MULING PAG-IBIG

95 1 3
                                    

Sobrang nasaktan ako sa kabiguang natamo ko kay Luigi, mahal na mahal ko si Luigi pero kailangan kong lumayo sa kanya, ayoko nang hintayin na dumating ang araw na si Luigi ang mismong iiwan sa akin... Nagdisisyon akong lumapit ng paaralan upang malayo sa kanya, pati mga kaibigan naming malalapit  ay iniwasan ko muna upang tuluyang makalimot... Sa bagong paaralan na aking nilipatan ay nakilala ko si  Chris, unang pagkikita pa lang namin ay nagpakita na ito ng interes, ngunit iniiwasan ko ito... Isang araw nagkasalubong kami at humingi ito ng kaunting oras upang makipag-usap...

"Peach, can we talk? kahit sandali lang please?" pakiusap ni Chris...

"Wala naman tayong dapat pag-usapan diba?" sagot  ko sa kanya habang umiiwas ng tingin...

"Bakit mo ba ako iniiwasan? alam mong gusto kita, unang kita ko pa lang sayo may naramdaman na ako

"Chris, ayoko ng relasyon, yon ang dahilan kaya umiiwas ako sayo, sana maintindihan mo" diritsang sagot ko sa kanya

"Peach, kahit pagkakaibigan lang, hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan?" nagmamakaawang boses ni Chris

Nag-isip ako sandali, at naisip ko na walang masama kung bibigyan ko ng pagkakataon ang isang pagkakaibigan...

"Sige, pumapayag ako, pero sana hanggang kaibigan lang muna"

"Yes! salamat Peach, pangako hanggang kaibigan lang"

Mukhang tama ang naging desisyon ko, naging masaya ang pagkakaibigan namin, napapasaya nya ako sa araw-araw na kami ay magkasama... Kaarawan ng pinsan ko, nag-inuman kami, marahil dahil sa sarap ng kwentuhan, hindi ko napansin na naparami na pala ang inum ko at ako'y nalasing na... Dahil sa kalasingan, naalala ko ang sakit na dulot ng pagmamahal ko kay Luigi kaya, ibinuhos ko lahat ng sakit kay Chris...

"Minahal ko sya, pero anong ginawa niya? niloko nya ako! manloloko sya! akala ko mabait sya yun pala gago sya! at ako namang gaga kahit ganun na ginawa nya mahal na mahal ko pa rin sya! ang tanga tanga ko!"

"Tama na Peach lasing kana, kalimutan muna ang walang kwenta mong ex, marami pang magmamahal sayo, nandito ako" buong pusong sinabi ni Chris

Kahit lasing ako, naramdaman ko kung gaano katapat si Chris sa kanyang sinasabi, parang sa mga sandaling iyon gusto kong subukan, pagbibigyan ko sya na manligaw sa akin... Kinabukasan nang magkita kmi sa school ay sinabi ko sa kanya ang desisyon ko...

"Chris? gusto kong sumugal muli, pagbibigyan na kita=)"

"Anong ibig mong sabihin Peach?" nagtatakang tanong nya sa akin

"Pumapayag na akong ligawan mo ako, iyon ay kung gusto mo pa"

"Talaga? yes! thank you sa pagkakataon,"

Naging maganda ang simula nang panliligaw ni Chris naging masugid siya... Lahat ginagawa nya upang mapasaya lamang ako... Unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya, kaya hindi nagtagal makalipas ang dalawang taon, sa araw mismo ng aming graduation ay nagdesisyon akong sagutin na sya...

"Chris, ito nga pala ang regalo ko=)" isang papel ang binigay ko na may salitang yes

"Yes? anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong nito

"Yes=) sinasagot na kita, tayo na girlfriend muna ako"

"Tayo na? Yes! thank you sa regalo pangako, hinding-hindi kita sasaktan. Mga clasmates! sinagot na ako ni Peach!" ipinagsigawan nya nito, naramdaman ko kung gaano siya kasaya ng mga sandaling iyon

Sobrang saya ng relasyon namin sa mga nagdaang araw, walang ibang ginawa si Chris kundi ang pasayahin lamang ako... Naisip ko sa sarili ko na siya na ang lalaking para sa akin... Isang araw kinausap ako ni Chris na magkakaroon daw ng isang family reunion ang kanilang pamilya at gusto nya akong isama... 

"Nakakahiya naman yun Chris, buong pamilya mo yon tapos isasama mo ako?"

"Ano kaba hon, pamilya kana rin, girlfriend kita, at saka gusto kang makilala ng paborito kong pinsan, lagi kasi kitang nababanggit sa kanya eh, please hon? sumama kana"

Hindi ko matiis si Chris kaya pumayag na ako, maluwag ang naging pagtanggap sa akin ng buong pamilya nya... Nakilala ko na lahat ng kanyang pamilya at masasabi kong mabait silang lahat...

"Hon, mamaya lang ay nandito na si kuya Lu, excited na nga daw syang makilala ang maganda kong girlfriend"

"Bolero ka talaga kahit kailan, girlfriend muna ako, kaya hindi muna ak kailangang bolahin"

"Nagsasabi lang ako ng totoo, nagtext si kuya Lu nasa labas na daw sya, halika hon, sunduin natin"

Sinundo namin ni Chris sa labas ang pinsan nya, miss na miss na daw ni Chris ang kuya nya kasi nasa probinsya ito nag-aaral, ito daw ang bestfriend at partner nya sa lahat ng bagay, kaya nasasabik itong mapakilala ako... Paglabas na paglabas namin nakita nya agad ang pinsan, laking gimbal ko sa aking nakita, parang pinaglalaruan ako ng tadhana... Sa damirami ng pwedeng maging pinsan ni Chris bakit sya pa...

"Luigi?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAKIT NA DULOT NG PAG-IBIG AT TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon