Chapter 1
Arrah's POV
"Ready na imong mga dalhunon nak?" (Ready na ba ang mga dadalhin mo anak?) Tanong ni mama saakin.
"Ready na ma" sagot ko habang nakatingin sa phone ko. Nagbabasa ako kasi ako ng wattpad. Hihi. Sumakay na ako sa kotse at inayos ang mga bagahe namin. Nilagay ko nalang ang phone ko sa pouch ko. Lilipat na kasi kami ng bagong bahay kaya paalis na kami. Sa buong byahe, nakatingin lng ako sa bintana tinatanaw ang mga nagliliparang mga sasakyan at mga pulubing naka handunsay kung saan saan.
Tsk! Kawawa naman talaga. Iniwan ng mga magulang.Tahimik lang ang buong byahe. Tahimik lng din si mama na nagdadrive. Hindi ko nalang namalayan, nakatulog na pala ako.
"Nak mata na. Abot nata!" (Anak gising na nandito na tayo) nagising nalang ako sa paggising ni mama sakin.
Bumaba na ako ng kotse at tinulungan si mama na ibaba ang mga bagahe.
Malaki naman ang bahay maaliwalas at hindi masakit ang sa mata ang kulay ng pintura ang ginamit. Pale caramel ang kulay kaya light lang. Pero mas masaya kapag kompleto ang pamilya mong makakasama. My tears are starting to fall again. Naalala ko na naman yung day na iniwan kami ni dad. Mabuti nalang at may dala akong panyo kaya napunasan ko agad. Sana di napansin ni mama.
10 years na ang lumipas pero affected parin kami ni mama hanggang ngayon.
iniwan kami ni papa para sumama sa ibang babae. Sa ibang pamilya.Inakyat ko na ang mga bagahe ko sa kwarto ko.
Bigla nalang akong napatigil nang mahawakan ko ang picture frame. Kaming tatlo ni papa at mama. masaya. nakangiti. Kompleto.

BINABASA MO ANG
PAASA KA (dad where are u)
RandomLove life vs Family. Ano ang mas gugustuhin mong unang makumpleto?