Dumating ang 4th year. And guess what?
We're seatmates again.
This time, katabi ko na yung barkada niya. Si Ashlin. Napapagitnaan nila ako'ng dalawa.
Nitong 4th year na rin nalaman ng barkada ko ang tungkol sa nararamdaman ko kay XZ.
Dumating ang araw na naghiwalay sila ng boyfriend niya. Imbis na maging masaya ako sa paghihiwalay nila, nainis ako. Kasi yung babaeng pinapangarap ko'ng maging akin, iniiwan lang ng iba. Yung babaeng mahal ko, sinaktan lang niya. Tangna. Hindi talaga nasusukat sa tagal ang isang relasyon para masabi'ng kayo talaga.
Dadaan lang pala siya sa buhay mo at ipaparamdam lang sayo ang panandaliang saya.
Nung mga panahong nasasaktan pa siya, ako yung naging balikat niya. Napapadalas na ang pagsasama namin. At dahil sa set-up naming yun, Nag-iisip na ng malisya ang mga barkada niya sa amin. Lagi na kami'ng inaasar na dalawa. Ang masama pa dun, nakikisali ang mga barkada ko.
Okay lang naman sa akin eh, ang masakit lang, sa tuwing inaasar tayo lagi mo'ng sinasabi ang katagang:
"WE'RE JUST FRIENDS".
Isang araw, nagkatipon-tipon ang barkada ko at barkada mo.
Nagdad-drama ka pa nga noon sa harap namin eh. Sabi mo pa :
"Pare-pareho lang naman kayo'ng mga lalaki eh. Ang sweet niyo sa una. Pero pag nagtagal, inaamag na."
Nakisang-ayon naman yung mga barkada mo. Bitter kasi ang peg niyo noon eh.
Sinagot ka naman ni Three na isa sa barkada ko...
"Hindi naman lahat XZ eh. Tingin-tingin ka lang kasi sa paligid, malay mo may totoong nagmamahal sayo siyan sa gilid."
Pinigil ko yung sarili ko nun. Nakakainis kasi pinapahalata ng barkada ko. Baka mahalata mo o ng barkada mo.
OO, duwag na kung duwag pero masisisi niyo ba ako? Natatakot lang kasi ako'ng mag take ng risk at baka yun pa ang ikasira ng pagiging close namin.
Biglang kinurot ni Ashlin ang tagiliran ko na naging dahilan upang mabaling ang atensyon ko sa kanya. Nagtaka ako ng pinandilatan niya ako ng mata at parang may gustong sabihin.
Bukod sayo, siya din ang isa aa mga ka-close ko. Pero hindi niya alam na may gusto ako sayo.
Barkada mo kasi ehh, mahirap na.