11:11 Make A Wish (short story)

1.2K 32 14
                                    

Alam niyo ba na kapag ang oras na ay 11:11, pwede kang mag-wish at lahat ng wish mo ay mangyayari. Yun ang tinatawag na, 11:11 make a wish.

---

“oo nga, ang kulit! Kapag 11:11 na, magwish ka na”

“paano ako magwi-wish?”

“Edi humiling ka! Tanga teh? San utak?”

Maingay na usapan sa loob ng classroom ng 3-D. Wala kasi ang Chemistry teacher nila, last subject nila ito.

Ngayon lang ulit makakapag-ingay ang mga estudyanteng ito dahil ikaw ba naman ang araw-araw na mag saulo ng mga elements at ng atomic number pati electron configuration? Isama mo pa ang chemical bonding!  Naku! ang section pa naman ding ito ang pinakahuling section sa 3rd year high school nila. Alam na, hahaha.

“tss” hanggang ganyan lang si Kristin na kanina pa naiingayan sa mga kaklase nito. Takip tenga with matching pikit mata pa. Papaano ba naman kasi buong period na lang nilang usapan ang 11:11 make a wish na yan.

Pauso.Korni.Trip lang.

Paulit ulit na sinasabi ni Kristin sa isip nito. Andami na kasing nag-iimbento ng kung ano ano ngayon para lang mai-hiling yung mga gusto nilang makuha, yan ang sumunod na iniisip niya sa mga oras na ito.

11:11 make a wish? Kay korni talaga!

Bumuntong hininga siya at tinignan nito ang kanyang relo, 5:00 pm na! sa wakas at makakalabas na siya sa mala-palengkeng classroom na yun.

“Ano Kristin? Alam mo na ba kung pano gawin yung 11:11—“

“Naniniwala ka rin?!”

Hindi na pinatapos ni Kristin ang kaibigan niyang si Bell sa pagsasabi ng trending topic na yun sa klase nila dahil sobrang rinding rindi na talaga ito kanina pa.

Ipinulutpot ni Bell ang braso nito sa braso ni Kristin para lambingin dahil napansin niyang kanina pa imbyerna ang kaibigan niya.

“Galit naman agad? Ta-try ko lang naman, malay natin effective!”

“Ang korni, promise”

Inirapan ni Kristin si Bell dahil maski pala ‘tong bestfriend niya ay nagpapaniwala sa mga imbento lang.

“try mo din!”

“A.YO.KO”

Pahinto hinto pa ang pagsasabi ni Kristin ng salitang ‘ayoko’ dahil sobra sobra talaga siyang nakokornihan dun.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa hanggang sa makakita sila ng nakakapang-init, nakakapagpawis at nakakapanglaway… WATDA PACKING TAPE!

May naglalaplapan!!!!1!

Joke lang! grabe kayo!

Ang totoo niyan, dumaan lang naman kasi ang ultimate crush ni Kristin. Ang lalaking halos nasa kanya na ang lahat.

 1…2…3.. let’s sing! ~~neseye ne eng lehet, menemehel keteng tepet~~

Gwapo, matangkad, matangos ang ilong, may mala-lee min hong mga mata at mga labing matetempt kang halikan.

Hindi makagalaw si Kristin. Naging tuod siya ng ilang minuto nung magkatinginan silang dalawa ng crush niya. Pakiramdam niya ay nag-skip ng isang beat ang puso niya at parang nagkakaroon ng karambola ng mga paru paro sa tiyan niya. Kinikilig siya dahil dumaan lang ang crush niya.

“Huy! Nakadaan na ho siya, tara na po. “

Si Karlo ang lalaking dumaan.  Ang poging lalaking ito ang crush ng halos lahat ng babae sa campus nila. Gwapo nga kasi ito at matalino, laging laman ng school paper nila ang mga contest na sinalihan at napanalunan niya.

11:11 Make A Wish (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon