THE THREE OF US

10 1 0
                                    

"Bilisan mo naman! Male-late nanaman tayo nian eh!"

"Oo na! Pababa na nga eh! Eto na." Sigaw ko sakniya.

I am Ace Vergacion. A college student, and i have a bestfriend. Si Mariel Garcia, matagal na kaming magkaibigan, childhood friend ko siya. Magbestfriends din ang mga magulang namin, kaya naman hanggang sa pagsilang naming dalawa magkasama na kami. Sabay kasing nanganak ang mga parents namin. Kaya nga kahit pagkanta magaling kaming dalawa eh, lalo na sa katarantaduhan. Mahal ko siya, matagal na. Pero ayokong masira kung anong meron sa amin ngayon. Siguro pagnakagraduate na kami. Saka ko sasabhin ang nararamdaman ko para sakaniya.

"Ikaw kasi eh! Kalalaki mong tao ang bagal bagal mo kumilos! Ayan tuloy! Di nanaman tayo nakapasok sa 1st subject natin! Eh 3hours yung klase nun! So anong gagawin natin ngayon?! Nganganga nanaman tayo sa garden?!" Pabulyaw niyang sabi sa akin.

"Ang dami mong sinabi! Tara na nga sa garden!"

Tinext ko ang tropa ko. Ipapakilala ko siya kay Mariel para hindi siya mabored. Masaya kasi kasama yung taong yun.

"Uy brad!" Pagbati sa kin ng kaibigan ko nakakarating lang.

"Uy pre! Upo ka! Ito nga pala si Mariel, bestfriend ko. Mariel, si rain nga pala. Tropa ko."

"Uy hello! Nice to meet you." Pagbati ni mariel.

Hanggang sa lagi na kaming magkakasamang tatlo. Halos araw araw na kaming magkakasama. Sa lahat ng kagaguhan na ginagawa namin dati ni Mariel na kaming dalawa lang, ngayon kasama na si rain.

"Tagay pa." Itinaas ni Mariel ang basong hawak niya at agad na ininom.

Nagiinuman kami ngayon, nagkayayaan lang. Halata sa mukha ni Mariel na lasing na siya. Nang matapos niyang inumin ang baso ng alak niya, agad din syang nakatulog. Nagtawanan nalang kami ni Rain.

"Saglit lang ace ah? Iihi lang ako."

"Sige." Nang makaalis na si Rain, tinitigan ko ang mukha ni Mariel habang natutulog. Napaka-amo ng mukha niya. Sa lahat ng babaeng nakilala ko siya lang ang iiba, hindi siya maarte, hindi siya mapili na kakaibiganin niya, at napakaganda niya at sobrang bait pa.

Nabaling naman ang tingin ko sa wallet ni Rain. Tiningnan ko ang wallet niya, para sana kumuha ng pambayad sa alak. Pero, iba ang nakita ko sa loob ng wallet niya.

Picture nilang dalawa ni Mariel na magkaakbay at nakahalik si Rain sa pisngi ni Mariel.

Teka, bakit parang hindi ko to alam? Kelan to? Nalabas ba sila ng hindi ko alam?

Ibinalik ko kagad ang wallet niya. Nakita ko kasi siyang paparating na.

Hindi ko alam, kung anong nararamdaman ko.  Nagseselos, na may halong galit at tampo. Bakit hindi ko alam na lumalabas silang dalawa?

Ilang araw ang lumipas, mas napapansin kong naging mas close si Rain at Mariel. Nandito kami ngayong tatlo sa garden.

"Teka lang. Kukunin ko lang yung libro ko sa locker ah." Pagpapaalam ko sakanila.

Nang mkabalik na ako, nakita ko si Mariel na nakapasan kay Rain habang nakangiti. At di ko inasahan ang sumunod pang nangyari. Nang bumaba si Mariel sa likod ni Rain, hinalikan niya si Mariel at niyakap. Anong ibig sabhin nito?

[GRADUATION DAY]

Balak ko nang magpropose kay Mariel ngayong araw. Nakabili na ako ng sing sing, at nagpaalam narin ako sa mga magulang niya pero hindi pa alam ni Mariel. Naeexcite ako, pero mas nananaig ang kaba sa katawan ko.

---
Heart beats fast colors and promises
How to be brave,
How can i loved when i'm afraid to fall,
But watching you stand alone,
All of my doubts suddenly goes away somehow.
One step closer...

Umiiyak kong pagkanta habang naglalakad si Mariel papuntang altar. Hindi ko akalaing ganto ang kahahantungan namin.

I have died everyday waiting for you,
Darling don't be afraid i have loved you
For a thousand years,
I loved you for a thousand more...

Nang makarating na siya sa altar habang hawak ni tita at tito ang kamay niya, di ko parin maiwasang lumuha habang ipinapasa itong kamay ni Mariel patungo sa kamay ni Rain.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ganun? Kahit ilang beses kong pigilan ang mga luha sa mata ko hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita si Mariel na hawak na ng ibang lalaki at tropa ko pa.

Pagkatapos kong kumanta habang nagpapiano, agad na akong lumabas ng simbahan at dumiretso na papuntang airport.

Babalik na ako sa Korea para kalimutan ang Lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The three of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon