First Heartbreak

230 5 4
                                    

Second year highschool nung maging seatmate ko siya. Maganda siya, mabait, competetive nga lang. Pero okay lang. Naging sobrang close kami.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa kanya noon, hanggang sa narealize ko na crush ko na pala siya. Gusto ko lagi lang siya malapit sa akin. Lagi ko siyang hinahanap kapag nawawala siya. Madalas pa nga ako'ng sumama sa mga lakad nila ng barkada niya. 

Hindi ko pinahalata na nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi ko rin naman siya iniwasan. Ako lang rin naman kasi ang mahihirapan kapag pinahalata ko yun sa kanya. May boyfriend kasi siya. Ang hirap. Wal;a ako'ng ibang choice kundi itago nalang to'ng One-sided na tang'nang pag-ibig nato.

First year palang kami, nung nagka boyfriend siya. Hanggang tumuntong kami ng Second year sila pa din. 

Mas nagpahirap pa sa akin yung mga oras na nagkukwento siya tungkol syaa boyfriend niya. Kahit masakit, pinipilit ko pa ri'ng asarin siya dun sa boyfriend niya para kunwari WALA LANG.

Dumating ang ikatlong taon namin sa highschool. We're seatmates again. 

At, wala pa ring nagbago. SILA pa rin ng boyfriend niya. At ako pa rin ang kinikuwentuhan niya tungkol sa mga away, bati nila ng boyfriend niya. Minsan nakakabanas na nga eh, lagi nalang yung boyfriend niya. Hindi ba niya ramdam na nasasaktan ako?

Nahihirapan ako tuwing umiiyak siya dahil sa boyfriend niya., at pinipilit ko'ng maging masaya tuwing napapangiti siya ng boyfriend niya.

Ang hirap lang tanggapin na yung boyfriend lang niya ang may kayang magpasaya sa kanya ng ganun.

Things happened so fast, nabaling ang atensyon ko sa babaeng nagugustuhan ko na rin. Si Wynter. Second year pa siya, niligawan ko siya at naging kami. Hindi ko naman siya ginawang rebound eh.Minahal ko siya.Tinulungan niya ako'ng mag move-on, akala ko tuloy-tuloy na. Akala ko siya na talaga, yun pala pansamantala lang, kasi she broke up with me. Ayaw siyang payagan ng parents niyang magkanobyo. Sadyang ang malas ko nga naman sa pag-ibig.

That's the first time na umiyak ako dahil sa isang babae. At, si seatmate ang naging comfort ko noon.

Matagal bago ako nakamove-on. At nung nangyari na nga, nararamdaman ko na naman yung pilit ko'ng iniiwasang mangyari. Nahulog na naman ako kay seatmate. @!##$ 

Sht. Babalik na naman ako sa dati.

**to be continued...

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon