FRIENDS Kasi Kami </3

48 2 0
                                    

Lagi nalang patanaw-tanaw,

Hindi ko man lang maisigaw,

Ang tunay na nadarama,

'Di ko kayang ipadama.

Kahit may lakas ng loob,

Kung 'di din parehas ang kutob,

Lalayo ka lamang sa'kin,

At di ko yun kakayanin.

Isa pa, ako'y babae,

'Di maaaring maunang magsabi,

Ang sagwa din talaga,

Magmumukha pang desperada.

'Di ko naman hinihingi,

Nararamdama'y bigyang sukli,

'Di ko rin hinahangad,

Sa iyong puso'y mamungad.

Ayokong malaman mo,

Mga kataga sa puso ko,

Ito ri'y walang halaga sa iyo,

Masasayang lang ang oras mo.

Basta lagi lang ako dito,

Kahit di ako ang kailangan mo,

Dahil masaya na rin ako,

Kapag masaya ang tulad mo.

Sana nama'y magpatuloy,

ang magandang daloy,

Ng ating pagkakaibigan,

Hanggang sa walang hanggan.

Sapagka't ako'y naniniwala,

Pagkakaibiga'y ang nag-iisa,

Tanging bagay sa mundo,

Saakin ay maibibigay mo.

Ito'y pahahalagahan,

Kahit na nasasaktan,

Dahil kaibigan lang ang turing mo,

Sa taong nagmamahal sa'yo ng buo.

FRIENDS Kasi Kami &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon