Pagsisisi

18 1 1
                                    

     Pagkalipas ng ilang araw, tumawag ang ama kay Kevin. Pinapapunta sya nito sa bahay. Laking gulat ni Kevin na may iniabot ang ama ng pera (Php. 1,000,000.00) para layuan lang si Nayumi. Ngunit hinding-hindi ito magagawa ni Kevin. Sinabihan sya ng ama na bukas na magpapakasal sina Paulo at Nayumi. Inabot ni Kevin ang pera at umalis na umiiyak.

     Nagplanong kukunin ni Kevin si Nayumi, ngunit may humahadlang sa kanyang plano. Dumating si Marie sa kanyang buhay. Matagal ng may gusto si Marie kay Paulo, ngunit pinipigilan nya ito.

Pagkatapos ng limang araw, nagpasyang umalis at magpakalayo si Kevin sa lugar na iyon. Sumama din ang kanyang matalik na kaibigan na si Mich. Sumali si Kevin sa “Car Racing” upang makalimutan si Nayumi at ang kanilang nakaraan. Umabot kay Nayumi ang baliya na wala na si Kevin at sumali din ito sa “Car Racing”, at bukas na ang kompetisyon.

Ready… Get set….. Go!

*Nagsimula na ang kompetisyon*

     Malapit na sanang makaabot sa finish line si Kevin, ngunit naalala nya si Nayumi. Umiiyak sya at si Nayumi lang ang laman ng puso at isip nya. Wala na syang makitang iba pa, kundi, ang mukha lang ni Nayumi. Hindi sa kalayuan, nagsulpukan ang mga sasakyang kanilang ginamit, at isa na doon ang kay Kevin. Tumilapon ang kanyang sasakyang dinadala at duguan naman si Kevin.  Mabilis na tumakbo si Mich para tulongan ang kanyang matalik na kaibigan. Umiiyak ito parang lumalaban pa para sa pagmamahalan nila ni Nayumi. May ibinulong si Kevin kay Mich at ang sinabi ay, “Pakisabi nalang na… mahal na…. mahal ko… siya,” at binawian na ito ng buhay.  Namatay si Kevin ng hindi man lang nakita kung ano na ang kalagayan ng kanyang minamahal. At ang pinagsisihan nya pa ay yung hindi nya naipaglaban ang pagmamahalan nila ni Nayumi.

     Nakaabot ang balita kay Nayumi na wala na ang kanyang minamahal na si Kevin. Halos mabaliw na ito sa ka-iisip, at ang pinakasakit ay yung hindi sya sumipot sa usapan nila ni Kevin dahil lang sa kagustohan ng kanyang ama. Nagsisi ng sobra si Nayumi kung bakit sinunod nya ang gusto ng kanyang ama, at hindi nya rin nasabi kay Kevin na mahal nya din ito.

“Sundin ang tinitibok ng puso. Huwag magpatalo sa mga probelang dumadating. At sana habang maaga pa, ay ipadama mo na mahal mo din ito, dahil hindi natin alam bukas, makawala-wala na ito.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pakisabi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon