Ronan! Ronan!" malakas na tawag ni Rian sa lalaking dumaan sa harap niya.
The guy looked around to find where the mighty yet sweet voice came. Itinaas ni Rian ang dalawang kamay niya para makita ng lalaki na siya ang tumawag dito.
Tumingin ang lalaki sa kanya. Nakakunot ang noo nito.
Wala siyang makitang recognition sa anyo nito.
"Come here, you fool!" Ibinuka niya ang dalawang braso. Nakasenyas siya na gusto niya itong yakapin.
Hesitant itong lumakad patungo sa kanya.
"I miss you!" tili niya nang tuluyan itong makalapit sa kanya. Palundag siyang yumakap dito. Very excited siya na makita itong muli. Naglambitin siya sa leeg nito at hinalikan ito sa magkabilang pisngi.
"Sino ka?" biglang tanong ng lalaki. Halatang clueless ito sa nagaganap na para bang first time niya itong niyakap, hinalikan at nilambing.
"Funny! I know that I'll find you here. I know that you're gonna surprise me. And to let you know, I'm a bit surprised with this melodramatic entrance of yours." Naka-paste na yata sa mga labi niya ang ubod ng tamis na ngiti na iyon.
"Pero Miss - baka nagkakamali ka lang. Hindi naman Ronan ang pangalan ko. Morton ang name ko. M-O-R-T-O-N!"
"What kind of game is this? A spelling game? Your name is spelled R-O-N-A-N!" Sinakyan niya ang gimik nito.
"Look, I'm not in the mood to play games with the tourists here. I really don't know you." Halatang napipikon na ito sa pangungulit niya.
This time, siya naman ang napakunot ang noo. Hindi ganitong mag-react ang kakambal niyang si Ronan sa mga pangungulit niya rito. Kilala niya ito dahil magkarugtong ang mga pusod nila. Fraternal twins sila.
Mula pa sa sinapupunan ng ina nila ay may special bond na sila. They had the same supplier of blood and nutrients while they were inside their mother's womb. Best friend din nila ang isa't isa.
Bakit ngayon ay ganito ang trato nito sa kanya? He seemed so mean. Matatanggap niya pa na pagsungitan siya nito. But this? This thing - denying that he knows her. Unforgivable!
Gusto niyang mapabunghalit ng iyak at tumakbo sa Mommy niya na kasalukuyang naglalakad-lakad sa buhangin habang ineenjoy ang view ng napakalinis na dagat. Tanaw niya ito mula sa kinatatayuan niya.
Pero alam niyang hindi iyon ang tamang behavior. She's a grown-up woman now. At twenty-three, she wants to prove to everyone that she's matured enough to take things the way adults treat them.
"Ronan naman!" Napapadyak na siya kahit hindi niya sinasadya. Nag-aalburoto na ang ulo niya sa inis dito.
Unresponsive ito. Hindi pa rin siya sinusuyo kahit na tumatalsik na ang mga buhangin na inaapakan niya dahil sa patuloy na pagpadyak niya.
Sinalat niya ang noo ng lalaki. Wala naman itong lagnat. Hindi naman ito mukhang malapit ng magkombulsyon. Wait! What if he got an injury on his way here? A head trauma! Nagpapanic na ang utak niya.
"Mukhang kung anu-ano na ang tinatakbo ng isip mo," anito. "Halatang nahulaan nito na kung anu-anong theory na ang binubuo ng brain cells niya. "Look at me. Titigan mo akong mabuti. Hindi ko alam na may kamukha ako. Sa buong buhay ko, ikaw lang ang nagsabi niyan. And worse, napagkamalan mo pang ako mismo ang taong iyon. But with all truthfulness, I swear that I'm not Ronan." His frown deepened.
Tinitigan niya ito gaya ng suhestyon nito.
Nagsimula siya sa mukha nito.
He has the most attractive eyes on earth. Kulay-abuhin iyon. He has the perfectly molded nose. And the lips - always tempting people to kiss him. He has the same handsome face.
Nothing has changed.
Madalas ay naiinggit siya sa kakambal. Almost perfect kasi ang itsura nito, samantalang siya ay kinulang sa biyaya.
Hindi naman siya pangit, hindi rin siya sobrang ganda. Ordinaryo lang ang features ng mukha niya. She may be cute, yes. Pero mukhang hanggang doon na lang iyon.
Ang alam niyang nagdadala lang sa katauhan niya ay ang perfect white set of teeth niya. When she smiles, which she always does, she gains everybody's attention. May nakapagsabi pa nga sa kanya na iyon ang sweetest smile sa buong mundo. Too much of a flattery.
Ang isa pa sa pinagmamalaki niya ay ang gorgeous body niya.
Simula pa noong bata siya ay tinatanong niya na ang Mommy at Daddy niya kung ampon ba siya dahil nagmimistula siyang ugly duckling kapag katabi niya ang mga ito. Hindi naman maiiwasang hindi rin siya maikumpara sa kakambal kahit pa lalaki ito.
Dumako ang tingin niya sa leeg ng kaharap. The tiny mole there is missing, she noticed. Sigurado siya na may nunal ito roon three years ago bago siya nagpunta sa Canada para mag-aral ng Master's Degree niya sa Physical Therapy.
"What happened to your mole, Ronan? Have you undergone surgery to remove them?" patuloy pa rin siya sa pagsipat sa leeg nito. Tila ba kapag ginawa niya iyon ay biglang susulpot muli ang nunal nito.
"This is the last time that I'll be saying this. Don't call me Ronan because I'm not that person." Nakasimangot na ito. Halatang bad trip na sa pagpipilit niya.
Pinilig-pilig niya ang ulo niya para makapag-isip siya ng matino. Ipinikit niya rin ang mga mata para maging tuwid ang nagsisimula ng mawindang na pag-iisip niya.
Hindi naman tama na dahil lang sa nunal na nawawala rito ay maniwala na siya sa sinasabi nito na ibang tao ito.
Dumilat siya.
Sa pagkakataong iyon, may mga nakita na siyang kakaiba sa lalaking kaharap. Mas dark ang kulay nito kaysa sa kakambal niya.
But of course, nasa beach sila kaya natural iyon. Iyon ang pilit niyang pinangangatwiranan.
Hindi pa rin siya ganoon kakumbinsido sa nakikita niya. There's one more thing left which will serve as a strong evidence.
Bago pa nakapag-react ang lalaki, nakaluhod na siya sa harap nito.
"Hey!" Nagulat ito sa ginawa niya. Akmang hahawakan siya nito sa mga bisig niya para itayo siyang muli.
Iniiwas niya rito ang mga kamay niya.
"Just let me take a glance here." Tinuro niya ang right lower part ng tiyan nito.
Luminga ito sa paligid. Waring hiyang-hiya ito na may babaeng nakaluhod sa harap nito. Kapag nga naman may nakakita sa kanila ay baka isipin na may ginagawa silang kahalayan doon.
Habang abala ang lalaki sa paglinga sa paligid, nakagawa ng paraan ang kamay niya para bahagyang mahatak pababa ang shorts na suot nito. Itinaas niya rin ang white sando nito. Halos idikit niya na ang mukha sa tiyan nito para masuri iyong mabuti.
"Shit! What are you doing?" naeeskandalong pahayag nito nang maramdaman ang ginawa niya.
She remained quiet. Nanatili siya sa posisyon niyang nakaluhod sa harap nito. Hindi niya na napansin ang reaksyon ng lalaki. Startled siya sa nakita niya. It's not that she's shocked to see his well-toned abdomen.
Ang ikinagulat niya ay ang katotohanang wala ang scar nito sa tiyan. Sigurado siyang may mga bakas ng operasyon sa kanang bahagi ng tiyan nito. Nag-undergo ito ng major operation four years ago dahil sa ruptured appendicitis nito.
And now, the signs of the surgery are all gone.
"Morton, what's happening here? Anong kalaswaan itong ginagawa ninyo?" That voice brought Rian back to earth.
Isang humahangos na babae ang nahagip ng paningin niya. Palapit ito sa kanila.
On an impulse, nagmamadaling ibinaba ng lalaki ang laylayan ng sando nito na nakalilis at inayos ang shorts na bahagyang nakababa.
Natakpan ni Rian ang bibig niya nang ma-realize niya ang impact ng ginawa niya. Kahit sinong makakita sa kanila, iisipin na may ginagawa silang kalaswaan. Isang babaeng naka-two-piece swimsuit, nakaluhod sa harap ng isang lalaking wala sa ayos ang pagkakasuot ng mga damit. Perfect! Perfect view of censored scene.
"Lyka, this is not what you think. Allow me to explain, please," ani ng lalaki sa babaeng lumapit sa kanila.
"Ano ang kailangan kong isipin ha? Malinaw naman ang nakita ko. At dito ninyo pa talaga ginawa. Of all places, dito pa sa maraming tao at sa katirikan pa ng araw." Galit na galit ito, halata niya iyon. Sumisigaw na ito.
Pinagtitinginan na sila ng ibang tao roon. Tila nanonood ng makapigil-hiningang eksena sa pelikula ang mga ito.
"It's a misunderstanding. Wala talaga kaming ginagawang kakaiba, believe me," pagsusumamo rito ng lalaki.
Muling nagsalita ang babaeng tinawag nitong 'Lyka.' This time ay umiiyak na ang babae. "How could you do this to me? Malapit na ang kasal natin tapos malalaman ko lang na pinagtataksilan mo pala ako. Nakita pa ng sariling mga mata ko. Alam mo ba kung gaano kasakit ito sa akin?"
Hindi na siya nakatiis na hindi sumingit. "Excuse me, did I hear it right? Pinangakuan mo ng kasal ang babaeng ito samantalang kasal ka kay Shiela? Namamangka ka sa dalawang ilog?" Humalukipkip siya sa inis. "I can't believe this! Nahihirapan ang asawa mo sa paglilihi samantalang ikaw ay nandito at nambababae."
Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit nagdedeny ang lalaki na kilala siya nito. May itinatago pala itong kalaguyo. Marahil ay ayaw nitong mangyari ang sandaling iyon - na magkakaroon ng komprontasyon at malalaman niya ang baho nito. Or vice versa. Ayaw din nito na malaman ng babae nito na may asawa na ito.
Malamang na iyon din ang dahilan kaya nagawan nito ng paraan na maitago ang scar nito sa tiyan at ang nunal nito sa leeg. Kung paano nito ginawa iyon, wala na siyang pakialam. Well-planned ang palabas nito.
Now, she's starting to doubt kung talaga ngang nagpunta ito sa Palawan para sundan sila ng Mommy nila o baka purely coincidence lang ang pagkikita nila roon.
Natatandaan niyang hindi niya nga pala sinabi sa kakambal kung saan sila magbabakasyon ng Mommy niya. Kadarating niya lang kasi galing sa Canada.
Pag-uwi niya sa mansyon nila sa Dasmarinas Village sa Makati, niyakag niya agad ang ina na magpunta sa beach. Hindi nakasama si Ronan dahil busy daw ito sa trabaho. Tinawagan niya lang ito dahil nakabukod na ito ng bahay.
Hindi pa sila ulit nagkita nito makalipas ang tatlong taon nilang pagkakahiwalay. Kahit sa kasal nito noong nakaraang taon ay hindi siya nakauwi dahil busy na siya sa dissertation niya para sa Master's Degree niya. Kahit ngayong buntis na ang asawa nito ay hindi niya pa rin ito nadadalaw man lang.
For years, they just kept in touch through emails and phone calls. Now, it's a puzzle for her. Posible bang sa panahong iyon ay nagbago na ito nang hindi niya namamalayan? Naging tuluyan na ba itong babaero at manloloko?
"Bukod sa babaeng ito ay may asawa ka pa pala? Hindi ko akalaing babaero ka. Akala ko ay kilalang-kilala na kita. Nagkamali pala ako," patuloy na pang-uusig ni Lyka sa lalaki. Tuluy-tuloy pa rin ang pagbalong ng luha mula sa mga mata nito.
So, napagkamalan talaga nito na may relasyon sila at wala itong alam sa tunay na ugnayan nila ng lalaki. Hindi pala nito pinagtapat na kambal sila. Sabagay, hindi naman halatang kambal sila. Iyon ang madalas na komento ng mga tao sa paligid nila.
"Oo, may asawa na siya. Hindi niya pala sinabi sa iyo?" Maagap siyang sumagot bago pa maibuka ng lalaki ang bibig nito.
Hindi niya matotolerate ang ganitong behavior ng kapatid. Kahit pa magalit ito sa kanya ay hindi niya babawiin ang sinabi niya. Hindi niya rin pinaliwanag kay Lyka na magkapatid sila at wala silang ginagawang kalaswaan nang mahuli siya nitong nakaluhod sa harap ng lalaki.
Bahala na ito sa gusto nitong isipin. Mas mainam nga kung patuloy itong maniniwala na karelasyon din siya ng lalaki. Tiyak na mas gugustuhin nitong hiwalayan agad ang manloloko at babaerong kasintahan nito.
"Malandi ka rin pala." Bumaling sa kanya si Lyka. "Mas matindi ka sa akin. Ako kasi, hindi ko alam na may asawa siya. Ikaw, alam mo na pero nilandi mo pa rin siya."
Nagkibit-balikat lang siya sa paratang nito. Alam niya naman sa sarili niya na hindi totoo iyon kaya hindi siya dapat magpaapekto. Baka kapag sinabi niya rito na magkapatid sila ng lalaki ay mamatay ito sa tindi ng kahihiyan.
"Miss, I don't want to be rude but please get out of my sight. You're ruining my life," singit ng lalaki sa usapan nila. Siya ang pinatutungkulan nito. Nasapo nito ang ulo. "Damn, you're giving me a headache."
"Ikaw ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa sarili mo. Nananahimik ang buhay mo, naisipan mo pang magloko," matapang na usig niya rito.
"Hindi nga ako ang Ronan na iyon. Ikaw ang pinakamakulit na taong nakilala ko. Kailan mo ba ititigil ito?" May diin na ang bawat bitaw nito ng salita.
"Really? May multiple personality ka ba? Ngayon, ikaw si Morton. Bukas, ano naman ang pangalan mo?" sarcastic na sarcastic ang dating niya.
Naramdaman yata ni Lyka na naiitsa-pwera ito kaya nag-butt in ito. "Bago ako tuluyang ma-out of place sa batuhan ninyo ng salita diyan, let me give my final words."
Sabay silang napatingin dito.
Halatang worried ang lalaki sa sasabihin nito samantalang siya ay excited nang marinig ang sasabihin ni Lyka. She's anticipating a break-up line from her. Isang panalong break-up line.
"I hate you! I'll never forgive you!" sigaw nito sa pagmumukha ng lalaki. Kasunod niyon ay isang napakalakas na sampal ang iginawad nito sa lalaki.
Then she tilted her chin up and made a not-so-graceful exit.
Ganoong kaiksi lang ang sinabi ng babae. Hindi iyon ang ineexpect ni Rian. Masyadong common ang linya nito. Napanood niya na iyon sa mga movie. Parang scripted. Halos umasim ang mukha niya dahil sa kawalan nito ng originality.
Inaasahan niyang magtatatalak ito ng walang katapusan at manunumbat ng dire-diretso. And the slap? Very predictable!
Pero kung tutuusin, medyo satisfied na rin siya sa sinabi at ginawa nito. At least, nasa tamang pag-iisip pa rin ito. Tinapos nito ang isang bawal na relasyon.
"Masaya ka na ngayon?" tanong ng lalaki habang sinusundan pa rin nito ng tingin ang babaeng nanampal dito. Alam niyang siya ang kausap nito, wala ng iba.
Hindi siya kumibo.
"What do you really want from me? Let me guess. You're here to find a partner for one-night stand," patuloy ito sa pagsasalita.
Nanlaki ang mata niya sa narinig mula rito. Hindi na tama ang sinasabi nito, nambibintang na ito. Alam niyang nasira niya ang diskarte nito pero hindi naman tama na pagsabihan siya nito ng ganoon. Nakaka-degrade ng pagkatao ang mga ganoong komento.
"Gusto mong 'yung kabilang pisngi mo naman ang makatikim ng sampal, Ronan-slash-Morton?" nanggigigil na hamon niya rito.
Sa pagkakatanda niya ay ngayon lang sila nagkaroon ng seryosong bangayan ng kapatid. Lagi silang magkasundo sa halos lahat ng bagay.
"Then do it," sagot nito. "If you're doing this to get my attention, you win. I can join you in bed. Payag akong makipag-one night stand sa iyo basta tigilan mo lang ako matapos kong ibigay ang gusto mo." Ayaw pa rin nitong tumigil sa pagpapainit ng ulo niya.
"Bastos ka! Pati ako, ginaganyan mo -" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil hinawakan siya nito ng mariin sa magkabilang balikat niya kasabay ng paglapit ng bibig nito sa mga labi niya.
Nanigas ang buong katawan niya nang marahas siyang halikan nito. Pakiramdam niya ay pwede na siyang isemento at hayaang tuluyang maging rebulto sa kinatatayuan niya. Hindi siya nakapanlaban dahil sa pagkabigla.
It's her very first kiss. No, not really, technically. Marami na ring nakahalik sa kanya. Pero lahat iyon ay dampi lang. May conservative side siya kaya hindi siya pumapayag sa mas malalim na halik. But this one, for heaven's sake! It's a French kiss. At mula pa sa taong kadugo niya. It's incest.
Bago pa siya makaipon ng lakas para maitulak ang lalaki, kusa na siyang binitiwan nito. Ngumisi pa ito bago siya tinalikuran. Ngising nang-uuyam.
Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nakatingin pa rin sa kanya ang mga tao. Hiyang-hiya siya sa nasaksihan ng mga ito. Lumalabas na siya ang talunan sa sinimulan niyang eksena.
Ang isa sa unang concern niya ay ang Mommy niya na nasa di-kalayuan. Baka nakita nito ang nangyari. Baka himatayin ito sa nakita.
Napanatag lang siya ng bahagya nang makita niyang abala ito sa pakikipag-usap sa isang dayuhan doon. Mukhang wala itong ideya sa nangyari. She released an exasperated sigh.

BINABASA MO ANG
SWITCHING HOMES, FINDING LOVE
General FictionBy Angelu Via (anrols) This story was published by Lifebooks. Rian had almost everything in life - a mansion, best education and a very loving family. Nasira lang ang 'nearly perfect' na buhay niya nang makagawa siya ng isang pagkakamali. Nagkamali...