"Ma'am, sir...
Ma'am, sir...
New product po namin, baka magustuhan niyo po...
Couple ring po siya Ma'am Sir, made in Italy po. Hindi po siya nagtatarnish kaya siguradong long lasting po gaya ng pagmamahalan ninyo.
Bili na po very affordable po siya Ma'am, Sir kaya best value po talaga for your money."
...pagbibida ng isang matabil na saleslady mula sa isang nilalangaw na jewelry shop.
Hindi ko alam kung sadya bang inaasar ako ng tadhana o talagang dinala lang ako ng aking mga paa sa harap ng stall na ito.
Hindi naman sa nagpapakamanang pero sadyang nakokornihan lang ako sa mga couple keme keme na 'yan.
Couple shirts, couple necklace, couple bracelets, couple caps, ...at marami pang iba. Kulang na ngalang couple underwear, e.
Pero isa lang ang alam ko: gusto kong silaban sa naglalagablab na apoy ang mga ganyang bagay.
"Dami mong alam, maligo nga lang hindi."
Bulong ko pa saking sarili kasabay ng aking paglakad papalayo sa nakakairita na tindahan.
"Ilang magkasintahan naman kaya ang mauuto ng babaeng 'yun? Well, there's no way it's the best value for money. Susunugin din nila ang mga basurang 'yun once magbreak sila." Sambit ko pa.
Para makawala sa inis, nag earphones na lamang ako at pinindot ang shuffle play button sa ibaba ng pangalan ni Mariah Carey.
"You and I must make a pact. We must bring salvation back. Where there is love... I'll be there."
Letchugas.
Gusto ba talaga akong inisin ng tadhana?
Super love ko si Mariah. Pero may mga kanta lang talaga na nakakapag-paalala satin sa mga tao, bagay, HAYOP, o pangyayari na kung minsan ay hindi na nating gustong balikan.
'Yung tipong first line palang ng kanta gusto mo nang i-next.
Kasi masakit.
Kasi tinitiris nito ang puso mo.
Dahil sa tuwing mapapakinggan mo ito, naaalala mo 'yung taong nanakit at nanloko sa'yo.
Well, I don't want to delete it, tho. For some reasons... Basta!
It is funny how songs can attach themselves to a certain memory, person, or event. May pagka "Joiners" din sila, ano?
"Sorry, Mariah pero hindi ikaw ang choice ko ngayon. Shut up ka muna sa pouch ko, K?"
Sinilid ko na lamang ang phone at earphones sa shoulder bag kong dala para makapamili na ako sa department store.
"Well, this is it. Balik alindog project. Lol." Pagbibiro ko pa saking sarili habang tinutulak ang cart na ginagamit ko sa pamimili.
Before anything else, dumiretso muna ako sa cosmetics lane. Well, it doesn't mean na alipin ako ng makeup. Unti unti na kasing nauupos ang lipstick kong isang taon at kalahati na yata ang tanda. Kailangan ko nang bumili ng bago.
Hindi naman kasi ako mahilig magkolorete sa mukha. Pulbo lang, at konting kagat sa labi, choks na! Hindi sa pagmamayabang ngunit malayo naman ako sa pagiging baluga.
Pagkatapos mamili ng mga pampaganda, agad akong dumiretso sa snacks and beverage section.
Marami pa naman akong supply ng pagkain sa bahay pero kailangan kong mamili para sa solo flight trip ko bukas.
Yes, solo flight. Sanay naman akong mag-isa. Ano pa bang bago?
Tangan tangan ang noo'y mabigat na na shopping cart, naghanap ako ng linya na hindi kataasan ang pila.
"Ayun! Cashier 7!" Sambit ko noong nakakita ako ng maikling pila.
Nasa harap ko noon ang isang ginang na namili para sa kanyang mga apo. Marami-rami din ang pinamili niya dahil sa katunayan, dalawang shopping cart ang napuno niya.
Pero worth it din naman ang paghihintay dahil pagkatapos niya ay ako na.
Maya maya pa...
"Ay Nanay, wait lang po, ha. Ipapa validate ko pa po sa supervisor namin 'yung senior citizen card ninyo. For a moment lang po, Ma'am."
Ugh, tila nagsimulang bumagal ang aking mundo. Lalo na nung masaksihan ko ang mabilis na pag-usad ng mga customer sa mga kalapit kong cashier lanes.
"Tsk tsk, pasensya, Mary, pasensya. Ngayon ka pa ba lilipat na ikaw na ang kasunod?" Bulong ko sa sarili.
"Ok na po, Ma'am. I received six thousand pesos and ito na po ang change ninyo, five hundred forty two pesos. Thank you Ma'am come again."
Tila nabunutan ako ng tinik noong narinig ko ang mga salitang iyon mula sa cashier.
"Sa wakas, it's my turn." Sabay tulak ng mabigat kong shopping cart papalapit sa cashier.
Akala ko OK na ang lahat pero...
"Ay. Sorry po Ma'am pero Senior Citizen's lane po ito. Pumila nalang po sila sa karatig na cashier. Thank you po."
BOOM!
Naglaho ang lahat ng ilusyon...
Sa sobra kong pagmamadali, hindi ko napansing pang tanders na pala ang linya kong pinilahan.
Nautal ako in a flash at pikit mata akong nakiraan sa mga lolang nakasunod sa akin.
Buhay nga naman... "Naghintay na nga ako ng pagkatagal-tagal, napahiya pa ako. Tsk! Ang tanga ko naman kasi!" Sisi ko pa sa aking sarili.
Na-prove ko for the nth time na hindi talaga mabuti 'yung minamadali ang mga bagay bagay; masasaktan ka lang. Pambihira, di na ko natuto.
Matapos ang another 30 minutes ng paghihintay, finally, nakapagbayad na rin ako sa cashier. Agad akong lumabas sa shopping mall at naghintay ng taksing masasakyan pauwi.
"Kuya sa Victoneta Avenue lang po ako. Salamat."
Habang nagpapasulyap sulyap sa bintana, napag-isipan ko ang lahat ng kamalasang nangyari sakin ngayong araw.
"Tsk, babawi ka bukas, Mary, babawi ka." Sambit ko pa.
BINABASA MO ANG
Monotone
Romance"It is funny how songs can attach themselves to a certain memory, person, or event."