FairyChapter_01: Love Mission

7 0 0
                                    

Annika’s POV

“Uwaaah! Ayoko! Ayoko! Ayoko!”

“Pumunta ka na kasi Sophie~! Wag na makulit!”

“Yoko nga sabi eh! Ganyan na ba talaga ang mga magkakaibigan ngayon? Binubugaw na ang isa’t isa? T.T”

/(;-_-)

Para talaga ‘tong sira. Siya na nga tinutulungan dito eh. Ayoko namang maging matandang dalaga tong bestfriend ko noh. Kung sa looks... okay naman. Ang ganda ng mata niyan. Perfect ang hulma ng mukha. Sabagay, halohalo kasi ang lahi neto eh. Kahit hindi na mag-ayos, ang ganda ganda parin. Andami  ngang umaaligid pero wala naman siyang interes.

Kaya ang ginawa ko ay... sinet ko siya sa isang eyeball. OPLAN: HANAPAN NG LABLAYP SI BESTIE BAGO SIYA TUMANDANG DALAGA. Mehehe 

“Sophie! Sasamahan naman kita dun mamaya eh! Sige na pleaassseee” hinigit ko na ang kaniyang kamay na kasalukuyang tinatakpan ang kanyang tenga.

“Blah.. blah.. blah.. Annika... wala akong marinig” tsk, ayaw talaga neto magpatinag

“Sige na kasi, gwapo naman yun eh~!” pagkumbinsi ko. Pumayag ka naaa

Bigla naman siyang umayos ng tayo at tumingin sa’kin ng pagkaseryo’seryoso

“Gwapo??”

huli ka *evil grin*

“Ah..eh.. OO! Gwapo daw yun!” tumango tango naman ako para makumbinsi siya kahit ang totoo ay hindi ko alam.

“At paano mo nalaman? Aber? Nakita mo naba?” Seryoso parin siyang nakatingin habang lumalapit sakin na parang detective na nagpapaamin sa suspek.

Nalintikan na. Magsisinungaling nalang ako –_ –

“Sa facebook siyempre~! Ang gwapo kaya ng profile pic niya! Artista! Si ano... Usui Takumi!”

 (;¬_¬) ßmukha niyang lukot lukot na

“Late na’ko” sabay kuha ng bag niya at nagdire-diretsong umalis ng bahay nila. Hindi bumenta.

Kyaa! Ba’t ba hindi ako magaling magsinungaling? Fuu~

***sa  school (dismissal time)***

“Sophie TT^TT” kinukulit ko parin siya. Eh kasi naman ehh

“Ayoko nga pumunta dun Nika. Kung gusto mo kaw nalang. Tutal ikaw naman nakipag’text dun”

“Bakit ayaw mo? Malay mo gwapo?” inaalog alog ko pa siya kaya di tuloy siya makatapos sa pagsusulat ng notes.

“Araw-araw ako nakakakita ng gwapo. Immune na’ko dun”

Haha, kapal talaga netong best friend ko. Mas makapal pa yata sa kulugo. Kung sa bagay, maraming nanliligaw dito. From nerds to varsity players, from tambays to hacienderos, and from monkeys to princes. Pero, walang sinasagot eh.

Suko na nga ako! Pero nanghihinayang ako sa beauty, brains, at talent niya

“Fine. Ako nalang pupunta. Pag kasing gwapo ni Brad Pitt yun--”

“Yung Brad Pitt na foreign o Brod Pete na local? ”

“Che~! Ako na nga lang nagmamalasakit at baka tumanda kang dalaga at di mo maranasan ang wonders of life, ba---ARAY!“

Binatukan ako.

“Wonders of life ang pinagsasabi mo diyan?!”

“Hehe, wala. Sige alis nako, may EB pa ako. Bleeeh”

“May boyfriend ka diba?! Mangangaliwa ka?!” at ginawa pa niya akong two-timer? Di ako nagtataksil!

“Eh batukan kaya kita? Pupunta lang ako dun para magsorry at sabihing di ka makapupunta. Baka maghintay yun sa wala”

A Twisted Modern Fairy taleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon