"Would you mind if I join you?" Kasalukuyang nagsa-sun bathing si Rian nang marinig niya ang British accent na iyon.
Tinanggal niya ang sunglasses niya at tinitigan ang taong nasa harap niya.
The blue-eyed man smiled at her.
Sigurado siyang isa ito sa mga turista na pansamantalang nakatira sa isa sa mga cottage nila. Madalas niya itong makita at makasalubong.
"Sure." She smiled back.
Mukha namang harmless ang lalaki. Kung balak nitong makipagkaibigan, pauunlakan niya ito. Marami rin naman siyang mga kaibigan na ibang lahi. May mga naging kaklase rin siya na British mula sa school niya sa Canada.
Umupo ang lalaki sa tabi niya. "Do you live here?" tanong nito.
"Yeah. Where were you from?" balik-tanong niya rito.
"From England by birth. But I live now in Ireland."
Napatangu-tango siya. "I'm Rian. And you are -"
"Ben." He smiled again. "You see, I'm alone. I didn't bring any companion. Can you be a friend of mine while I am here?"
"Of course. I don't have a friend here either." Nagkibit-balikat siya.
"Really? But why?" He stared at her.
Oh my, weakness niya pa naman ang blue eyes. Sa pagkakatingin niya sa mga mata nito, para na rin siyang nakatingin sa deep blue sea. He really looked handsome and friendly. Sa tingin niya ay hindi sila nagkakalayo ng edad nito.
"Well, it's a long story. I'm afraid I might bore you to death." She forced a smile.
"Then try my listening skills," hamon nito sa kanya.
Sabagay, why not give it a try? Tutal ay mahigit isang buwan na siyang walang mapagsabihan ng mga frustrations, hinanakit at negative feelings niya. She really felt alone. And now, there's a total stranger willing to lend his ears for her.
Bumuka ang bibig niya para magkwento rito. Wala na siyang inhibitions. Sinimulan niya sa paglalahad ng nangyaring pagkakapalit nila ni Morton sa ospital.
"That's highly improbable in real life," naibulalas nito nang marinig ang kwento niya. "That thing is a common plot in soap operas but I couldn't believe it can be in a real life situation."
"So do I," pagsang-ayon niya rito.
Napailing ito bilang pakikisimpatiya sa kanya.
Kinuwento niya rin dito ang nangyari sa kanila ni Morton sa bangka. Hindi niya alam kung bakit inopen up niya sa isang bagong kakilala ang lahat ng impormasyong iyon. Siguro ay dahil sabik lang talaga siya sa kausap.
Ben looked at her with a sympathy. She could clearly see that. Hindi ito nagpaka-judgmental nang sabihin niya ang intimate experience niya with Morton. Of course, she's somehow expecting that. Pangkaraniwan na sa tulad nito ang ganoong topic.
Pati ang tungkol sa cold treatment sa kanya ng tunay na ama ay inilahad niya rin dito.
"So how do you deal with those conflicts?" He decided to ask.
"I don't know. Maybe, I just ignore them. But I think, I was overeating these past few days. You know - a way of coping. A defense mechanism."
"You're lucky. I don't see any flab in your body." Sinuri nito ng tingin ang katawan niya. Hindi nakakabastos ang paraan ng pagtingin nito. It's more like observing.
"You can't see this?" Tinapik niya ang tiyan na unti-unti nang nagkakaroon ng fat deposits dahil sa kakalamon niya. Hindi iyon masyadong exposed dahil naka-tube top siya.
"That's not a big problem. If you want, I can give you a cosmetic minor procedure - a liposuction."
"Talaga?" naibulalas niya. Nawala sa loob niyang hindi nga pala nakakaintindi ng Tagalog ang kausap niya. "I mean, really? Are you a doctor?"
Tumango ito. "A resident doctor in cosmetic surgery in Ireland."
"That's great! You're really my angel. One of my problems will soon end. Please remove this ugly thing inside me as soon as you can." Hinimas niya ang tiyan niya.
"I will. I'd be glad to help you out."
"Big thanks. This must be removed before other people notice this creepy thing growing inside me," she replied.
Tuwang-tuwa siya sa new-found friend niya. Ben was really nice. Though hindi naman siya super serious sa balak na magpa-liposuction, natutuwa pa rin siya na nagkaroon siya ng interesting conversation sa isang tao na mukhang naiintindihan ang pinagdadaanan niya.Damn! Hindi ko mapapayagan ang masamang balak mo, Rian. Nakatiim ang bagang at nakakuyom ang kamao ni Morton.
Hindi niya akalaing ganito ang dadatnan niya pagdating niya sa Palawan. Excited pa naman siya habang sakay ng eroplano pauwi. Naexcite siya sa ideyang magkakaanak na siya. Oo, naroon ang kaba at hesitation kung handa na ba talaga siya sa responsibilidad. Ngunit mas nangibabaw pa rin ang excitement.
Ngunit ano itong inabutan niya? Muntik pa pala siyang mahuli ng dating.
Kanina ay nakita niyang may kausap na foreigner si Rian. Halatang masaya ang babae habang kasama ang lalaking iyon. Kahit nginangatngat ng selos ang dibdib niya, hindi siya lumapit at nakialam sa usapan ng dalawa.
Kaya lang, masyado nang matagal ang pag-uusap ng mga ito at masyado ng magkadikit ang mga ito. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga ito mula sa pagkakaupo sa buhanginan.
That made him decide to eavesdrop on them. Kailangang malaman niya kung ano na ang tinatakbo ng usapan ng dalawa at tila ayaw ng maghiwalay ng mga ito.
Hindi niya akalaing paglapit niya ay maririnig niya ang maitim na balak ng mga ito. Iyon pala ang pinagpaplanuhan ng mga ito. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang meaning ng usapan ng dalawa.
Malinaw niyang narinig ang sinabi ni Rian sa lalaki. This must be removed before other people notice this creepy thing growing inside me.
Kitang-kita niya na sapo ng babae ang tiyan nito kaya sigurado siyang ang pinagbubuntis nito ang tinutukoy nito.
At ang lakas pa ng loob nitong tawagin na creepy ang sanggol sa sinapupunan nito. Para sa kanya, ang maituturing na creepy ay ang balak nitong gawin sa isang walang kamuwang-muwang na munting anghel.
Hindi niya batid kung ano ang detalyadong plano ng dalawa dahil ang bandang huli na lang ng usapan ng mga ito ang napakinggan niya. Ngunit isa lang ang sigurado niya. Kailangang mapigilan niya ang babae sa nais nitong gawin.
Hindi niya na napigilang hindi magpakita sa dalawa. He appeared right in front of them.
Halatang nagulat si Rian nang makita siya. Hindi agad ito nakapagsalita.
Nang makabawi ito sa pagkabigla ay binuka nito ang bibig. Pinakilala nito ang kasama sa kanya. "Morton, this is Ben. Ben, he's Morton."
Hindi niya pinansin ang nakangiting pag-acknowledge sa kanya ng dayuhan na Ben ang pangalan.
"Halika na, Rian. May kailangan tayong pag-usapan." Hinawakan niya ito sa kaliwang braso nito para maitayo.
"Wait! Ano ba ang problema? Hindi ba pwedeng mamaya na iyan? Kita mo namang may kausap pa ako rito," tutol nito.
"Pag-usapan natin ito bago tuluyang malason ng lalaking iyan ang isip mo. Look, alam ko naguguluhan ka sa sitwasyon mo ngayon. Pero please naman, mag-isip kang mabuti. Alam mo naman ang tama at mali."
"What are you talking about?" Nakakunot na ang noo ng babae. Tila wala itong ideya sa pinagsasasabi niya.
Si Ben ay mas mukhang confused. Bukod sa hindi nito naiintindihan ang lenggwahe nila, mukhang nagtataka ito kung bakit mukha siyang galit.
"Wag ka ng magdeny. Alam ko naman ang binabalak mo. Gusto ko lang malaman mo na hindi ko mapapayagang magtagumpay ka sa balak mo. Kahit isumbong pa kita kina Mommy at Daddy, gagawin ko." Namumula ang mukha niya, alam niya iyon. Kung kanina ay pinipilit niya ang sarili na magpakahinahon, ngayon ay nahihirapan na siyang gawin iyon. Idagdag pa ang init ng araw kaya lalong umiinit ang ulo niya.
"Morton, hindi talaga kita maintindihan. At ano ba ang ginagawa mo rito? Alam ba ni Tatay na narito ka?"
"Huwag mong ibahin ang usapan. Hindi ako natutuwa sa iyo." Pinukol niya ito ng masamang tingin pagkatapos ay si Ben naman ang tinitigan niya. Isang titig na nanghahamon.
"Halika na, sumama ka sa akin." Hinila niya ito patayo.
She made a pull against his force. Nagpabigat ito para hindi niya tuluyang mahilang patayo.
"I warn you, bubuhatin kita kapag hindi ka sumama sa akin ng maayos."
"Ayokong sumama sa iyo. Mainit ang ulo mo, wala tayong mapapag-usapang maayos. At saka may kausap pa nga ako dito. Can't you see that?" patuloy na pagmamatigas nito.
Napipikon na siya sa katigasan ng ulo nito. Yumuko siya. Hinawakan niya ito sa balakang at walang sabi-sabing binuhat. Hindi romantic style na pagbuhat ang ginawa niya rito. Pa-bruskong paraan ang ginawa niya. Pinasan niya ito sa balikat niya na tila may dala siyang isang sakong bigas. Ang ulo ng babae ay naka-hang pabaliktad sa likod niya.
"Ibaba mo nga ako." Naramdaman niyang nanggigigil na sinusuntok nito ang likod niya.
He seemed deaf. Dire-diretso siyang lumakad palayo sa Ben na iyon.
Kung hindi lang siya galit, baka natawa na siya sa ekspresyon ng mukha ng foreigner na iyon. Natulala iyon at bahagya pang nag-give way para tuluyan niyang mailayo roon si Rian. Parang naging bahag ang buntot nito dahil sa pinakita niyang kagaspangan.
Nang malapit na sila sa bahay ay pinakawalan niya na si Rian. Naalala niyang buntis nga pala ito at baka makasama rito ang paraan ng pagbuhat niya.
Hinihingal sa galit ang babae nang harapin siya. "Anong palabas ito, ha, Morton?"
"Bad influence ang lalaking kasama mo. Iyon lang naman ang dahilan ko kaya kita inilayo sa kanya." He tried to explain his side.
"Ano ka? Mind reader? Fortune teller? O gawain mo lang talagang magjudge ng ibang tao ng wala namang matibay na basehan?"
Hindi niya malaman kung paano niya sasabihin sa babae na alam niyang buntis na ito at may plano itong magpa-abort.
"Kung may problema ka, please naman sabihin mo sa akin. Don't make drastic moves. Baka pagsisihan mo sa bandang huli." Bahagya niyang ibinaba ang tono ng boses.
"Why do you have to pretend to be nice? Why do you have to pretend that you care? Alam mo, sana hindi na lang tayo nagkakilala. Sana ay hindi na lang tayo nagpalit ng bahay at ng buhay. I hate it here. I hate my life now." He heard her grit her teeth.
Lumungkot ang mukha niya sa narinig mula rito. Akala niya pa naman ay masaya ito kahit paano sa pagpapalit nila ng buhay.
Kung siya kasi ang tatanungin, mas gusto niya ang tahimik na buhay na nakasanayan niya rito kaysa sa buhay niya ngayon. Bakit hindi nito maappreciate ang mga bagay na naaappreciate niya?
"I think, wala ngang patutunguhan ang usapan natin ngayon." Morton sighed.
"Wala talaga! I'm tired of this. Kaya 'wag kayong magulat kung isang araw ay lumayas na ako dito at hindi ninyo na makita habambuhay."
"Iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Mag-aalala sa iyo ang Tatay."
"He won't. Matutuwa pa iyon kapag nawala ako rito. If you only knew how cold-hearted he was. Ramdam na ramdam ko na hindi ako welcome dito at hindi ako welcome sa buhay niya," naiiyak na bulalas nito.
Hindi niya alam na ganoon ang sitwasyon ng babae. Hindi niya alam na hindi nito makasundo ang Tatay nila. Sa pagkakakilala niya sa matanda ay mabait ito at ulirang magulang.
He had the urge to bury her face on his shoulders. To let her cry while securing her inside his arms.
But he did the opposite. He silently turned his back on her. Kailangang makausap niya ang Tatay nila.
BINABASA MO ANG
SWITCHING HOMES, FINDING LOVE
Ficción GeneralBy Angelu Via (anrols) This story was published by Lifebooks. Rian had almost everything in life - a mansion, best education and a very loving family. Nasira lang ang 'nearly perfect' na buhay niya nang makagawa siya ng isang pagkakamali. Nagkamali...