-CHANCE 4-

129 57 42
                                    

-CHANCE 4-


''Eh kasi nga, gusto kita.. Bestfriend.''

Tila naitulos ako sa aking kinauupuan nang sabihin niya iyon. T-Teka, hindi ba ako mali ng dinig? Totoo nga? Umamin na siya?! Weh?

''HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-!''

Oo, ako'y napahagalpak ng tawa.

Nanlaki naman ang mga singkit niyang mata sa inasta ko. Aba! Tawa ako ng tawa ngayon. Hahahahaha.

''F-Feli naman, ba't ka tumatawa? Nang-aasar ka nanaman, eh!''

Hindi ko parin mapigilang matawa habang siya naman ay naiiritang humalukipkip dahil sa kahihiyan.

''HAHAHAHAHA--alam mo ba Xian--HAHAHAHA--ewan ko ba--HAHAHAHA-!'' hawak hawak ko parin ang tiyan ko dahil sa kakatawa.

Halata parin sa mukha niya ang pagtataka sa ginagawa ko kaya minabuti kong tumigil na rin sa pagtawa. Nang pakiramdam ko'y nahimasmasan na ako ay humarap ako sa kaniya na natatawa parin.

''O-Okay ka na? Ba't ka ba natawa, ha?'' imbes na sagutin siya ay natawa nanaman ako. Ngunit hindi na kasing lakas ng tawa ko kanina.

''Tinatanong mo talaga yan?'' bigla naman siyang napa-iling at seryosong tumingin sa akin.

''Ano ba talaga? Ba't ka tumawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?'' seryosong tanong niya.

''Pasensya ka na ah, hindi ko lang mapigilan. Eh ikaw kasi eh!''

''Ha? Anong ako? Diretsuhin mo nga ako! Nagmumukha akong ewan dito, eh.''

Bahagya naman akong napangisi. Ewan ko ba. Nakakatuwa kasi siya, eh. Ang cute cute niya kapag nagmumukhang tanga eh! Hahahaha. Pero, wala akong pagtingin sa kaniya, ah!

''Again, Im sorry. Eh kasi, hindi lang talaga ako makapaniwala na magtatanong ka sa akin ng mga date date na yan,'' napasandal ako sa kinauupuan ko at marahang tinanggal yung seatbelt ko, ''Atsaka, hindi lang ako makapaniwala na nagtatapat ka na sa akin, don't get me wrong pero matagal ko ng alam na gusto mo ako.''

Namilog naman ang mga mata niya at napadilat. ''A-Ano? Ganun ba ako kahalata--?''

Napatango ako sa kaniya at ngumiti. ''Wag kang mag-alala, wala namang magbabago eh, magkaibigan parin tayo.''

Natahimik naman siya at halatang na-disappoint.

''Sorry Xian ah, alam mo namang hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa'yo.. Tsaka, para ka na ngang kapatid ko, eh.''

Napabuga siya ng hangin at malumanay na lumingon sa akin na kanina'y nakaharap sa daan. ''A-Alam ko naman yun, nagbabaka-sakali lang,'' pinilit niyang ngumiti at hinawakan niya ang kamay ko. ''Pero kahit one time lang, gala tayo bukas. Please?''

''Fine,'' hindi na ako umangal pa at sumang-ayon nalang. ''Sige, well it's settled then! Tomorrow is Gala Day,'' natatawa kong saad.

Napangiti naman siya at ginulo yung buhok ko. ''I prefer it, A Friendly Date!''

Natawa ako kaya pinisil ko yung mga pisngi niya. Namula naman siya kaya mas natawa pa ako sa reaksyon niya. ''Wag ka ngang kiligin Quiroga! Ang kyut kyut mo, eh.''

''Cute nga, di mo naman mahal.'' kunwari'y napasimangot siya.

''Tseh! Tigilan mo ako, mahal kaya kita noh!''

Just For Once... Chance (FOR REVISION)Where stories live. Discover now