JC (The Shy Type Boy)
Sabi nila first love never dies. Hindi ko alam kung dapat akong maniwala sa kasabihan na 'yan. Hindi ko pa naman nararanasan ang ma-inlove. Siguro crush pwede pa pero ang love? Ano 'yun? Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaakala at hindi ko kailanman inasahan. Dumating ang isang babae na bumago sa pananaw ko.
Simulan natin sa galit ng mga magulang ko.
"Ano ka ba naman anak. Kailan ka ba magseseryoso sap ag-aaral mo?" sermon na naman sa akin ni Mama. At ako naman, pakikinggan sa kanang tenga at ilabas na lang sa kaliwa.
"Kung hindi ka magtitino at mapataas ang mga grado mo sa eskwelahan, mapipilitan kaming ipalipat ka."
"Saan naman ninyo ako ililipat?" pagproprotesta ko.
"Ipapadala ka namin sa Cavite o kung hindi ay sa Isabela. Doon ka sa mga Tita at Tito mo."
"Cavite? Isabela? Ang layo naman. Ayoko nga."
"Pwes asikasuhin mo ang pag-aaral mo." Iyon lang at iniwan na ako ni Mama sa kwarto.
Well kung nagtataka kayo kung nasaan ako ngayon? Dito ako sa amin sa probinsya. Huwag nyo nang alamin kung anong probinsya. Dito kami nakatira at may mga kamag-anak kami sa Cavite at Isabela. Ayaw ko nga pumunta doon. Malalayo pa ako sa mga kaibigan ko. Mag-aaral na lang akong mabuti kahit pasang awa na dyan basta huwag lang maipatapon sa mga lugar na iyon.
Natapos ang isang buong taon ng klase at naipasa ko naman ang mga grado ko. Pinapunta pa rin ako ng mga magulang ko sa Isabela para magbakasyon. Pumayag naman ako dahil bakasyon lang naman.
Dahil sa pananatili ko doon ay nakakilala din ako ng mga bagong kaibigan na halos kaedad ko rin. Minsan isa sa mga kaibigan ko doon ang nag-yaya sa akin na pumunta sa bahay nila para doon mag-hapunan. Dumating daw ang mga pinsan niya galing Maynila at ipapakilala ako.
"JC, sama ka sa bahay mamaya. Doon ka na maghapunan."
"Bakit anong meron sa inyo?"
"Darating ang mga pinsan ko na taga-Maynila, magbabakasyon din sila dito."
"Sige ba. Magpapaalam lang ako kila Auntie."
"Sige, Daanan na lang kita dito mamaya."
"Sige."
Pagkarating ko sa bahay nila Auntie ay nagpaalam agad ako sa kanila at pinayagan naman ako.
"JC, ito nga pala si Jenny. Jenny, siya si JC bakasyonista din." Pagpapakilala sa akin ni Nilo sa pinsan niya. Maganda siya, maputi, at mahaba at tuwid ang kaniyang buhok.
"Hi JC." Iniabot niya ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman.
"Hi Jenny." Matapos kami magkakilala ay nagkwentuhan na kami. Hindi katulad ng ibang babae na taga-Maynila, si Jenny ay hindi maarte. Kaya naman hindi ko naiwasan na magka-crush sa kaniya.
"Oh Nilo, Jenny, halina kayo dito ng kaibigan ninyo at ng makakain na tayo." Tawag sa amin ng mga magulang ni Nilo.
"Opo Ma. Halika na JC punta na tayo sa hapag." Pagyaya sa amin ni Nilo.
Habang kami ay kumakain, may biglang dumating na babae.
"Oh Jane, nandyan ka na pala. Halika na at kumuha na ng pagkain mo." Sabi sa kaniya ng Mama ni Nilo.
Tinawag siya ng kaibigan ko at ipinakilala ako sa kaniya.
"Jane, si JC bago kong kaibigan. Nagbabakasyon din lang siya dito katulad ninyo." Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya ngunit tinignan lamang niya ako. Kung gaano naman kagaling makipag-kaibigan ni Jenny ay ganun naman ka suplada ang isang ito. Binawi ko na ang kamay ko na kanina ay niaabot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
MDMG Series "First love"
RandomMDMG Series are oneshot stories of each member ng grupo kung saan hindi man nila nahanap ang FOREVER sa LoveLife ay nahanap naman sa isang grupo ang NEVER SURRENDER sa Life kasama ang MDMG Brothers and Sisters. "First Love" (JC the shy type) Nakakil...