Huling pagbitaw

21 0 0
                                    

Mag-Isang Lumalaban.
(Huling Pagbitaw)

Mahal, bibitaw na ako.
Hindi dahil hindi na kita mahal o may mas hihigit na sa iyo. Hindi ko kailangan ng hihigit sa maluluwag mong kapit sa kamay ko, sa mga pilit mong ngiti kapag nilalambing kita. Hindi ko kailangan ng hihigit pa sa mga mata mong umiiwas kapag sinasabi mong mahal mo rin ako. Mahal, wala ng mas hihigit pa sayo. Wala na 'kong maibibigay pa sa iba dahil lahat ay nakalaan para sa'yo.
Mahal, bibitaw na ako.
Hindi dahil masakit na, kaya ko pang ilaban ka. Kaya ko pang umiwas ng tingin kapag nakikita kitang nakatingin din sa iba. Kaya ko pang ipikit ang mga mata ko kapag pangalan niya ang ibinulong mo sa iyong pagtulog. Mahal, kaya ko pa. Kakayanin ko pa. Pero mahal, bibitaw na ako. Bibitaw na ako dahil ikaw na mismo ang kalaban ko. Mahal, ako na lang ang magpapatalo. Dahil ano nga bang laban ko kung wala na ang dating tayo? :(

SO? Alam Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon