. Dahil ngayon ko palang sinasabi sayo to. Mahal kita kahit tomboy ka." Dire-diretso niyang saad ngunit nakanganga lang ako. Wala akong masabi. Mahal niya ako?
Unti-unting kumurba ang ngiti sa labi ko. Kainis!
"Alam mo ba kung bakit ako nagwalk out nung araw na yun? Kasi nag expect ako na mahal mo rin ako. Ngayong alam ko nang mutual tayo, edi wow. Tsaka ako tomboy? Half lang no. Wag ka ngang judger!" Napatingala siya at napapikit. Nakita kong hinilamos niya ang mukha niya saka tumungo ulit habang ang kamay ay nasa likod ng ulo.