PANAKIP BUTAS LANG PALA

375 4 4
                                    

Ako si Peach, isang simpleng teenager na nangangarap mahalin ng isang lalaking mapagmahal... Mayroon akong bestfriend Luigi ang pangalan nya, sya ung sandalan ko sa bawat problema ko lalo na pag tungkol sa pag.ibig... Sya rin ang sinasabihan ko ng bawat sekreto ko... Sya ang nga.iisa at pinaka mamahal kong bestfriend... Pero habang lumilipas ang panahon, hindi inaasahang nahulog ang loob ko sa kanya,.. Ang bestfriend ko ay minamahal ko ng lihim...:( Hanggang may isang di inaasang pangyayari na nagpabago ng relasyon namin...

"Gah?" gah ang tawag namin sa isa't.isa kahit mag bestfriend lng kmi...

"gah? pwede humingi ng pabor? kng ok lng sayo?" tanong ni Luigi sa akin...

"ano yon gah? kahit ano, ikaw pa, malakas ka sa akin eh" ang sagot ko naman...

"pwede bang magkunwari tayong may relasyon? na parang tayo?"

kilig na kilig ako, sabi ko sa sarili ko ito na ang pagkakataon kong mapakita sa kanya na pwede nya rin akong mahalin ng mas higit pa sa kaibigan...

"oo naman, ikaw pa, kahit ano para sa bestfriend ko, pero? teka diba may gf kapa?"

"wala na kami, wala akong gf ngaun, so payag ka na?"

"hindi ako payag"

"huh? ganoon ba, sige rerespeto ko dcsyon mo:("

":) hindi ako payag kasi payag na payag ako:)"

"talaga? salamat gah ha? the best ka talaga"

Naging masaya ako sa kunwaring relasyon namin... Kahit kunwari lang masaya ako, kasi kahit papano nararamdaman kung mahal nya rin ako... Hanggang isang araw di ko inaasahan ang kanyang rebelasyon sa akin na labis na nagpabago ng buhay ko...

"gah? pwede bang totohanin na lang natin to?" sabi ni Luigi

"anong ibig mong sabihin gah? totohanin ang alin?" patay malisyang tanong ko, pro sa loob.loob ko ay kilig na kilig ako... Ito na ang araw na pinaka hinihintay kong mangyari natupad na ang pangarap ko...

"totohanin na natin, maging tayo na, mahal naman kita, mahal mo rin naman ako diba? masaya naman tayo diba?"

"oo naman mahal kita:) sige bah, payag ako totohanon na natin ito:)"

Naging masaya ang relasyon namin, wala kaming naging problema... Nararamdaman kong mahal nya ako at masaya naman sya sa piling ko... Pero isang araw biglang nagunaw ang mundo ko sa kanyang rebelasyon...

"Peach, alam mo bang nanliligaw ulit si Luigi kay Hannah?" sabi ng pinsan ko sa akin

"huh? nanliligaw? diba matagal na silang wala?

"oo nga pro nililigawan nya ulit ito, diba bestfriend kayo? bakit hindi mo alam?"

"nakalimutan nya lang sigurong sabihin, thanks sa information kuya

Pinipigilan kong pumatak ang luha, kasi ayokong maniwala... Gusto kong malaman mula kay Luigi na hindi totoo ang sinasabi nila... Pinuntahan ko sya upang sa kanya mismo malaman ang katotohanan...

"Igi? totoo bah?" umiiyak na tanong ko sa kanya

"gah, bakit ka umiiyak? anong totoo ang pinagsasabi mo?"

"Igi, totoo ba? totoo bang nililigawan mo ulit si Hannah?"

"magpapaliwanag ako gah"

"oo o hindi lang Igi ang gusto kong sagot!!!" napasigaw na ako

"i'm sorry Peach:("

"so? totoo nga? kailan pa Igi?"

"Peach mahal kita, totoo mahal kita pero..."

"pero ano Igi? pero ano?!!"

"mahal ko pa ri si Hannah, hindi ko sya kayang kalimutan:( hindi ko gustong saktan ka:("

"hindi gusto? pero ginawa muna:( gusto kong magalit sayo, pero hindi ko kaya kasi mahal kita!!"

Umalis na ako pagkatapos ng sinabi kong iyon, sobrang sakit ng ginawa nya... Hindi ko kayang tanggapin na mawawala bigla ang kaligayahan kong ito... Hindi ko na sya kayang harapin kaya nag disisyon na lang akong lumayo na sa kanya... Ako na mismo ang lalayo upang hindi na sya mahirapan... Ako na ang bibitiw para sa kanyang kaligayahan...

SAKIT NA DULOT NG PAG-IBIG AT TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon