My Girlfriend is a Crossplayer - The Boy???

59 0 0
                                    

"Hoy Nathan, Gising na anak, tiba may lakad kayo ngayon ng kaibigan mo?" ang sabi ni nanay habang hinila ang kumot ko ....

"Yawn~ 5 more minutes nay" ang sabi ko habang kinakapa kung nasa ang kumot ... nilalamig kasi ko dahil nakabukas ang aircon ng kwarto...

"Hay nako, ang laki laki mo na anak para ka pading bata " 

"Nay ..." na paupo ako sa kama at kinamot ang buhok ko "tiba gusto nyo naman ng baby boy?" tapos nginitian ko nalang si nanay na napangiti din ...

"Oo nga anak, gusto ko nga ng baby boy pero, sa idad mo na 21 tiba dapat may shota ka na? tiba madami namang nag kakagusto sa iyo sa unibersidad nyo ... E, wala ka pa ngang ipinapakilala sa amin ng tatay mo... sayang naman ang itsura ko anak" sabay upo sa tabi ko si nanay

"Nay, ang gusto ko, kapag ako mag papakilala sa inyo ng babae, ay ang taong mamahalin ko na ng lubusan, at saka hindi naman seryoso sa akin ang mga babaeng iyon e, darating din ang panahon Nay, pero habang wala pa yon, kayo muna ang nag-iisang babae sa buhay ko" sabay halik sa pisngi ni nanay...

"Hmp! Bad Breath ... osha, sige na! maligo kana at mag bihis at mag toothbrush ka ng mabuti" tapos tumayo na si nanay at umalis na ng kwarto ng nakangiti...

Hindi muna ako tumayo, kundi humiga uli ako sa kama ... iniisip ko ang mga sinabi kanina ni nanay .... Oo, alam ko na madaming babaeng may gusto sakin pero hindi naman talaga sila seryoso sa akin eh, at saka hindi ko gusto sa mga babae ang mahihilig mag bihis ng maiikling damit, at yung masyadong nag mamake-up, simple lang ang gusto ko na babae, pero there should be something about her that would make her stand out from the other girls and that's what I'm looking for ... ang mga iba kong kaibigan na lalaki may mga shota na pero hindi din naman sila nag tatagal, at ayaw ko mang yari iyon sa akin .... napangiti nalang ako ng bigla kong natandaan ang mga sinasabi sa akin ng aking mga kaibigan "Nathan, baka naman maging bakla ka na nyan ha!" "Nathan baka mag pari ka pag laki mo" "Nathan walang masamang mag ka relasyon at mabigo" Hindi naman ako bakla at alam ko iyon sa sarili ko, Basta! darating nalang sa buhay ko ang babaeng hinahanap ko at kapag na hanap ko na siya, hinding HINDI ko siya pakakawalan...

Na ligo na ako at nakapag bihis na ng damit pang alis at habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang twalya may na recieve akong text galing kay JM ang pinakamatagal ko nang kaibigan na nakilala ko na simula pag kabata....

~Nathan, gising kana ba? sasama ka sa pag punta sa 'Best Of Anime' Con ngayon tiba? kita nalang tayo sa food court ng mall of asia

                                                                   ~JM

Bumaba na ako sa sala at nakita ko sina tatay na inaayusan ng neck tie ni nanay...

"Uy Nathan! Good Morning Anak..." pag bati sa akin ni tatay...

"Good Morning din po tay!"

"Nathan, naka pag luto na ako ng almusal mo, kumain kana" sabi ni nanay tapos binitiwan na ang necktie ni tatay...

"Sige po nay, Bye tay, ingat ka sa byahe!" at dumaretso na ako sa kusina...

Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na din ang pinag kainan ko, pag katapos ay nag paalam na ako kay nanay ... hindi ko pwedeng pag hintayin sina JM kasi tiyak na maiinip yun... pag dating ko sa Food Court ng Mall umupo ako sa isa sa mga lamesa na alam kong madali nila akong mahahanap... pero habang nag hihintay ako wala akong magawa kaya tumitingin lang ako sa paligid ligid at bigla may nakita akong isang lalake na nakaupo din sa kabilang lamesa katabi ng sa akin cosplayer din siya dahil naka Sasori Costume siya, somehow biglang bumilis ang tibok ng puso ko, tapos may biglang kumalabit sa akin, sa sobrang bigla ko bigla akong napasigaw ng mahina...

"Ay kabayo!"

"Kabayo??? ang sama mo naman Nathan" biglang napakunot ang noo ni JM sa akin

"Sorry, na bigla lang ako"

"Bakit ba kasi? sino ba ang tinitignan mo jan??? o na nanaginip ka ng gising?"

Napatingin uli ako sa table na yon pero wala ang lalaki don... "Wala..."

"Wala?? halika na nga at nag sisimula na ang event" sabay hila sa akin paalis ng Food Court habang tinitignan ko padin ang table nung lalaki kanina ...

Teka nga, bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon??? OMG nagiging bakla na ba ako?!? Wag naman sana! pero there's something about that "PERSON" that just won't leave me alone...

"Huy Nathan! ano ba? kanina ka pa naka tulala jan ayos ka lang ba?" sabi ni Nathan na ngayon ay nakasuot na ng Kaito Costume at pinag kakaguluhan ng mga babae ... bakit nga ba hindi e pogi din naman si JM

"Kaito pwede pa picture?" sabi ng 4 na babae na may hawak na camera at halatang kinikilig..

"Sige, Nathan usap tayo pag tapos nito ah" at sabay pose para sa mga babae... 

at habang nag popose si JM pag lingon ko nakita ko nanaman yung lalaki kanina, kaso saglit lang kasi madaming tao ang nakapalibot sa kanya, lumapit ako pero siksikan masyado, madaming babae ang nag sisitilian kaya nakkipag siksikan ako, pag kakita ko nag popose din siya, at ang daming kamera na nakatutok sa kanya ... tapos biglang nag katamaan ang tingin namin sa isa't isa at ang nakakabigla pa don ay tumigil pa siya sa pag pose at tumitig lang sa akin... kaso biglang nag silakasan lalo ang tilian ng mga babae at na punta na uli ako sa likod ...

"Huy Nathan! san kaba nagpunta?" sinabi ni JM habang nakataas ang isang kilay...

"JM ..." napahinto ako sa sinasabi ko... anong sasabihin ko kay JM? na sa tingin ko In Love ako sa isang cosplayer na lalaki??? kaya itinigil ko nalang 

"Nako baka gutom lang yan, kain na muna tayo Nathan" 

"Siguro nga" 

madaming tao ang nag titinginan sa amin, hindi lang kay JM kundi sa akin din, lagi naman ganito kaya sanay na kaming dalawa, puno ang Jollibee at Mcdo kaya sa Tokyo Tokyo nalang kami kumain... 

"Alright Spill Nathan, bakit ba parang lagi malayo ang iniisip mo???" sabay subo ng malaking tempura sa bunganga...

"JM I.... I think I'm In Love" then biglang nag choke si JM at uminom sa red tea

"SA WAKAS!" Biglang sinigaw ni JM at nag sitinginan ang mga tao...

"so who's the luckiest girl?" sabi ni JM in a lower tone

"Dude, I need your help, I think this 'PERSON' is either a boy or a girl.. I really don't know" I said then I took a sip in my red tea

"So that's why nawala ka kanina, don't worry we'll find that cosplayer"

Tapos na kaming kumain at bumalik na kami sa event hall, susubukan naming mahanap ang taong iyon...

"Nathan mag sisimula na ang cosplay competition" paalala sa akin ni JM dahil sasali sha sa contest...

"Sige, go I'll be here to support you" 

"Don't worry, malay mo sumali din pala siya sa competition" JM said putting a hand on my shoulder 

"Thanks... sana nga" i said in a hopeful tone.. at umupo na ako sa isang upuan para makapanood

Hindi ko ba alam kung bakit gusto ko mahanap yung taong yon, basta gusto ko siya makita, kailangan ko siya makita....

nag simula na ang laban, ang daming magaganda ang costumes... what do you expect in 'The Best Of Anime'? ... pag tungtong ni JM sa stage ang daming sumigaw at kinilig, medyo kilala na nga rin pala si JM sa mga convention na ito dahil nanalo na siya ng madaming beses sa mga contest kagaya nito... mamaya maya, may sinabi ang MC na ang susunod daw na contestant ay isang bagohan kaya hindi ako masyadong nag expect ng magandang costume, ito raw ang debut niya, at first wala akong pakelam at tinignan ko nalang ang cellphone ko pero biglang nagsihiyawan ang mga babae at ni tayuan sa mga upuan nila, at nung pag tingin ko...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is a Crossplayer - The Boy???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon