MB18

329 11 0
                                    

Yuan's Pov

Pagdating namin sa loob ng bahay tinuunan kaagad ng pansin ni Mark si Kyrine.

"Matulog ka na, dito na muna kaming apat"

tumango naman si Kyrine at lumapit sakanila para humalik, nung lumapit siya sakin kinabig ko ang ulo niya at hinalikan siya sa noo niya, naglakad naman kaagad siya hanggang sa maabot niya ang room niya saka pumasok na kaagad.


"So, what's now? ano ang pag-uusapan natin? just straight to the point" walang ganang tugon ko sakanilang tatlo.

King looked at me "Sa labas tayo mag-uusap, baka marinig niya tayo dito"

Yun nga, lumabas na kami. Umupo kami sa patio, magkaharap kami ni Mark.Tinignan niya ako ng matalim, sinuklian ko din naman ang tinging 'yun.

"Alam mo, matapang ka din ano? hinarap mo kaming tatlo ng walang pangamba na baka tirahin ka namin pag nakatalikod ka, pero di ka man lang nangamba nun?" seryosong saad ni Mark sakin.

I smirked "Why would I? kung ano ang kaya niyo, kaya ko din. You can't threaten me, hindi niyo ko masisindak sa isang sindakan lang. Hindi ako gaya ng iba diyan na madadaan lang sa mga ganyan"


"Well, if that's the case. Hindi na kami tutol sainyong dalawa, but it doesn't mean na ibibigay na namin sa'yo ng buong buo ang kapatid namin. Keep in mind Yuan, bunso namin 'yun. Prinsesa ng pamilya, at minsan na siyang nasaktan ng dahil sa pag-ibig na 'yan. Nakita naming tatlo kung paano siya nagbago ng dahil dun, ng dahil sa sakit na 'yun. Kaya di nga ako makapaniwala ng gabing nakita ko kayong dalawa at sinabi mong boyfriend ka niya, In my mind ay nagsasabing seriously? naka move-on na ba talaga si Kyrine from her past? but naisip ko din na why not? mas mabuti na 'to kesa sa manatili siyang malungkot. And I hope maintindihan mo ang gusto naming iparating sayo" King, so alam din nila ang past relation ni Kyrine? So legal din ang una niyang naging boyfriend.

"Wait, did Kyrine told you about her past relationship?" Prince asked me, of course I'm her boyfriend.


I arc my brows "Ahuh"


Monster Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon