Chapter 23 - Bonus Chapter

9.4K 141 2
                                    


"GOOD evening, my Amanda!" Patakbong nilapitan ni Justin si Amanda na noon ay abala sa paghuhugas ng pinggan sa kusina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GOOD evening, my Amanda!" Patakbong nilapitan ni Justin si Amanda na noon ay abala sa paghuhugas ng pinggan sa kusina. Hindi na ito naghintay na salubungin niya, bagkus ay bigla na lamang siya nitong niyakap mula sa likuran.

"A-ano'ng ginagawa mo rito? It's basketball night tonight, baka hinihintay ka na nina Paul sa gym!" sabi niya. Nanatili siyang nakatalikod rito. Basang-basa ang dalawa niyang kamay at punung-puno ng bula kaya hindi niya mapigilan si Justin na yakapin siya nang mahigpit.

"I miss you so much, my Amanda..." bulong nito sa kanyang tainga. Justin kissed her cheeks, then her neck and his lips lingered there for a while.

"P-pero...magkasama lang tayo sa restaurant kanina..." putul-putol niyang sabi habang pilit pinipigilan ang sariling madala sa mga halik ng kasintahan. Wala pang isang linggo mula nang makabalik siya bilang head chef ng Mandy's at kasabay no'n ay ang pag-amin nila ni Justin ng nararamdaman sa isa't-isa.

Sa umpisa, akala ni Amanda ay magiging kumplikado ang lahat – magiging sobrang awkward dahil sa sitwasyon nila bilang matalik na magkaibigan noon. Pero hindi pala. To her surprise, Justin was a better lover than a best friend. He's thoughtful, caring and really affectionate. Minsan nga ay nalilimutan nito na nasa labas sila at may ibang tao sa mundo. Sa tuwing nasa labas sila ay parati itong nakahawak sa kanyang kamay o kaya'y naka-akbay sa kanyang balikat. Maging sa restaurant ay ganoon rin si Justin sa kanya kaya naman parati na lamang silang tampulan ng tukso ng lahat ng naroon. Nariyang bigla siyang yayakapin ni Justin habang nagluluto siya sa kusina o kaya ay bigla siya nitong hahalikan sa pisngi kahit pa alam nitong may mga mata'ng nakatingin sa kanilang dalawa.

"What if I stay here for the night?" narinig niyang tanong nito.

Umiling siya at nang humarap siya rito ay sinamantala iyon ni Justin para mahalikan siya sa labi – at bigla ang naging lundag ng puso niya dahil doon.

Ah, minsan parang gustong sampalin ni Amanda ang sarili para lamang makasigurado na hindi siya nananaginip. Noon, sa pangarap lang nangyayari ang lahat ng iyon, sa imahinasyon lang niya nahahalikan si Justin pero ngayon, ito na ang humahalik sa kanya – araw-araw, gabi-gabi.

Justin has always been her dream come true. He gives her everything she needed and wanted, literally. Wala siyang maire-reklamo rito bilang nobyo, liban na lang siguro sa parating gusto nitong nakadikit sa kanya – oo, literal na nakadikit, tulad ngayon.

"I love you, my Amanda..." bulong nito.

Inagaw nito sa kanya ang hawak na plato at ito na ang nagtuloy ng paghuhugas niyon – nang hindi umaalis sa kanyang likuran. He stayed behind her, with his arms around her and all.

"Paano ang basketball ninyo kung dito ka mag-i-stay?"

He shrugged. "I'd rather wash all your dishes than play ball. How about you come with me? Then let's watch a movie afterwards. What do you say?"

Maganda ang ngiti ni Justin at talaga namang ayaw niya itong ma-dismaya. "P-pero Justin, marami pa akong kailangang gawin ngayon. May bago pa 'kong recipe na kailangang pag-aralan."

"So, the more reason I have to stay here. Tutulungan kita."

"P-pero J-Justin-"

"Hay..." Binitiwan nito ang hawak na pinggan at ang kamay naman niya kinuha. "Kung pumapayag ka na kasi na sa condo ka na lang uli mag-stay, I don't have to be like this."

"Hindi puwede, Justin." Umiling siya at pilit kumawala sa yakap ni Justin. Pinunasan niya ang sariling mga kamay at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga naiwang gamit sa countertable. "I-iba na ang sitwasyon natin ngayon, hindi magandang tingnan."

"Ano ba ang pinagkaiba ng sitwasyon natin noon sa ngayon?" taka nitong tanong.

Lumabi si Amanda dahil alam naman niyang alam ni Justin ang ibig niyang sabihin. Natawa naman ito sa ginawa niya. Nagpunas na rin ito ng kamay matapos mahugasan ang lahat ng baso at pinggan na nasa lababo.

"Dahil ba girlfriend na kita at boyfriend mo na ako?" malambing nitong sabi. Muli itong lumapit sa kanya at muli siya nitong niyakap nang mahigpit mula sa likuran. "Hay, sometimes, I still can't believe it, you know."

"Still can't believe what?"

"That you are now my girlfriend. Na p'wede na kitang yakapin nang ganito..." mabilis siya nitong iniharap at napahugot siya ng hininga. "At i-kiss nang ganito..."

At wala ngang inaksayang minuto si Justin at agad nitong inangkin ang mga labi ni Amanda. Mabilis na umakyat ang dalawa nitong kamay sa kanyang batok at mas inilapit ang katawan sa kanya, dahilan para mapaurong siya at ma-pinid siya sa pagitan ng malaki nitong bulto at counter table.

"I used to dream about this...how it would feel to kiss you..."

At nang muli siya nitong hahalikan ay umiwas siya. "T-this is exactly the reason why I cannot go back to your condo, Justin."

Napangiti si Justin, naiintindihan ang sinabi niya. "W-why, what's wrong with this? It would be exciting, don't you think?"

Ngumiti rin siya pero umiling nang maraming iling. Hindi sa hindi niya gusto ang iniisip ni Justin kundi dahil sa...hindi pa siya handa. At sa oras na bumalik sila sa dating set-up, hindi niya maipapangako sa sarili na hindi magkasala. Kung noon nga ay abot-langit na ang pagpipigil niya na tapunan ng tingin ang binata sa tuwing lumalabas ito ng kuwarto o banyo nang naka-boxers lamang o naka-bathrobe at wala nang iba, paano na lang kaya kung ngayon sila magkakasama sa iisang bubong ng napakagandang-lalaki'ng iyon?

"Come on, Amanda...bumalik ka na sa condo, please? I'll behave, I promise," sabi pa nito sabay angat sa kanang kamay na parang nanunumpa.

Umiling siya. Kung si Justin, kayang ipangako ang 'pagpapakabait', siya yata ay hindi. "H-hindi ko alam, Justin..."

"Kung ano man ang set-up natin noon, walang magbabago, promise. You'll still have your own room, I'll have mine. You can do your stuff just as the same and I can do mine. Gusto ko lang na parati tayong magkasama...because truth is, I find it difficult to function without you by my side. Call me possessive, fine. When it comes to you, I am possessive, I admit. I want you close to me all the time, Amanda and I mean 'all the time'."

She looked at him. His eyes were dark and she could sense something in his smile. Yumuko siya at hinilig ang noo sa malapad nitong dibdib. "C-can I think about it?"

Malaki ang ngiti'ng itinugon ni Justin. "Y-yes!"

~~


~~

My Lovely Chef - COMPLETE/RAW VERSION (published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon