The us against the world

30 1 2
                                    

"Everything that comes together falls apart."

Sa araw araw na bumabyahe ako narealize ko na ang buhay ng tao ay isang byahe. May mga nagcocomute. May mga nakakotse. May mga nakabike. At meron din namang naglalakad. Ang kalsada naman ang mga desisyong ginagawa natin. Liliko ba sa kanan o sa kaliwa? Diretso ba o mag-uU Turn. Titigil na ba o nandito na talaga.

May mga kalsadang tinatawag na highway. Yan ang desisyong mabilisan. Di na pinag-iisipan. Ginagawa para matapos na agad ang usapan. Pero ang mga desisyong ganto ay nagiging adventure. Dahil di mo nga pinag-isipan ang desisyon mo, magugulat ka na lang sa mga mangyayare. Maraming posibilidad ang nabubuksan. Pero dalawa lang ang resulta. It's either madisgrasya ka o mapapaaga ka dulo ng daan. What do I mean? Eto yung mga desisyong pag ginawa mo ay pwede kang masaktan o pwedeng maagang matapos ang lahat. Pwedeng broken ka sa maling dahilan o matapos ang lahat dahil nagmadali ka.

May kalsada din namang tinatawag na intersection. From the word itself, "intersect". Mga desisyong pag ginawa mo ay may mga tao kang makikilala pero di rin magtatagal ay maghihiwalay din kayo ng daan. Makikilala mo sya for a reason. Positive or negative, pero may mapupulot kang aral sa taong yun. Kung sino pa yung sandali mo lang nakasama, sila pa yung mas tatatak sa puso at isipan mo.

May kalsadang national road kung tawagin. Ito yung mga desyong ginagawa dahil kailangan. May goal, mindset or dream. And I am about to take this road. What's my goal? To make her happy.

Paano mo masasabing masaya ka?

Pag meron ka nung gusto mo? Di ka naman siguro sakim.

Pag lagi kang tumatawa? Baka naman akalaing baliw ka.

Pag walang problema? Aba! Daig mo pa ang patay.

Pag napapasaya mo yung nagpapasaya sayo? Martyr.

O pag kuntento ka sa kung anong meron ka?

Lahat tayo may iba ibang definition ng happiness. 

Ako, masaya ako pag masaya ang iba.

Pero paano kung yung ikasasaya mo ay di ikaw ang ikinasasaya? Paano kung ikaw na lang masaya? Bibitaw ka ba o ipagpapatuloy mo dahil nga pinapasaya ka nya?

Ako, pipiliin kong maging masaya sya. Di dahil sa martyr ako, pero ano pang sense kung pipilitin ko at di rin naman sya masaya. Di ako nagpapakamartyr pero anong sense ng paghohold on kung ikaw lang naman ang nakakapit?

Dadating at dadating ang time na mapapagod ka lang. Magsasawa ka.

Pero sabi nila, "As long as you love that person, waiting will never be boring."

Positivity. Optimism. Faith. Tiwala lang. Kaya yan.

May mga bagay sa mundong kahit 1% na lang ang pag-asa, di ka mag-gigive up kasi mahal mo.

Kahit gaano kaliit ang chance, gagawa at gagawa ka pa rin ng paraan.

Bakit mo pagtitiyagaan kung marami namang iba dyan?

Bakit ka magtitiis e marami namang better kesa sa kanya?

Simple, mahal mo siya.

That's why I never looked at the glass and say it's half empty. It's always half full. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The us against the worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon