a narration story :)
Ako si Angela De Castro, 19 years old. Isang graduating student sa cavite university taking up tourism.
Simpleng babae lang ako hindi ako masyadong maarte sa katawan at hindi ako palaayos.
Lumaki ako sa mga tiyahin ko dahil ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa. Walang time sakin ang mga magulang ko kaya kulang ako sa pagmamahal at atensyon ng magulang pero ayos lang dahil pinalaki naman ako ng tita ko na may takot sa diyos at mabuting tao. Sa katunayan sila ang nagpapaaral sa akin kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila.
Andito ako ngayon sa may parke. Kung saan yung pinakapaborito kong lugar ditto ay ang may isang malaking puno at maraming bulaklak.
Masaya ditto kasi kapag malungkot ako tinititigan ko lang ang mga bulaklak at ang magagandang mga ulap. Lagi kasi akong nagkakaroon ng problema dahil na rin sa mag isa lang ako sa buhay.
Yung mga nagpalaki kasi sakin nasa Cebu. Kaya ko na raw kasi ang sarili ko ngayon dahil malaki na ako. Alas kwatro na pala ng hapon babalik na ako sa school dahil may klase pa kame ng alas kwatro.
Malapit lang naman kasi ito sa paaralan namin kaya madalas akong pumunta dito. Habang naglalakad ako nagbabasa basa na din ako ng mga aralin kahapon para kapag natawag ako n gaming guro makakasagot ako sa klase.
Habang naglalakad ako di ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya may nakabungguan tuloy ako.
“pasensya na po, di ko sinasadya” sabi ko habang pinupulot yung nalaglag kong notebook.
“ayos lang , ahm?? Sa susunod kasi tumingin ka rin sa daan” sabi nung lalaking nakabunggo ko.
“pasensya na talaga ah? Sige una na ko ah? May…” di pa ko tapos magsalita tinanung na niya agad ako
“ah teka ano nga palang pangalan mo?”
“angela ikaw?”
“Louis (sabay ngiti)”
Pagkatapos noon umalis na ako dahil nga mahuhuli na ako sa klase kaya naman dumiretso na ko sa room ko.
Ang ganda ng pangalan niya “Louis” at ang gwapo niya rin. Ilang oras lamang ang lumipas at natapos na din ang klase namin. Pauwi na ko noon ng Makita ko si Louis sa may bench sa may tapat ng puno nang akasya sa paaralan.
Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya sabi niya nagpapahng lang raw siya kaya sinamahan ko na siya total wala naman akong kasama sa bahay. Nagkuwentuhan kami tungkol sa isa’t isa.
Medyo matagal din ang oras ng pagkukwentuhan naming kaya umabot sa muntikan na kaming mapagsarhan ng gate sa eskwelahan. Niyaya ko na siyang umuwi sabi niya sakin sabay nalang daw kami dahil malapit lang naman ang bahay naming sa isa’t isa.
Dumaan ang ilang linggo, at ilang buwan na rin kaming magkaibigan ni Louis at hindi nagtagal nagging mag”bestfriend” kaming dalawa. Siya ang lagi kong kasama sa araw araw pero hindi sa pagtulog.
Tinutulungan niya nga ako minsan sa mga Gawain ko sa araw araw. Mabait si Louis at masaya rin siyang kasama. Kaya minsan hindi ko na nararamdaman na maging malungkot at na ako ay mag isa lang sa buhay. Sinabi ko na rin sa tita ko na wag na siyang mag alala sakin dahil minsan ko nalang nararamdaman ang pagiging malungkot.
Nung isang araw niyaya ako ni Louis na mamasyal sa parke. Kaya dinala ko na rin siya sa pinaka paborito kong lugar sa parke. Sinabi ko sakanya na doon ako lagging napunta kapag nalulungkot ako. Kapag gusto ko nang kasiyahan doon ko dinadala ang sarili ko.
Nililibang ko doon ang sarili ko. Patingin tingin sa mga ulap at sa mga magagandang bulaklak. Sabi sakin ni Louis wag na raw akong malulungkot dahil lagi na raw siyang andyan para gabayan at samahan ako. Ang saya pa ng mga sumunod na araw kasama si Louis.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon<3
Teen Fictionnaniniwala ba kayo sa meant to be? yung tipong sa isang hindi inaasahang pagkakataon mahahanap mo si mr.right guy :) ~narration story :) hope you like it