Unang Bahagi:

17 0 0
                                    


Ikaunang Bahagi: Ang Taong Grasa.

Isang gabi may pitong mga kalalakihan ang namatay sa Kalye 27, di malaman kung sino ang salarin sa pagpatay, yung isa sa kanila ay may hawak na baril na bangkay na nakahandusay at may butas sa lalamunan ng bakal na tila parang stainless na aluminum na hugis bituin, at yung ibang mga bigtima ay bali-bali ang mga boto na parang halimaw ang gumawa, ang ibang mga buto ng bangkay ay lumalabas na sa kanilang mga balat at duguan pa, dinala ng mga pulis sa NBI ang mga bangkay upang ipa-autopsy, nakita sa examine na ang bakal ay yari sa delata ng Ma Ling, wala lang ngang bakas ng finger prints ang bakal.

Lumipas ang dalawang linggo at apat na araw, meron na naman na napatay na tatlong kalalakihan, yung isa sa kanila ay may hawak na balisong na nakahandusay at bagok ang ulo, bali-bali naman ang mga buto ng iba tulad din sa mga naunang pagpatay na lumabas na iyon sa kanilang mga balat at duguan, patuloy na nag-imbistiga ang mga Pulis, natuklasan ng isang undercover na may isang taong grasa na tumatambay sa lugar na yun sa tuwing sasapit ang alas singko y medya ng hapon hanggang sa mag gabi.

Minanmanan ng under cover ang taong grasa, ngunit umabot ang tatlong araw sa pagbabantay hanggang ito ay hindi na niya nakita, ngunit nagpatuloy sa pag imbistiga ang under cover na si Hector upang alamin kung sino ba talaga ang taong grasa at ano ang kaugnayan niya sa mga naganap na pagpatay nung mga nakaraang linggo, nagtanong tanong si Hector sa mga tao kung may nakakakilala ba sa taong grasa, bago lang daw yun sa lugar na yun at ang panghe daw, amoy ihi, hanggang sa isang tao ang kanyang tinanong ang nagpakilala na kaibigan ng taong grasa, si Leonard inimbitahan niya si Hector sa kanyang bahay.

Leonard: kaya kami magkasundo niyan kasi nga pareho halos ang pangalan namin ni Lando, kilala ko siya simula nung maliit pa lang kami.

Hector: Pwede ba kita tanungin kung ano ang mga nalalaman mo tungkol kay Lando?

Leonard: Sige mamaya pag-uusapan na lang natin, meron pala akong inihanda na Ma Ling at itlog, mag-agahan muna tayo at magkape alam ko di ka pa kumakain.

Hector: Nag-abala ka pa, salamat.

Matapos kumain ang dalawa ay muling tinanong ni Hector kung ano ang nalalaman ni Leonard tungkol kay Lando.

Leonard : Si Lando isang masayahing tao yan nung hindi pa siya iniiwan ng kanyang live in na si Elsa.

Hector: Alam mo ba kung nasaan na si Elsa?

Leonard: Wala na akong balita sa kanya simula nung magkahiwalay sila.

Hector: Pano naman kayo nagkakilala ni Lando?

Leonard: maliit pa lang kami nung makita ni Papa na sinasabong sa away ng kanyang step father at tamang-tama gusto ako i-training ng Martial Arts ng Papa, kaya pareho kaming tinuruan ng combat killing para meron ako na magaling na sparring partner na bihasa sa tunay na laban, makalipas ang panahon napatay niya na ang kanyang step father dahil sa pagmamalupit sa kanya gamit lang ang kanyang mga kamay, sa mga nangyari ay nalungkot ang ina ni Lando kaya nagpatiwakal ito, itinuring na rin ng Papa na tunay na anak si Lando, nagkahiwalay lang kami nung pinababalik na ako ng aking ina sa ibang bansa at namatay na ang Papa dito sa Pilipinas.

Hector: kailan kayo huling nagkita ni Lando?

Leonard: Nung mga lumipas na araw lang, siguro mga limang araw. 

Hinanap ni Hector ang taong grasa ngunit hindi niya na ito nakita, hanggang sa ilang gabi pa ay meron na namang namatay na dalawang kalalakihan, yung isa tuhog ng barbeque stick sa leeg na para bang sinaksak niya ang kanyang sariling leeg, at yung isa ay walang galus pero namatay, dinala sa NBI ang dalawang bangkay at ipinaliwanag ni Hector kung ano ang posibleng nangyari sa bigtima.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kalye 27Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon