Hi readers! This is a one shot story. Kung magugustuhan niyo..e di itutuloy ko :))
xx,
Author :*
"Buenavidez threeee poooooiiiinnnntttssss!"
Napatayo at napatalon ako nung marinig ko yun pero umupo rin ako agad. Naibulong ko sa sarili ko na "Go Seth! Proud ako para sayo!" hindi ko magawang sumigaw,kasi konting maling galaw ko malilintikan ako. Haaay. Nandito ako ngayon sa gymnasium ng university namin,championship ng basketball. Na-assign ako sa medical team. Para kung saka sakaling may maaksidente,to the rescue agad kami. Hindi ko naman ginusto mapapunta dito e,sadyang napag initan lang ako ng isa kong prof. dahil nagka tres ako sa grade ko. -.- Kaya no choice kundi magvolunteer kuno sa ganitong event. Ayoko kasi manuod :/ Ay! Una at bago sa lahat I'm Kristen Angela Laforteza. 17. Freshmen tourism student. Oo! Maganda ako. Charot! Joke lang yan. Simpleng estudyanteng minalas at nagkapasang awa sa card kaya ngayon mukhang tanga dito sa bench kahilera ng mga varsity players. Bwiset na buhay to oh. Gusto kong magcheeeeeer! Gusto kong Icheer si SETH MARTIN BUENAVIDEZ ang buhay kooooo! Kaso bawal e. Malay ko ba sa mga impaktong organizer ng game. Sino si Seth? Siya ang pinakamagaling magbasketball sa team namin. Pinakagwapo pa. Okay tama na,sumusobra na ang pagpuri ko sa aking sweetheart! Hmm. parang si Kiefer Ravena ng Ateneo! Ganun siya. Okay,last na yan. :/ Mahal na mahal ko ang lalaking yan. :') Oo aminado ako.....sa sarili ko. -.- Paano ko ba naman kasi isisigaw kung bawal? Tsss. Matingnan muna nga ang nangyayari sa game,isip kasi ako ng isip dito e. Hahaha. 14-8. 1st Quarter. naknang lamang ang kalaban! Anyare sa three points ng Seth ko? tsss. Makaupo na nga muna ulit,walang kwenta pa yung game e. Hmmm. Wanna know a story? STORY OF ME AND SETH? Okay,okay. *clears throat* Eheem.
Noong unang panahon ni kopong kopong. Yay. Joke lang :')) time to reminisce our memories..
Second year high school ako.. Nasa hall kami para sa meeting ng isang club. Unang meeting pa lang nun so dun pa lang magpapakilanlan. Kasama ko bestfriend ko,si Laureen Ann Dominguez. L.A for short. :)) Eh dahil nga eengot engot pa ako nun,puro palamuti ang bag ko. Hindi naman siya ganun kabaduy. Ang dami nga nacucute-an sa palawit ko sa bag e,katamtamang laki ng teddy bear yun :))
"Bes,mamaya pa yata magsisimula yung meeting,napaaga yata tayo." Sabi ni LA na parang nabobored na .
"Daig ng maagap ang masipag Bes. Manahimik at mag-antay ka na lang din diyan okay?" sagot ko naman sa kanya ng pabiro.
*pout* takteng ang arteng bata nito,napag antay lang e. Hahaha.
Nakaupo kami sa may unahang part ng hall. Malay na namin kung sino ang nasa likod namin. Naglalaro lang ako sa phone ko kasi nahawa na ako sa boredom ni Bes..Nang bigla kong naramdamang parang gumagalaw galaw yung bag ko. Nang walang anu ano ayy..
"WALANGYA KA! SINO KA? MAGNANAKAW KA NO?!" sigaw ko habang hawak hawak yung bag ko at nakatayong nabigla. Nakuha ng pagsigaw ko ang atensyon ng mga tao. NAKAKAHIYA. Napatingin naman ako sa taong sinigawan ko. Eto siya oh. ---> o.o <------- yan oh.
"OA mo miss,nacute-an lang ako sa nakasabit diyan sa bag mo,kaya nilalaro ko." sagot naman niya nung narealize niya na nakatingin lang ako sa kanya pati na din ang mga tao sa hall.
Nagtawanan naman sila sa pangunguna ng bestfriend ko na si LA. Napakabait talaga nito. -__-
Umupo na lang ulit ako,nakakahiya kasi e. Yan kasi ako,padalos dalos na tao. Napapahiya tuloy. Awww. i feel bad for that guy. Oo lalaki siya,malay at pakialam ko kung sino.. Eh basta! Bat ba kasi galaw siya ng galaw ng hindi kanya. Hmmmp! Ay tange! Cute nga yung palamuti ko sa bag kaya nakakaakit diba? tsss. Hindi ako makatingin sa likod ko. Nahihiya kasi ako dun sa nasigawan ko,pati na din sa mga tao sa hall. Nagiskandalo kasi ako. -___- Bigla namang may pumuntang lalaki sa unahan. Oops. Principal pala.