ANG SELOS

1.8K 19 11
                                    

Madami ang nagsasabi sa atin na ang PAGSESELOS ay isang karapatan.. dahil karaniwan na sa atin ang sabihing "Hindi ako dapat magselos dahil WALA AKONG KARAPATAN..".Kadalasan yang sinasabi ng mag-M.U. o Mutual Understanding.. Eh ano nga ba ang PAGSESELOS kung hindi ang iyong DINARAMDAM diba? Ang pagseselos ay hindi KARAPATAN kundi ang iyong NARARAMDAMAN.Kaya wala silang karapatan na sabihan ka nilang wala kang KARAPATANG magselos.

Ako nga pala si Melody. Fourth year highschool student. Member ng choir. Bokalista ng banda. Simple. Hindi naman kagandahan. Average student. Mahilig sa anime.at MADALING MA-FALL sa isang tao... siguro hanggang jan lang muna ang maibabahagi ko sa inyo..hanggang sa MADALING MA-FALL sa isang tao.. dahil ako ay na-fall sa taong unang na-fall sa akin. Ang saya noh? kasi mahal niya ako, at minahal ko rin naman siya... Yung taong yun ay si Jeremy. Haaay..ang sarap talaga sa pakiramdam ng makapagsabi ng "I Love You", "I Miss You" o "Walang Iwanan" sa taong mahal ka..at mahal mo rin. Kaso ngalang parang sa umpisa lang masaya.. Kasi habang tumatagal, parang nawawala na ang mga nararamdaman namin para sa isa't isa.. Dahil lang ba yun sa hindi talaga kami para sa isa't isa o dahil sa mag-M.U. lang kami?

O baka naman dahil sa sinabi ko sa kanya na napamahal narin sa kanya ang bestfriend kong si Julie?

Oo.. Napamahal na sa kanya ang bestfriend ko.. Nalaman ko yun mga ilang buwan lang ang nakakalipas simula nung umamin sa akin si Jeremy na na-fall siya sa akin. Nagulat ako nung inamin niya sa akin yun.. Kung alam ko lang ba naman nung simula pa lang na mahal niya yung taong minahal ko edi sana nagpaubaya nalang ako bago pa humantong sa puntong mahalin ko talaga yung taong yun ng lubusan.. Kaso ngalang..wala na eh,huli na. Panu na? Dahil hindi ko alam ang magiging sagot..lumayo ako kay Jeremy makalipas ang ilang linggong nakaraan matapos sabihin sa akin ni Julie ang tungkol doon. Masakit pala yun no? yung layuan mo ang taong minahal mo rin.. yung taong minahal mo ng lubusan. Pero hindi iyon nagtagal.. tinext ako ni Jeremy makalipas ang tatlong araw at tinanong kung bakit ako lumalayo sa kanya. Wala akong maisip na ibang dahilan kaya sinabi ko na ang totoo.. sinabi ko na sa kanya ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Julie.. At doon nagsimula ang lahat.. Doon ako nagsimula MAGSELOS.

Tuwing nagkaklase kami, lagi akong napapatingin kay Jeremy at madalas ko siyang nakikitang natingin kay Julie.. Ang sakit..sobra. Masakit, kasi nakikita mo ang taong mahal mo na nakatingin sa iba. Samantalang dati sakin lang naman siya nakatingin..nakangiti.. Minsan nga nagagalit nalang ako.. dahil sa sobrang SELOS.. oo.. SELOS na SELOS na ako sa kanila.. Paano ka ba naman hindi magseselos, eh kung sa araw-araw ba naman ng ginawa ng Diyos makikita mo ang taong mahal mo ng nakatingin sa bestfriend mo na napamahal sa taong mahal mo.. kung lagi mo silang makikitang nagkukulitan..nagtatawanan.. kung malalaman mo nalang sa bestfriend mo na tinanong siya ng taong mahal mo na kung bakit siya lumalayo at may kasabay pang pagkagat sa braso ng bestfriend mo.. Diba..MASAKIT?

Minsan, kahit anong tago mo jan sa SAKIT na yan.. balewala rin. Kasi laging pinapangunahan ni SELOS, kaya minsan napapakita mo na yung sakit.. Hindi dahil papansin ka lang, kundi dahil gusto mo lang nilang malaman na NASASAKTAN ka na. Nasasaktan kana dahil nakikita mo silang masyadong sweet.. Nasasaktan ka na dahil sa mga pinag-gagagawa nila... Minsan nga gusto kong tanungin si Jeremy kung may gusto siya kay Julie..kaso nga lang natatakot ako malaman ang katotohanan na..baka nga may gusto siya kay Julie..O baka naman mamaya maguluhan pa siya..at mapilitang sabihing "IKAW PARIN".."IKAW LANG AT WALA NG IBA PA".. Lalo lang akong masasaktan..

Sana pala naging bato nalang ang puso...para kahit gaano kasakit..wala kang mararamdaman..at mananatili paring buo iyon.. dahil ang bato ay matigas...hindi madaling masira..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dati lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi dapat ako magselos..dahil wala akong KARAPATAN..pero napagtanto ko na ang SELOS nga ay hindi isang KARAPATAN kundi isang DINARAMDAM.. Isang dinaramdam na hindi mo kayang itago.. dahil kung mahal mo talaga ang isang tao.. hindi mo matatagalan na hindi maipakita sa kanya ang SELOS na NARARAMDAMAN mo sa tuwing may kasama siyang iba.. nakatingin siya sa iba.. o pag nakikita mo siyang nakikipagkulitan sa taong alam mong may gusto o nagkagusto sa kanya.

-END-

ANG SELOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon